ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 01, 2021

Tuloy pa rin ang operasyon ng pampublikong transportasyon sa kabila ng pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila para sa vaccination program ng pamahalaan, ayon kay National Task Force against COVID-19 Spokesperson Restituto Padilla, Jr..
Sa isang panayam, saad ni Padilla, "Hindi na hihigpitan siguro nang lubos ang transportation sector dahil sa isang anunsiyo na inilabas ni (Presidential Spokesperson) Secretary (Harry) Roque kamakailan, 'yung pagpapatuloy ng vaccination.
“Maski tayo ay naghihigpit sa ECQ, increased ramp up ang pagbabakuna ng mga kababayan.” Samantala, wala pang inilalabas na guidelines ang Palasyo para sa transportation sector kapag tuluyan nang isinailalim ang Metro Manila sa dalawang linggong ECQ na magsisimula sa Agosto 6 hanggang 20.



