top of page
BIDA - RURU, UMAMING NAG-CHEAT KAY BIANCA-G _rurumadrid8.jpg
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 13, 2021



Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang Tarragona, Davao Oriental ngayong Biyernes nang umaga, ayon sa PHIVOLCS. Naitala ang pagyanig bandang alas-4:28 AM na may lalim na 13 kilometers, ayon sa PHIVOLCS. Wala naman umanong posibleng damages at aftershocks, ayon pa rito.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 12, 2021



Nagtamo ng 3rd degree burn ang isang 35-anyos na lalaki matapos sumiklab ang sunog sa MJ Fort Construction sa Bonifacio Global City sa Taguig noong Miyerkules nang gabi, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).


Ayon sa BFP, kaagad na isinugod sa St. Luke's Medical Center ang biktima.


Bandang alas-7:30 PM tinatayang nagsimula ang sunog at idineklara namang fire out na bandang 9:35 PM.


Saad ni Taguig City Mayor Lino Cayetano, "Initially po, ang inire-report po sa atin ay mukhang noong nagdi-drill po, may tinamaan na gas pipe, so hindi po siya gas leak, gas explosion. May nag-trigger po.


"Habang nagdi-drill, may tinamaan, may naamoy and then later on, noong lumapit ang isang safety officer, doon po nangyari ang explosion.”


Wala naman umanong iba pang establisimyentong nadamay sa sunog.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 12, 2021



Pinagbawalan ni Philippine National Police Chief General Guillermo Eleazar ang mga barangay security officers na magdala ng baril habang naka-duty.


Inatasan din ni Eleazar ang mga opisyal ng PNP na siguraduhing "That no barangay tanods would be allowed to carry guns especially in the enforcement of the quarantine rules.”


Ito'y matapos ang insidente noong Sabado kung saan naiulat na binaril ng isang barangay tanod ang 59-anyos na curfew violator sa Manila na hinihinalang may problema sa pag-iisip. Dead on the spot ang biktima.


Saad pa ni Eleazar, “In the enforcement of minimum public health safety standards and ECQ rules in Metro Manila, we always remind our law enforcers to observe maximum tolerance on quarantine violators. Hindi dapat humantong sa paggamit ng dahas ang paninita sa mga violators."


Nangako rin si Eleazar sa pamilya ng biktima na tututukan nila ang naturang insidente at maingat na iimbestigahan ang suspek na kinilalang si Cesar Panlaqui.


Ayon din kay Eleazar, kasalukuyang nasa kustodiya na ng Manila Police District ang suspek at inihahanda na rin umano ang mga kaso na maaaring isampa rito.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page