top of page
Search

ni Rohn Romulo - @Run Wild | November 23, 2020




Tiyak na pinag-init na naman ni Ivana Alawi ang kalalakihan sa kanyang IG post na may caption na, "Waiting for 2021" kasama ng star-studded heart emoji at hashtag ng kilalang rhum sa bansa.


Ayaw talagang magpaawat ni Ivana sa pagiging daring at patuloy na pinangangatawanan ang pagiging bagong pantasya ng bayan.


Sa naturang larawan, nasa bathtub si Ivana na puno ng petals, suot ang sexy pink lingerie habang nakabuyangyang na naman ang kanyang flawless butt.


Kaya naman sa loob lang ng 12 hours ay nakakuha na agad ito ng mahigit sa kalahating milyong likes. Higit naman 600K likes ang nauna niyang post kung saan ipinasilip niya ang pagiging 2021 Calendar Girl ng ini-endorse na alak.


Nakakaloka lang ang comment ni @jass_john41, "@_monaalawi bagay sa ate mo na model ng Tanduay kasi lasengga naman siya dati. Pantasya talaga siya ng mga kalalakihan kung mag-post."


Pagtatanggol naman ni @celestev78, "Ay, grabeh siya, oh. Inggit ka ba kay Ivana? Siguro, pangit ka kaya inggit ka kay Miss Ivana."


Sabi naman ni @johngalidojr, "@ivanaalawi i think 2021 calendar is better than 2020."

Pinuri naman ni @almira.delapaz.1 si Ivana, "@ivanaalawi kayganda mo na, meron ka pang mabuting puso. God bless!"


Say naman ni @zia_iv, "@ivanaalawi hello Ganda... Hindi ako mahilig mag-comment pero sa nakikita ko sa blog mo at sa mga ginawa mo sa pagtulong sa mga kababayan natin, saludo ako sa iyo......I pray for you....God bless you po...."


llan pa sa mga comments ng netizens…


@_izzaprank_, "Walang kasingkinis talaga! Partida walang foundation 'yaaaan. ayoko na talagang magsalita. labyo Mariam!!"


@alongsky, "@allandportilla kahit inumin ko na ‘yang tubig sa bathtub."


@jstn.ket, "@ivanaalawi maamaaa kinulang ka na naman sa tela pero ang ganda mo, huhu."


@carmelalinea, "Mas makinis pa puwet ni Ivana kesa sa mukha ko."


@rodelskie_23, "Oyy crush nakahubo ka na naman. Labyu."


@abril_badette, "Natotomboy ako."


@ashley_michelle_jinon, "Sana ollll. Sexy si ate at na-appreciate ko po ang magandang kalooban mo. Pangarap ko rin pong makatulong sa ibang tao 'pag may trabaho na akoooo."


Kahit na panay ang pagpapa-sexy ni Ivana, tumatatak pa rin sa mga netizens ang pagiging matulungin niya, kaya lalo pa siyang minamahal ng kanyang milyun-milyong followers.

 
 

BAGONG BF NI ANGELICA NA KAMUKHA NI JOHN LLOYD, MAY-ARI NG PAGAWAAN NG YATE

ni Rohn Romulo - @Run Wild | November 21, 2020




Matapos na sakyan na lang ni Zanjoe Marudo ang pagkaka-link niya kay Angelica Panganiban at paggamit ng hashtag na 'rumored boyfriend' ay patuloy pa rin ang pagko-comment ng mga netizens. May isa pang ipinost na photo si Zanjoe na may caption na: "Pa-like naman, para may heart sa gitna."


Nagtalu-talo ang mga netizens at hindi talaga naniniwala dahil pareho raw silang may karelasyon.


Ilan nga sa mga naging comments ay…


"Kung sinasabi n'yong walang respeto si Angge sa gf ni Zanjoe, mas siya naman ang walang respeto sa gf niya."


"Seryoso ka naman, 'teh. May mga bagay na puwedeng pag-usapan, ano, lalo na kung parte ng trabaho."


"Hindi yata kinagat ang gimik nila."


"Paano kakagatin, alam naman naming wala. Jusko, nakikita ko si Zanjoe, ikakasal mga 40 or 'di na. Parang ayaw, eh, or may hinahanap pa siya (more pa)."


"May GF na siya at mukhang seryoso na siya this time. Baka masyado pa lang bata si GF kaya wait-wait muna sila."


"Hindi si Angge ang girlfriend niya. Iba ang boyfriend ni Angge, the picture says it. Bale tingnan n'yo background."


"Mamaya sa pagbibiro n'yo, totoong magkadevelopan kayo."


"'Di ba awkward 'yun kasi friends sila ni Bea (Alonzo)?"


"Kain na lang kayo ng hopia dahil hindi talaga magiging sila. May gf si Z and still going strong and may bf na rin si Angge although itinatago niya."


Mukhang tama naman ang mga netizens, dahil hindi nakaligtas sa kanilang mga mata ang pagko-comment ni Angelica ng “Come home na” sa post ni Gregg Homan at nag-reply naman ang guy ng, "Just a few more days, Honn (with 3 kissing emojis)."


Kaya ang malaking tanong, si Gregg Homan ba ang itinatagong boyfriend ni Angelica?


Samu't sari naman ang comment ng mga netizens tungkol sa background ni Gregg Homan.


"Sobrang guwapo! Jackpot si Angge. Sobrang expressive ng mga facial features niya mamsh!"


"True. Bagay sila, sana mahanap na niya ang forever d'yan kay Gregg."


"Hawig nu'ng barkada niya na si Andoy Ranay."


"Naku, hindi. Bale Australian 'yang Gregg na taga-Subic. Sana, magkatuluyan sila. 'Wag tarayan 'teh."


"CEO ng mga pagawaan ng mga yacht, barge ganern. May-ari rin ng hotel ang pamilya. Kilala 'yan bilang nagre-race sa regatta."


"Kung 'yan nga 'yun, mukhang mabait si Gregg. Nakilala yata namin 'yan dati sa Subic. Sila 'yung may-ari nu'ng pagawaan ng yacht etc. na Australian. May background din siya sa theater."


"Kahawig ni JLC."


"Hawig ba ni Lloydie? Patingin pa nga!!"


Nang puntahan namin ang profile ni Gregg sa kanyang IG account, may hawig nga kay JLC. Mukhang napaka-private person niya, konti pa lang ang followers at pina-follow at may 40 posts pa lang.


Well, for sure, marami ang magri-request na i-follow siya dahil interested silang halukayin ang pagkatao ni Gregg na bagong nali-link ngayon kay Angelica.

 
 

ni Rohn Romulo - @Run Wild | November 20, 2020




May mga nanlait sa lumabas na photos nina Nadine Lustre at James Reid na kuha sa taping ng 2020 ABS-CBN Christmas Station ID na may titulong Ikaw ang Liwanag at Ligaya na malapit nang mapanood.


Maraming netizens ang nag-react sa dating magkasintahan at marami talaga ang nanlait sa hitsura ni James na nawalan na raw ng 'star quality'.


Ayon sa comments ng mga netizens sa isang entertainment blog:


"Haggard ng fez ni James, anyare? Mukhang puyat na puyat."


"Hindi lang haggard face ni James, nagmukha pa siya lalo pandak sa second photo dahil sa pants niya."


"Mukhang may hangover pa si James, hahahahaha."


"Lol bansot naman talaga si James sa lalaki. They claim na 5'8" pero mukhang 5'6" lang, ka-height lang ni Coco Martin. Search n'yo pa photos nina Coco and James."


"Parang extra na zombie sa movie ang look."


"Jusko, mas mukha pang fresh 'yung mga nasalanta ng bagyo kaysa kay James."


"Bakit parang luging-lugi ang facial expression ni James?"


"Hindi na guwapo si James. Ang layo na ng hitsura nu'ng OTWOL days nila. He is not aging gracefully."


"Baka nalugi talaga literally."


"Nakakaloka! Ano'ng nangyari kay James?? Nawala na ang freshness."


Reaksiyon naman ng ilan sa photo ni Nadine…


"Wala bang I woke up like this kay Nadeng (Nadine)? Lagi full makeup si gurl. Tanders looking tuloy.


"At hilig pa pullback hairstyle na parang nag-receding hairline na siya. Minsan, try niya subtle makeup lang."


"True! 'Kala ko ako lang nakakapansin. Nakakasawa 'yung mukha ni Nadzzz na lagi may make-up. Para tuloy maganda lang siya kapag may make-up."


"Tuloy ang Pasko pero bakit ang lungkot ni James?!?!"


"Kasi akala niya, makakawala na siya sa labtim, eh, hahaha! 'Yun pala, magkasama pa rin sa mga ganap."


"Bad lighting? They don't look good."


"Nadine has been looking really great. While James on the other hand... ayun, sinabi na nila sa comment sa taas."


"Pareho lang sila, 'noh?! Nadine looks way older than James, while James looks nalosyang.


"Ang cheap ng dressing rooms. Siguradong mas lalong tinipid ang Station ID nila ngayon."


"Malamang tipirin dahil bumagsak ang kita ng network. 75% I think."


"Parang finalist si James Reid ng That's My Tomboy..."


"Ano'ng nangyari kay James? He used to be cute and guwapo during otwol days... huhuhu! Wait lang, so tuloy pa rin serye ni James with the Korean girl? Saka, sila pa ba ni Nadine? If yes, seeing this picture, wala na 'yung spark."


"James Reid's expression sums up 2020 lol."


"Baka ganu'n ang tema. Lungkot."


"They look tired. Ano'ng nangyari?"


"May t-shirt merch na naman silang ibebenta. lol."


"'Di ko bet 'yung bagong design ng t-shirt merch nila ngayon, mas maganda pa 'yung 2 years ago ba 'yun.


"Ang tapang ng makeup ni Nadine or bad lighting lang? 'Pag may station ID siya, ganyan lagi style niya. Sila pa ba ni James?"


"Pandemic look!"


"Ang bilis nawala ng kinang nitong dalawang ito. Si Nadine, nagmukhang matrona. Siyempre, maganda siya sa IG kasi edited. Pero 'pag 'yung candid at walang lighting, tumanda talaga siya. James is the new Haggardo Verzosa! 'Yun na!"


"Kaya pala palaging mga suot ni Nadine, sexy, eh, kasi 'pag ganitong simple lang ang suot niya, wala talaga siyang dating."


Awww! Nabasa na kaya nina James at Nadine ang mga komentong ito ng mga netizens?

 
 
RECOMMENDED
bottom of page