top of page
Search

ni Gerard Arce @Sports News | May 20, 2025



Photo: Manny Pacquiao at Eddie Hearn - FB


Naniniwala ang isang kilalang boxing promoter na mahihirapang magwagi ang nag-iisang 8th-division World champion Manny “Pacman” Pacquiao laban sa mas batang si reigning World Boxing Council (WBC) welterweight titlist Mario “El Azteca” Barrios sa Hulyo.


Bagamat nagsimula ng sumabak sa ensayo ang Filipino boxing legend at kahapon ay dumating na ito sa Los Angeles kasama ang kanyang misis na si Jinkeey Pacquiao para ituloy ang ensayo sa Wildcard gym nakahanay siyang iupo sa International Boxing Hall of Fame sa Hunyo sa New York City,  patuloy namang hindi pumapabor si Matchroom Boxing Promotions head Eddie Hearn na hindi mananalo si Pacquiao kontra Barrios dahil na rin sa edad nito.


I mean one, he won’t beat Barrios,” pahayag ni Hearn. “And two, I’m not gonna stand here with my righteous hat on and say it’s an absolute disgrace that Pacquiao's fighting, but I just can’t believe you can just literally disappear from boxing for five years, be 46 years old, and be – I think ‘shot’ is disrespectful, but by no means a fighter you were – and just phone up the governing body and go, ‘Stick me in at number five mate.’ It's like, at least put him in at 14, do you know what I mean? Why would you put him at five? Why would you put him in at all?”


Hindi lamang nagdududa si Hearn sa kasalukuyang kapasidad ni Pacquiao laban sa mas batang katunggali. Huli niyang naging laban sa pro  noong Agosto 2021 nang matalo kay Yordenis Ugas ng Cuba sa unanimous decision. Pero hindi niya agad  tinalikuran ang boksing, sumagupa sa magkasunod na exhibition bouts kontra  Korean vlogger DK Yoo at Japanese kickboxer Rukiya Anpo noong 2022 at 2024.   

 
 

ni Madel Moratillo @News | May 20, 2025



Photo File: Bagong Henerasyon, Duterte Youth, George Garcia - FB, Comelec


Sinuspinde ng Commission on Elections (Comelec) ang proklamasyon ng Duterte Youth at Bagong Henerasyon Partylist. 


Ang Duterte Youth ay nakakuha ng 5.6% ng partylist votes na katumbas ng 3 seats habang ang Bagong Henerasyon naman ay may 1 seat. 


Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, 'yan ay dahil sa mga naka-pending pang petisyon laban sa mga ito sa Comelec. 


Sa resolution ng National Board of Canvassers, may seryosong alegasyon sa mga ito dahil sa paglabag umano sa election laws. 


Ayon sa Comelec, dedesisyunan ito bago ang Hunyo 30. 


Sa isang pahayag, sinabi ng Duterte Youth na kukwestyunin nila sa Korte Suprema ang suspensiyon. 


Sabi naman ng Bagong Henerasyon, hindi nila alam na may kaso laban sa kanila. Naghain na umano sila ng urgent motion sa Comelec para iproklama.

 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | May 19, 2025



Photo File - Yen Santos - IG


Ipinagyabang ni Yen Santos ang nakaka-inspire na 21 kilos weight loss journey niya.

Aniya, in just two months ay nakapagbawas siya, mula sa 72 kg. ay naging 51 kg. na lang sa tulong umano ng slimming program.


She opened up about her struggles with emotional eating, admitting that she eats when happy or stressed.


Binigyan ni Yen ng credit ang dalawang doktor na sina Dr. Baker at Dr. Dani Angeles Baker for guiding her transformation.


Wika ng aktres, “‘Kaming bahala sa ‘yo,’ and they meant it.”

Pagbabahagi pa niya, “It’s still a journey, but now I know I’m finally on the right path with the right people.”


Ayon pa kay Yen, nang nababahala na siya sa kanyang timbang ay naapektuhan na ang kanyang confidence at self-image.


Sey niya, “Last year, I gained so much weight that I barely recognized myself. It was the heaviest I’d ever been and honestly, I couldn’t even look at myself in the mirror.”


Nang umabot na siya sa timbang na 72 kilos at her heaviest, she confessed that emotional eating became a coping mechanism.


Aniya, “I eat when I’m happy, when I’m stressed… Basically, I eat my feelings.”


Kahit sinubukan daw niyang mag-diet at mag-workout, hindi umubra hanggang sa makilala niya sina Dr. Baker at Dr. Dani Angeles Baker.


In-encourage siya at sinuportahan ng 2 doktor sa kanilang BAKER SLIM program at

Kuwento niya, “First week pa lang, I lost 3 kgs. agad!

“More importantly, I’ve found the confidence I lost along the way.”

Wala raw imposible sa transformation kung nasa right guidance at mindset.


Isinampal ang mga video niya…   

DARREN, SINABIHANG ‘DI MARUNONG KUMANTA, PUMALAG


DINEPENSAHAN ni Darren Espanto ang sarili sa basher.

Hindi kasi naniniwala ang basher na marunong kumanta ang singer, kaya nag-post siya ng “Dare I say... people who can’t sing need to stop covering his songs. Seriously!” at nilakipan pa niya ito ng video ni Darren.


Sinagot ng singer ang basher, “Hi @sieeoun. Please consider watching my other vocal performances ‘cuz one thing I won’t take is someone telling me ‘I CAN’T SING.’ Attached here are a few of ‘em.”


Tila hindi agree ang ibang mga netizens sa sagot ni Darren, kaya may nagkomento, “Get off your high horses. You are not the best singer but you can hit a note. Ano ang hit songs mo ngayon?”


May mga nagtanggol naman sa singer… “Sinabi ba niyang ‘BEST’ singer siya?”

“Did he claim in his statement that he’s the best singer? He only said he can’t accept anyone saying he can’t sing. Don’t you know the difference?”


“I don’t think D was mayabang. Totoo naman what he said. Kaninong troll ka?”


“Eh, meron bang professional singer na ‘di marunong kumanta? Ikaw ba ‘pag college graduate ka, tapos sinabihan kang ‘di ka nakatapos, ‘di ka aalma? ‘Di mo lalapagan ng resibo to debunk? Labanan ang fake news!”

“Dami mong na-trigger na fans ni Darren. ‘Yan, iyak tuloy sila nang malala. Hahaha!”


“Any BTS member is also not the best singer. Bleh!”

“That’s literally a prod sa ASAP. A musical variety show, so obviously, need nila mag-cover ng songs. Kahapon ka lang ba ipinanganak?”


Payo naman ng isang commenter, “Why do you have to be that low, Darren? ‘Wag magpaapekto sa opinyon ng isang taong ‘di mo kilala.”



PROUD si Alex Gonzaga sa pagkapanalo ng kanyang mister na si Mikee Morada bilang vice-mayor ng Lipa.


Sa Instagram (IG) ni Alex ay pinasalamatan niya ang mga taong sumuporta kay Mikee.

Aniya, “Thank you, Lord Jesus! Thank you po, mga Lipeño!


“Kaya naman, kasama ang buong pamilya, buong puso ka naming sinuportahan at sinamahan, kahit hindi ka humihingi ng tulong.”


Wala talagang pagsidlan ng katuwaan ang wifey ni VM Mikee Morada.




 
 
RECOMMENDED
bottom of page