top of page
Search

ni Thea Janica Teh | January 2, 2021




Arestado ang isang pulis sa Malabon City matapos magpaputok ng baril nitong Media Noche, ayon sa Philippine National Police (PNP).


Ayon kay PNP Spokesman Brig. Gen. Ildebrandi Usana, kinilala ang suspek na si S/Sgt. Karen Borromeo, 39-anyos.


Bandang 7:45 ng gabi, nagpaputok umano ng baril si Borromeo sa harap ng kanilang bahay. Agad na nagsumbong ang mga kapitbahay nito sa mga pulis kaya agad ding naaresto ang suspek.


Aniya, “She will be facing criminal and administrative sanctions.”


Bahagi naman ni Brig. Gen. Eliseo Cruz, Northern Police District (NPD) director, personal umano ang dahilan ng pagpapaputok nito ng baril at hindi dahil magba-Bagong Taon.


“She was having an argument with her live-in partner,” dagdag ni Cruz.


Samantala, nasa 25 kaso ng indiscriminate firing ang naitala sa taong 2020, mas mababa noong 2019 na nakapagtala ng 41 kaso.

 
 

ni Thea Janica Teh | January 2, 2021




Pinalawig pa hanggang Enero 17, 2021 ang ipinatutupad na social distancing rules sa South Korea at iba pa nitong kalapit na lugar, ayon sa health official nito ngayong Sabado.


Ayon kay Kwon Deok-cheol, ito ay pinalawig upang maiwasan ang patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa. Mahigpit ding ipinatutupad ang pagbabawal sa mass gathering na hindi dapat hihigit sa apat na katao.


Nitong Biyernes, nakapagtala ng 824 bagong kaso ng COVID-19 ang South Korea, mas mababa sa naitala noong Huwebes na 1,029.

 
 

ni Thea Janica Teh | January 2, 2021



Sa pagpasok ng bagong taon, sinabi ni Department of Health (DOH) Sec. Francisco Duque III na maaari nang simulan sa Marso ang pamamahagi ng bakuna laban sa COVID-19.


Aniya, “According to our vaccine czar na si Sec. Galvez, mga end of first quarter nitong taong 2021.” Dagdag pa nito, ‘pag nagsimula ito ng Marso o second quarter ng taon ay tuluy-tuloy na ang pamamahagi ng vaccine hanggang sa marating ang 60%-70% ng populasyon, dahil ang layunin umano ay maisagawa ang herd immunity.


Wala rin umanong magiging problema sa distribusyon ng bakuna dahil mayroon silang formula na susundin kung sino ang mauuna.


Mayroon umano silang 5 kategorya at ito ay healthcare workers, matatanda, may sakit, mahihirap na pamilya at uniformed personnel tulad ng AFP at PNP.


Samantala, wala namang nabanggit si Duque kung anong bakuna ang napili at ituturok sa publiko.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page