top of page
Search

ni Rohn Romulo - @Run Wild | May 14, 2021




Nakarating na si Miss Universe 2011 3rd Runner-Up Shamcey Supsup-Lee sa Miami, Florida noong May 11 at bilang director ng Miss Universe Philippines organization, nandu'n siya para suportahan ang ating pambato sa 69th Miss Universe na si Rabiya Mateo.


Sa IG post ni Shamcey, aniya, “After 28 hours of travelling, 4 airports, countless security and health checkpoints, we are finally here in Miami! Thank you for all your prayers and well wishes. Can't wait to explore this beautiful city, but for now, some much needed sleep!”


Samantala, one week before the coronation, nag-post naman si Shamcey ng series of glam pix nila ni Rabiya na may magandang mensahe at pagsuporta.


Caption ni Shamcey, “The journey to the Universe continues.

“Grateful to the whole Miss Universe Team led by our directors: @albert_andrada @supermariogarcia @liandrearamos @sigulanon, who tirelessly worked day and night to make sure we bring Rabiya safely to Miami, most especially to our creative director, @jonasempire.ph, for making things happen despite all the setbacks and challenges. “To @rabiyamateo, you continually surprise us with your tenacity and drive to be better every day. All your hardwork and sacrifices have led you to the Miss Universe Competition and I am confident that you will continue to make us proud. Just remember that you are already a winner no matter what. “And to all the Filipino fans, thank you for the overwhelming support. Para sa inyo ang laban na 'to! “The journey to the Universe wasn't easy, but it's definitely worth it! See you in Miami!”

 
 

ni Rohn Romulo - @Run Wild | May 11, 2021




Buong-ningning na inamin ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo na ‘huge fan’ siya ng Thai Superstar at latest brand ambassador ng TNT na si Mario Maurer.


Sa short interview ng Thai Sashes na kilalang fashion blog sa kanilang bansa, sinabi ni Rabiya nang dumating siya sa Seminole Hard Rock Hotel sa Florida, USA, ang official residence ng 69th Miss Universe, “I’m so excited to go visit Thailand. I’m a huge fan of Mario Maurer.


“To be honest, I’ve been watching your boy love series, yeah, maybe soon I will be able to go to the country of smiles.”


Hinangaan nga ng taga-Thai Sashes si Rabiya sa pagiging down-to-earth nito at nag-sorry pa sa pagiging late. Siya kasi ang huling dumating sa mga candidates sa naturang sosyal na hotel sa Florida. Siyam na oras daw nilang hinintay si Rabiya para ma-interview at makunan ng photos at masaya naman sila na makita ang Pinay beauty queen.


Agad naman siyang nagpa-sample ng kanyang signature na ‘Hala Bira’ walk at pinagkaguluhan ng ilang beauty pageant fans.


Mensahe ni Rabiya sa kanyang Pinoy fans, “We’re gonna fight and we’re gonna do our best to perform really well on May 16. Thank you guys!”


Mapapanood ang live coverage ng 69th Miss Universe pageant sa A2Z Channel 11, Lunes nang umaga, May 17 at may replay sa Kapamilya Channels sa gabi.


Sa YouTube channel ng The Jack’s Corner, inilabas ang final predictions para sa Miss Universe 2020, at pasok nga si Rabiya sa mga nangunguna at malakas sa fan votes.


Ang Top 20 ay kinabibilangan ng mga candidates mula sa Thailand, Peru, Brazil, Mexico, South Africa, Philippines, Canada, Romania, India, Indonesia, Australia, Puerto Rico, Chile, Vietnam, USA, Argentina, Venezuela, Russia, Czech Republic at Spain.


Samantala, ngayong hapon magaganap ang bonggang online event na TNTCON2021 kung saan may live appearance si Mario Maurer kasama ang co-endorsers na Thai actors na sina Nonkul Chanon at Gulf Kanawut, para sumagot sa mga katanungan na ibabato sa mga Thai Superstars.


Sigurado kaming kukunan ng reaction si Mario sa ini-reveal ni Rabiya sa kanyang interview.


Ang online event ng TNT para sa kanilang #KiligSaya summer campaign ay madi-divide sa 2 parts: 1-2 PM exclusively for media at 2-3 PM naman ay may pagkakataon ang lahat na makapagtanong dahil open to the public ito sa TNTPH Facebook page.


Makikisaya rin si Sue Ramirez sa TNTCON habang si Sarah Geronimo ay may appearance sa public livestream event.

 
 

ni Rohn Romulo - @Run Wild | April 16, 2021




Ang laki-laki nga ng naging paghanga ni Megastar Sharon Cuneta sa kanyang direktor sa Revirginized na si Darryl Yap, na kahit batambata pa ay napaka-genius sa pag-iisip ng mga kakaibang pelikula.


Inamin naman ng direktor sa past interview niya na number one sa ‘bucket list’ niya ay maidirek si Sharon at nakalagay 'yun sa kanyang Facebook account, kaya ganu'n na lang ang tuwa niya nang early this year ay matanggap niya ang magandang balita mula sa Viva Films na magse-celebrate ng 40th anniversary ngayong November.


Kuwento ni Direk Darryl nang tanungin siya ni Sharon kung ano ang mae-expect ng mga Sharonians — na unang nag-react kung bakit niya tinanggap ang Revirginized — na hindi pa niya nagagawa sa past movie niya, “Sabi nga, you have to expect the unexpected.”


Kakaibang experience kay Sharon ang pagbabalik-Viva niya dahil new generation ang katrabaho niya, kaya bagung-bago ito para sa kanya, kung saan si Direk Darryl ang bahala sa lahat sa kabuuan ng pelikula.


First time nga niya na makagawa ng movie na ilang days ay tapos na. Naaalala ni Sharon na ang shortest movie niya raw ay Crying Ladies na tumagal naman ng 19 shooting days.


Ayon sa pagkukuwento ni Sharon sa kanyang YouTube channel, iikot ang story ng Revirginized sa isang weekend lang, “The transformation of this sad woman’s life, so I’ll stop there because ang daming surprises. But it’s nice, it’s a coming-of-age movie in many different contexts.


“So, I’m very excited, parang it’s time naman, I think I’ve earned the right after four decades to experiment and do movies that are not really kind of movies that my audience is used to seeing me in.


“So, when it’s like that you take a chance, usually it’s worth it. At least, pag-retire ko, nagawa ko na ang gusto ko.”


Ini-reveal din ni Mega na marami pa siyang gagawin this year, na kung saan sakto naman sa big celebration ng Viva Films ngayong 2021.


“Remember this laugh, remember this moment, today is March 5, 2021, because right at this moment I can’t tell you what is inside my head and what’s making my heart jump.


“But you’ll know in a very short time, I hope it won’t have to come from me but you will know, so… pray for me.”


Early this year, naiulat na magkakaroon siya ng dalawang teleserye, isa sa VivaMax at isa sa ABS-CBN na mukhang matutuloy pa rin.


At dahil natuwa naman siya sa kinalabasan ng Revirginized, isa pang movie ang pagsasamahan nila ni Direk Darryl at naibalita na rin ang muli nilang pagsasama ng direktor niya sa horror flick na Kuwaresma na si Erik Matti, na kung hindi kami nagkakamali ay isang dramatic movie.


Kaya naman, masayang-masaya ang mga Sharonians dahil marami silang aabangan na projects ng Megastar at mauuna na nga ang Revirginized kasama ang newest leading man niyang si Marco Gumabao na ipapalabas na sa Mayo at posibleng itapat sa Mother’s Day.


Balitang magbabalik-taping na rin sina Sharon para sa Your Face Sounds Familiar na natigil dahil biglang nag-ECQ.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page