top of page
Search

ni Rohn Romulo @Run Wild | Nov. 9, 2024



Photo: KC at Gabby Concepcion - Instagram


Sa Instagram (IG) post ni KC Concepcion, isang compilation video ng bonding moments nila ni Gabby Concepcion ang ibinahagi ng aktres bilang pagbati sa ama na nag-birthday noong November 5.  


Caption niya: “It’s November, and that means celebrating the birth month of my sweet, kind, and guapo Papa love!” (smiling with sunglasses emoji).


“I thank God everyday for our effortless bond, and the chance He gave us to be closer than ever as father-daughter.  


“Always grateful for the parents God chose for me. I love you [white heart emoji].”  

Pahabol na mensahe pa ni KC ang isang rebelasyon tungkol sa ama, “People abroad sometimes think he’s my boyfriend when they catch us talking on video call, nakakahiya! Hahaha!”   


Maraming netizens ang nag-agree na parang vampire si Gabby dahil hindi raw ito tumatanda. Kaya may ilang nagsabing para lang silang magkapatid.  

Sey ng mga netizens:


“I thought, napagkakamalan kayong siblings [grinning face with sweat emoji].”  


“Just like twins [fire emoji] so good looking both of you, KC.”  


“Pogi naman kasi ng tatay mo, 'noh! [laughing, happy face with heart eyes, fire emojis]”  


“Vampire kasi ang most handsome actor ng Philippine cinema! [red heart emojis]”  


“May pinagmanahan ka sa pagka-vampire, Miss KC."  


“Kasi naman, guwapo talaga ni Mr. Concepcion!!! [laughing, happy face with heart eyes, fire emojis] Yes to wellness [clapping hands, fire, red heart emojis].”  


“Your dad is iconic. Handsome then and now.”  


“KC still a very lucky girl.”


“Grabe naman kasi, ‘di halata sa mukha age, eh, ‘di tumatanda. Happy birthday!”  


Noong October, 2023 huling nagkasama sina Sharon Cuneta, Gabby at KC dahil sa reunion concert na Dear Heart, na ngayon ay may US-Canada tour na nag-start noong October 26.  


Kaya wish ng isang netizen, “Sana sumunod ka rito (KC) sa concert tour, chance to be with them alone.”  



NAKAKATUWA ang Facebook post ni Ice Seguerra kung saan muli niyang nakita at nakasama si Jodi Sta. Maria sa Eat… Bulaga! (EB!).  


Caption ni Ice: “So happy to see you, Jodi!!!


“Look Nanay Jojo Campo Atayde!!! Reunion na, Ginny Monteagudo Ocampo!”  


Kaya agad na nag-comment ang kanilang naging nanay sa Be Careful with My Heart na si Sylvia Sanchez na producer ng Juan Karlos LIVE concert (November 29 sa SM MOA Arena) at ng hard action film ni Arjo Atayde na Topakk na entry sa 50th MMFF.


Sey niya, “Ay! Inggit ako. Miss you my Cute and my Maya!”  


Dagdag pa ni Ibyang, “Tara! Reunion tayo this Christmas. (Ice Diño Seguerra, Jodi, Ellen and Nicolas Criste Ginny Monteagudo Ocampo),” na sinang-ayunan naman ni Ice ng (as is), “Lezzzzgo!!!”  


Sey naman ni Mel Mendoza-del Rosario, “Chubs, sama ko.”  


Siguradong magiging masaya ang kanilang reunion 'pag natuloy ito next month.  


May napansin naman kay Jodi ang mga netizens, “Grabe, gumaganda siya as she gets older, sana all.”  


Sagot ni Ice, “I know!!! Samantalang tayong mga mortal, as is. Hahaha!"  


Samantala, naging matagumpay muli ang concert ni Ice sa Music Museum kagabi, ang Videoke Hits OPM Edition Isa Pa.


Isa nga sa mga highlights ng concert na kinaaliwan ng manonood ang hingal-kabayong performance ni Ice sa medley ng viral hit song ng SB19 na Gento at ang much talked-about dance performance niya sa Salamin, Salamin ng BINI, ganu'n din ang may kurot sa pusong rendisyon niya ng Anak ni Freddie Aguilar.  


Ang naturang concert ay produced ng Fire and Ice Entertainment.


 
 

ni Rohn Romulo @Run Wild | Nov. 1, 2024



Photo: Gabby Concepcion at Sharon Cuneta - Instagram


Naging matagumpay ang first leg ng US-Canada tour ng Dear Heart (DH) nina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta noong  Oct. 26 na ginanap sa Harrah’s Resort sa Southern California.


Napanood namin ang kabuuan ng concert sa pamamagitan ng Facebook (FB) live at sa ini-upload sa YouTube (YT) ng isang ShaGab fanatic, na ikinatuwa ng mga fans na nakarating sa iba’t ibang panig ng mundo. Ganu’n na lang ang pasasalamat ng marami dahil nakanood sila nang libre. 


Tuwang-tuwa sila at kilig na kilig ang mga nakasaksi sa reunion concert ng dating mag-asawa, ganu’n din ang mga team bahay, lalo na ‘yung nasa ‘Pinas. 


Pero may ilang nakapansin na parang hindi sila ganu’n ka-sweet kumpara sa sweetness nila sa Manila concert last year. Ramdam ng mga nanood ang pagpipigil ni Sharon, kaya panay ang sigawan kapag nagho-holding hands ang dalawa at naglalapit. Hindi rin pinagbigyan ni Sharon na mag-kiss si Gabby sa cheeks niya, kaya hanggang sa hands lang.


Inamin din nina Sharon at Gabby sa simula ng concert na kung nagkukumustahan sila — na huli pa silang nagkita noong DH concert in Cebu — hindi rin daw sila nagtatawagan after ng concert. Kaya happy sila na natuloy din ang concert tour, matapos mag-cancel ang repeat sana ng concert noong February. 


Isa sa mga memorable songs na kinanta nina Sharon at Gabby ang Never Ever Say Goodbye ni Nonoy Zuñiga, na paalala muli ng Megastar na ‘wag na ‘wag daw kakantahin sa wedding, dahil baka maghiwalay din ang mag-asawa tulad ng nangyari sa kanila ni Gabby.


Marami rin ang nabitin sa almost two hours na show, na kahit mag-more pa sila ay hindi pupuwede dahil may oras sa venue, ‘di tulad dito sa Manila na inaabot ng tatlong oras.


Sa second leg ng tour noong October 27 at Saban Theatre in Beverly Hills, California, mukhang bumawi naman sina Sharon at Gabby, dahil mas sweet na sila this time. Kaya mas tuwang-tuwa ang mga nakapanood nang live at sa social media platforms.


May eksena pa ngang tinanggal ni Sharon ang shades ni Gabby, kaya mas nakakakilig ang kanilang titigan. Mas may kilig ang kanilang yakapan at paghahawakan.


Ang next show nila ay sa Nov. 2 sa The Meeting House in Oakville, Ontario, Canada, ilang araw bago ang 60th birthday ni Gabby sa Nov. 5. Kaya inamin ng aktor na magiging memorable ang celebration niya dahil sa concert tour. 


Ang tanong nga ni Gabby kay Sharon, pupunta ba si Mega sa party niya?

Marami naman ang nagwi-wish na sana ay makasama rin sa US tour nila si KC Concepcion.


Pero ayon sa naging pahayag ni Gabby sa isang interbyu, “It would be nice if she could join us. I was talking to her. If she ever does not join the tour, I hope we see KC before we leave.”


Labis-labis nga ang pasasalamat nina Sharon at Gabby sa mga patuloy na sumusuporta sa kanilang love team, kahit maputi na ang kanilang buhok, sabi nga ng kanta. And in fairness, nakakaiyak pa rin ‘pag kinakanta nila ang Come What May.


Ang iba pang shows ay sa Nov. 15 at The Venue, Thunder Valley Casino Resort in Lincoln, Canada, Nov. 17 sa Las Vegas Resort and Casino in Las Vegas, Nevada, Nov. 21 sa Club Regent Events Centre in Winnipeg, Manitoba. 


Next show nila sa Nov. 23 sa Hawaii Convention Center in Honolulu at last leg nito sa Nov. 29 na gaganapin naman sa Chandos Pattison Auditorium in Surrey, British Columbia.

 
 

ni Rohn Romulo @Run Wild | Oct. 30, 2024



Photo: Jake Cuenca - IG


Isa si Jake Cuenca sa mga itinuturing na pinakamahusay na aktor sa kanyang henerasyon, na more than two decades na sa showbiz industry.


Kaya kaabang-abang ang bago niyang serye na malapit nang mapanood sa Prime Video, ang What Lies Beneath na matutunghayan din sa Kapamilya Channel.


Sa direksiyon ito ni Dado Lumibao mula sa ABS-CBN business unit na RCD Narratives, umiikot ang serye sa isang murder mystery sangkot ang anim na kababaihan at dalawang lalaki. 


Ang karakter ni Jake ang magbibigay ng importanteng layer ng suspense at intriga sa istorya habang tumatakbo sa isip ng mga manonood kung siya nga ba talaga ang gumawa.


Bukod dito, kaabang-abang din ang next ni Jake, na this time sa Netflix naman, ang original film na The Delivery Guy (TDG), mula naman sa direksiyon ni Lester Pimentel.


Tumatak sa manonood ang role ni Jake sa action-packed teleserye na The Iron Heart (TIH)  bilang si Eros del Rio, ang central antagonist ng second season ng series. May important din siyang role sa critically-acclaimed thriller na Cattleya Killer (CK).


At huli siyang napanood sa Philippine adaptation ng K-drama na What’s Wrong With Secretary Kim (WWWSK) kasama si Kim Chiu at ang best friend niyang si Paulo Avelino.

Samantala, aminado si Jake na matagal na siyang hindi umiinom ng alak at naglalasing.


Matapos ang matinding pinagdaanan pagdating sa paglalasing, lalo na nu'ng bata-bata pa siya at mabilis na ma-depress, ay naging leksiyon na ito sa kanya.


Sey niya, “Quitting alcohol was the most difficult thing I ever had to do. Talagang ang hirap! It’s hard and then you go through a problem and then you wanna drink din, alam mo ‘yun.

“And then you have to really parang go through obstacles to confidently say na, ‘OK, hindi na ako iinom.’ I’ve put in so many years na I can confidently say, ‘Hindi na ako iinom.’ But like a year is not even enough to say that.


“Parang two years you’re just getting the confidence to say it. On the third year mo masasabi na, ‘Okay, I can live without ever drinking again.’”


Hindi na rin daw siya naninigarilyo. Gagawin lang daw niya ulit ito kapag kailangan sa role, para maging kapani-paniwala. 


Aminado naman si Jake na mas type niya ang vaping kesa sa smoking, na para sa amin, kung pareho niyang maiiwasan, much better.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page