top of page
Search

ni Dr. / Atty. Erwin P. Erfe, M.D. @Sabi ni Doc | November 1, 2023



ree

Dear Doc Erwin,


Dalawang taon na ang nakakaraan nang ako ay maoperahan dahil sa kidney stones.


Matapos ang operasyon ay pinayuhan ako ng aking doktor na mag-ingat dahil maaari raw akong magkaroon muli nito.


Ang payo na ito ay aking sinunod ngunit ako ay nag-aalala na maaaring magkaroon muli ako ng kidney stone kaya minabuti ko na sumulat sa inyo upang malaman kung may mga alternatibo at natural na gamot na maaari kong kainin o inumin para maiwasan na magkaroon muli ng kidney stone. Sana ay matugunan ninyo aking katanungan. - Maria Lourdes


Maraming salamat Maria Lourdes sa inyong pagliham sa Sabi ni Doc at pagbabasa ng Bulgar newspaper.


Ang pagkakaroon ng kidney stone o bato sa ating kidneys ay isa sa mga pinakamadalas na sakit ng ating urinary tract kung saan ayon sa archaeological evidence ay may 6 na libong taon na ng sakit ng sangkatauhan.


Ang pagbuo ng kidney stone ay maaaring maulit uli. Hanggang 50 percent ng nagkaroon ng kidney stone ay maaaring magkaroon muli nito sa loob ng limang taon. Kaya minarapat ng iyong doktor na ikaw ay pag-ingatin sa posibilidad na magkaroon uli ng kidney stone.


Ngunit, paano nga ba mag-iingat upang maiwasan ang pagbuo ng kidney stones?

Maraming Salamat sa inyong pagliham sa Sabi ni Doc at nawa’y magpatuloy sa pagbuti ang inyong kalusugan. Kung may mga katanungan pa, mag-email lamang sa Sabi ni Doc sa e-mail address na erwin.erfe@gmail.com o sa doc.bulgar@gmail.com

 
 

ni Dr. / Atty. Erwin P. Erfe, M.D. @Sabi ni Doc | August 29, 2023



ree

Dear Doc Erwin,


Kamakailan lamang ay kumonsulta ako sa isang doktor ng integrative medicine tungkol sa aking diabetes at depression. Sa aking edad na mahigit na 40 ay matagal ko nang iniinda ang aking mataas na blood sugar level at pagiging malungkutin.


Bukod sa aking maintenance medicine para sa aking diabetes at depression ay pinayuhan ako ng aking doktor na madalas na pagkain ng pumpkin seed o buto ng kalabasa. Ayon sa kanya, ito ay isang “functional food” at makakatulong sa aking diabetes at ganoon din makakatulong sa aking depression.


Ano ang functional food at paano nakakatulong ang mga pumpkin seed o buto ng kalabasa sa diabetes at depression? May basehan ba ang paniniwala na ito ayon sa mga pananaliksik? Sana ay masagot ninyo ang aking mga katanungan. - Leandro


Maraming salamat, Leandro sa iyong pagliham sa Sabi ni Doc at pagbabasa ng Bulgar newspaper.


Ayon sa Second Edition ng Encyclopedia of Food Sciences and Nutrition ang mga “functional foods” ay mga pagkain na bukod sa kanilang mga nutritional properties na nagpapalusog ng ating pangangatawan ay may karagdagan na properties na nakakatulong upang ma-enhance ang physical performance at state of mind o estado ng ating kaisipan.


Ang mga functional foods ay nakakatulong upang maiwasan ang sakit, gumaling sa sakit, ma-control ang sakit ng ating katawan at pag-iisip, at pabagalin ang pagtanda ng ating pangangatawan (slow aging process).


Ayon sa mga scientific research, may beneficial properties ang mga functional foods sa paglaban sa cancer, sakit sa puso, diabetes, obesity, high blood pressure, inflammation, iba’t ibang uri ng impeksyon, sakit sa pag-iisip at sa marami pang sakit.


Sa isang review article, na isinulat ng mga mananaliksik sa pangunguna ni Dr. Joachim Dotto ng Nelson Mandela African Institution of Science and Technology, sa scientific journal na Scientific African, na inilathala noong September 2020, itinuring ang pumpkin seed o mga buto ng kalabasa na isang functional food na may kakayahan na labanan ang iyong sakit na diabetes at depression.


Batay din sa mga scientists tumutulong ito upang labanan ang cancer (antitumor), at may antioxidant, cytoprotective at antihelminthic activities ang pumpkin seeds.


Sa iba’t ibang mga pag-aaral napag-alaman ng mga scientists na ang pumpkin seed ay nagpapataas ng release ng insulin ng ating katawan. Ang insulin ay nagpapababa ng blood sugar level. Nabatid din na ang pumpkin seeds ay nakakapagpababa ng blood sugar level matapos kumain (postprandial blood sugar level). Mayaman din sa dietary fiber na pectin ang pumpkin seeds. Nakakatulong ang pectin na mapababa ang blood sugar at nababawasan din ang pangangailangan ng katawan sa insulin.


Base sa isang pag-aaral, kung saan sinaliksik ng mga scientists ang Antidepressant Food Score (AFS) ng mga pagkain kasama na ang pumpkin seed, napag-alaman na ang huli ay may antidepressant food score na 47%. Ibig sabihin nakakatulong ang pumpkin seed upang labanan ang depression. Ayon sa mga scientists ito ay dahil sa sangkap na Tryptophan ng pumpkin seed, isang essential amino acid, at 5-hydroxytryptophan, mga importanteng gamot laban sa depression.


Dahil sa mga nabanggit, makakatulong sa ‘yo at sa iyong mga sakit na diabetes at depression ang pumpkin seeds.


Sana ay nasagot namin ang iyong mga katanungan at nadagdagan ang iyong kaalaman tungkol sa pumpkin seeds at mabubuting epekto nito sa ating katawan.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagsubaybay sa Sabi ni Doc at nawa’y magpatuloy sa pagbuti ang inyong kalusugan.


Maraming Salamat sa inyong pagliham sa Sabi ni Doc at nawa’y magpatuloy sa pagbuti ang inyong kalusugan. Kung may mga katanungan pa, mag-email lamang sa Sabi ni Doc sa e-mail address na erwin.erfe@gmail.com o sa doc.bulgar@gmail.com

 
 

ni Dr. / Atty. Erwin P. Erfe, M.D. @Sabi ni Doc | August 15, 2023



ree

Dear Doc Erwin,

Ako ay 35 taong gulang, may asawa at dalawang anak. Dahil ang aking pamilya ay may family history ng obesity, mula pagkabata ay inalagaan na ng aking ina ang aking pagkain at pinanatiling mababa ang aking timbang.


Bagama’t naging maingat ako sa aking pagkain, sa mga nakaraang buwan ay napansin ko ang unti-unting pagtaas ng aking timbang. Kaya ako ay nag-aalala na sa mga darating na panahon ay tumaba ako nang husto at maging obese katulad ng marami sa aming pamilya. Bukod sa mga kilala nang mga pagkain na nakakataba katulad ng mga pagkain na mataas sa calories, fat at sugar content, mayroon bang mga pagkain na hindi pangkaraniwan na kinokonsidera bilang pagkain na nakakataba ngunit kinakailangang iwasan upang hindi tumaba?


Sana ay inyong matugunan ang aking katanungan at matulungan n’yo akong umiwas sa mga pagkain na maaaring makataba at makasira sa aking kalusugan. Maraming salamat po, Doc Erwin. - Mark Anthony

Maraming salamat Mark Anthony sa iyong pagliham sa Sabi ni Doc at pagbabasa ng Bulgar newspaper.

Napakaganda ng iyong katanungan. Dahil sa patuloy na pag-aaral ng mga scientist ay nadiskubre nila na may mga uri ng mga pagkain at inumin na maaaring makataba dahil sa kakaibang epekto nito sa ating katawan at kakaibang paraan ng pagpoproseso ng ating katawan sa mga pagkain at inumin na ito.


Ayon sa isang artikulo na inilathala ng Philosophical Transactions of the Royal Society B nito lamang July 24, 2023, naniniwala ang mga scientist sa pangunguna ni Dr. Richard Johnson ng University of Colorado Anschutz Medical Center na ang mga pagkain ng mga food at pag-inom ng mga inumin na mayaman sa fructose, isang uri ng asukal, ay isang dahilan ng epidemya ng obesity sa buong mundo.


Ang mga inumin na mayaman sa fructose ay mga softdrink, soda at mga fruit juice na hinaluan ng maraming fructose upang ito ay sumarap at tumamis. May mga pagkain din na hinaluan ng fructose upang ang mga ito ay maging kaaya-aya sa panlasa katulad ng mga tinapay, crackers, pastries, mga condiment, dips at salad dressings. May mga fastfood din na nabibibili na hinaluan ng fructose.


Dahil sa rami ng pagkain at inumin na hinaluan ng fructose, naging malaganap din ang obesity sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo.


Ngunit bakit nga ba tumataba ang mga tao na mahilig kumain at uminom ng mga pagkain at inumin na hinaluan ng fructose?


Ayon sa mga scientist na pinangungunahan ni Dr. Richard Johnson, ito ay dahil sa “survival switch” kung saan ang inihahanda ang ating katawan upang labanan ang krisis na maaaring harapin ng ating katawan katulad ng pagkakasakit o kagutuman. Bagama’t ang fructose ay isang uri ng asukal na maaaring gamitin ng ating katawan bilang “fuel” o “energy”, may kakaiba itong epekto sa ating katawan ayon sa mga scientist.


Ang kakaibang epekto ng fructose sa ating katawan ay tinatawag na “fructose survival response” kung saan binabawasan ng fructose ang paggamit ng ating mga fat stores bilang enerhiya ng ating katawan. Dahil dito, naiipon ang taba sa ating katawan kung madalas ang pagkain at pag-inom ng inumin na mayaman sa fructose. Ito ang dahilan kung kaya’t marami ang tumataba at nagiging obese. Ayon sa mga scientist, ang pagdagdag ng fructose sa mga pagkain at inumin ang dahilan kung bakit laganap sa buong mundo ang obesity.


Sa pag-aaral na ito ng mga scientist, napag-alaman din nila na may mga pagkain at inumin na makakapagpataas ng level ng fructose sa ating katawan. Katulad ng epekto ng pagkain at pag-inom ng inumin na mayaman sa fructose, ang mga pagkain at inumin na nakakapagpataas ng fructose level sa atin ay makakapagpataas din ng ating timbang at maaaring magresulta sa pagtaba o obesity.


Ayon kina Dr. Richard Johnson ang mga pagkain na maalat (salty food), mga alak at beer ay nakaka-stimulate ng polyol pathway, kung saan ikino-convert ng ating katawan ang glucose upang maging fructose. Dahil sa pagtaas ng production ng fructose ng ating katawan sanhi ng maalat na pagkain at pag-inom ng alak ay patuloy na nag-iimbak ng taba ang ating katawan, dahilan kung bakit ang mahilig kumain ng mga pagkain na maalat at uminom ng alak ay tumataba at maaaring maging obese sa katagalan.


Sana ay nasagot namin ang iyong mga katanungan at nadagdagan ang iyong kaalaman sa mga pagkain na maaaring magdulot ng obesity.


Maraming Salamat sa inyong pagliham sa Sabi ni Doc at nawa’y magpatuloy sa pagbuti ang inyong kalusugan. Kung may mga katanungan pa, mag-email lamang sa Sabi ni Doc sa e-mail address na erwin.erfe@gmail.com o sa doc.bulgar@gmail.com

 
 
RECOMMENDED
bottom of page