top of page
Search

NAMAN


ni Rohn Romulo - @Run Wild | July 14, 2021



Matapos na pakalmahin ni Anne Curtis last week ang mga Kapamilya forever fans na wala siyang planong lumipat sa Kapuso Network tulad ng ginawa ni Bea Alonzo, isang netizen naman ang sinagot niya na nami-miss na raw siyang mapanood sa movie na hopefully sa big screen at hindi na online streaming.


Sagot ni Anne, “Good morning! Don’t worry! I’m already in search for a really good script! Kaya may ilang pitching ang nagaganap. I also miss doing films and yes, series too!

“Pero gusto ko 'yung mga 12 -16 eps na series, hahahahahaha!”


Reply naman ng mga netizens sa tweet niya…


“Sa GMA, they are trying to do mga short TV series na lang, then ginagawa na lang is per season. Katulad na sila ng mga Hollywood/Korean series na konting episodes then per season basis na. Sana lang, gayahin na nila na once a week na mga episode. Example, Prima Donnas and First Yaya.”


“Correct @annecurtissmith a weekly series with 12-16 episodes, more than an hour per episode. ABS-CBN is doing it with He's Into Her and other iWantTFC Originals series. Hope you'll be given one.”


“Gawa ka po ng teleserye na mala-Wildflower ang datingan. O kaya 'yung pang-alta-sosyedad na series.”


“Sana, with Alden Richards... suspense/drama/romance…”


“What about a remake of 17 Again or 18 Again with Enrique Gil and Aga

Muhlach? @ABSCBN baka naman.”


“Gawa ka ulit ng Korean adaptation. You did great in Green Rose."


Pero may mga bashers na hindi talaga napigilang mag-comment ng panlalait sa kanyang tweet, kung saan pinuntirya ang kanyang pag-arte.

“Mapili pala 'to, eh, bakit 'yung last film niya with Marco (Gumabao), basura?? Ah, ganu'n ba standard niya ng quality?”


“'Di naman ganu'n kaganda ang mga movies n'ya, 'di rin magaling umarte si Anne. Hype lang 'tong babaeng 'to.”


“Totoo 'yan, sobrang sumikat siya after No Other Woman but before and after that, kung hihimay-himayin mo, wala talaga.”


“Hindi magaling umarte pero may FAMAS award na Best Actress? Hehe ok :)”

“Isa lang naman ang box office hit movie niya, eh, (without Vice Ganda) the rest forgettable na.”


“I can think of at several hits spanning several years which shows na bankable sya - Magic Kingdom, The Secret Affair, No Other Woman, Ang Cute ng Ina Mo, Sid and Aya, and Just a Stranger. May critically-acclaimed hit indie films din siya - Baler and Buybust.”


“To be honest, wala namang tatak 'yung mga pelikula niyan except for No Other Woman. The rest, para lang siyang dekorasyon. And meh siya umarte, perks of being a porenjer (foreigner) in 'Pinas.”


“Really good script, tapos 'yun pala, si Vhong Navarro o Vice Ganda lang makakasama mo.”

“Honestly 'di naman siya kagalingan umarte. Pang-endorsements, yes.”


“She was only good in Maging Sino Ka Man.”


“Kaya nga, para namang ang galing-galing. Du'n nga lang sa Buy Bust na trailer, ang lamya niyang tumakbo, mas magaling pa si Cristine Reyes sa Maria.”


Oh, well, kani-kanya lang namang taste 'yan sa pagsukat ng kagalingan ng isang artista. Abangan na lang natin ang next movie ni Anne at saka muling husgahan.

 
 

ni Rohn Romulo - @Run Wild | July 10, 2021



Ipinagtanggol na naman ni Janus del Prado si Bea Alonzo dahil patuloy na bina-bash ang kaibigan tungkol sa ‘loyalty’ at sa ginawang paglipat sa Kapuso Network.


Isang quote nga ang ipinost niya sa Instagram: “Loyalty is a two-way street. If you’re asking it from me, make sure I’m getting it from you.”


Nilagyan niya ito ng caption na: “Repost ko lang ulit para sa mga 'di makaintindi how loyalty works.

“Bago n'yo nga pala sabihan na hindi marunong tumanaw ng utang na loob 'yung tao, make sure na may utang na loob na kailangang tanawin.

“It's not like they gave her handouts, pinaghirapan niya naman kung nasa'n siya ngayon. At kumita rin naman sila nang malaki sa karera niya.

“Gratitude is given, not demanded. At ibinigay niya naman iyon.

“Stop this guilt trip bullsh*t sa mga umalis at lumipat. Kailangan naming magtrabaho para sa sarili at mga taong umaasa sa amin.

“Kikitid ng utak, amp*ta. Balakayojan.”

Dagdag pa ni Janus, “PS: Ano kinalaman nu'ng farm niya sa paglipat niya? Regalo mo ba sa kanya 'yun, Direk? Kailangan niya rin bang tanawin na utang na loob 'yun? Pinagpuyatan, pinaghirapan at pinag-ipunan niya 'yun. Kung manunumbat, make sure may karapatan manumbat. 'Kala mo naman, malaki naitulong mo sa career niya.

“Time! (mic drop) Chos.”


Ang tinutukoy na 'direk' ni Janus ay si Direk Erick Salud na kamakailan ay nagpatutsada sa socmed post nito tungkol sa paglipat ni Bea sa GMA-7.


Marami namang netizens ang nag-react, natuwa at humanga sa post na ito ni Janus at ilan sa kanila ay nag-comment ng…


“You only need one Janus kind of friend in your life.”


“Very well said.... 'yan ang totoong kaibigan..... hindi mapanghusga bagkus malawak ang pag-iisip at marunong intindihin ang kapwa..…”


“Sobrang bayad na si Ms. B. Kung sa utang na loob lang, ang dami niyang naipasok na kita sa inyo, 'noh and sobrang professional na artist pa, kaya well-deserved niyang sundin ang nasa puso niya. Mema lang.”


“Lakas makapanira nu'ng iba. Lol. Typical Filipino Crab Mentality. 'Kala mo naman si B ang nagpasara ng network nila kung makalait. Hayyyss.. Well said, Papi @janusdelprado.”


“Lodi @janusdelprado Ginagawan ba nila ng isyu pati si Basha? Lahat na lang yata ng artista na nagsilipat, tinawag nilang walang utang na loob. What do they think of them? Walang mga pamilyang need suportahan at pakainin? At mga walang pangarap para sa kinabukasan? Mga tao nga naman, lalo na sa panahon ngayon… mukhang hindi lang lalong kumitid na ang mga utak, nagkaubo pa sa utak nila. Epekto po ba ng pandemic 'yan?”


“It was a very sweeping statement, 'Kikitid ng utak n'yo' but it's true. Tarak sa dibdib sa mga bashers na tard ng ABS-CBN.”


“Ang sarap lang ng may tagapagtanggol! Tunay na kaibigan!”


Pero hindi naman nakaligtas si Janus sa panlalait ng ilang bashers. Bakit daw ang hilig nitong makisawsaw sa isyu ni Bea?


Comment ng mga bashers…


“Pambansang sawsaw 'to si koya.”


“Kung kay Bea manggaling, mas maingay. Mabuti nang may isang taong iimik para masampal naman ng other side of the story ang madla.”


“Sige, defend pa kay Bea dahil sila rin naman ang mawawalan ng opportunities in the future. Bea will always survive, eh, sila?”


“Close friends sila. They motivate and help each other. Don't you have one?”


“Dami rin naman kayong nakikisawsaw sa desisyon ni Bea, nagpaalam naman iyong tao nang maayos sa boss ng network niya dahil walang offer na work at contract sa kanya.”

“Noted po, Atty. Janus. Tagapagtanggol ni Bea si koya, feeling ko, may hidden feelings 'tong si Janus.”


“Parang mas gusto ko si Janus kesa kay Dom. Ayiieee!”


“Daig pa jowa kung maka-defend, know your place.”


“Sawsaw din 'to kay Angelica. Lahat na lang, sinawsawan.”


Sagot naman ng netizen, “Mabuting kaibigan lang siya. At least he always has the guts to defend Angge and Bea, hindi katulad ng iba na quiet lang kasi takot na maapektuhan ang image.”

 
 

ni Rohn Romulo - @Run Wild | July 06, 2021



Shocking naman talaga ang trailer ng comeback movie ni Megastar Sharon Cuneta sa Viva Films, ang Revirginized, na kahit siya ay nagulat din sa kanyang ginawa.


Kaya naman nagbabala si Sharon sa kanyang FB at IG post sa paglabas ng official trailer ng Revirginized noong Linggo nang gabi, July 4, na ‘wag itong panoorin ng mga bata dahil nga sa content nito.


Caption ni Mega, “(Important: BAWAL PO MANOOD ANG MGA BATA!) Hi, everyone! I just KNOW that my role of Carmela in this movie, and THIS TRAILER, and THE MOVIE as a whole, WILL SHOCK YOU.


“Please remember that it is just a movie, just another role that is VERY, VERY DIFFERENT from ALL THE OTHER ROLES you have seen me play. And this movie is the opposite of ALL the movies you have ever seen me in!”


Pakiusap pa niya lalo na sa kanyang mga fans, “Please broaden your mind, enjoy it, and I sincerely hope you watch it on Vivamax starting August 6! It’s gonna be a rollercoaster of a ride, because maninibago po kayong lahat sa akin dito.


"YOU HAVE NEVER SEEN OR HEARD DIALOGUE FROM ME LIKE YOU WILL IN THIS MOVIE.


"Please just have fun with it and do not forget that I have earned the right to try out new roles and take on new challenges after 43 years as a singer-actress. Thank you so much. I love you all and am proud of this movie.


“Don’t worry - I am still the same “Sharon” who will still be doing the kind of movies you have loved seeing me in! It’s just that once in a while, please allow me to be different - at least on the screen. I am, after all, an actor. And doing all kinds of roles is part of my job! Thanks so much!” sabi pa niya.


Dagdag pa niya, “And PREPARE YOURSELVES, PLEASE! Upo lang po at kapit sa upuan! Kung ako nga na-shock - pero in-enjoy ko naman po - sa pinagsasabi at pinaggagawa ko sa movie na ito, kayo pa kaya?! Love you all! God bless us all, always! @vincentimentsofficial @direkdarrylyap @therealrosannaroces @gumabaomarco.”


In fairness, ang ganda ng trailer na unang ipinost ni Direk Darryl Yap, kakaiba talaga sa mga nagawa ni Sharon na agad umani ng 1 million views in 3 hours at nag-trending talaga sa Twitter.


Isang araw bago inilabas ang trailer, nag-post naman si Direk Darryl na naka-address sa mga Sharonians na unang nag-react noon na ang iba'y nag-nega pa, tungkol sa ginawa niyang pelikula kasama ang nag-iisang Megastar na kanyang ipinagmamalaki.


“HINDI PARA SA MGA SHARONIANS,” panimula ng direktor.


“Sa mga pelikulang halos umabot na sa isang daan; ngayon n'yo lang mararanasan si Sharon Cuneta sa ganitong sandali.


“Hinila ko mula sa pedestal ang #Megastar at inilapit sa realidad ng mga kabataan ngayon, inilublob namin siya sa mga bagay na ngayon lang din n'ya naranasan hanggang maging si Carmela na siya at hindi si Sharon.”


Sabi pa niya patungkol sa pinag-usapang still photos ng movie, “Hindi ko ipinagmamalaking ako ang unang direktor na nagpaBodyShot sa kanya, Beer pong, Vape atbp.


“Ang ipinagmamalaki ko, ay ang tiwalang ipinagkaloob niya sa akin, na bihira na lang niyang binibitawan sa panahon ngayon.


“At ang tiwalang iyon ay nasulit nang ipapanood ko sa kanya ang trailer na hindi siya makapaniwalang nagawa niya.


“Ang pelikulang #REVIRGINZED ay hindi lamang para makapagbigay ng lakas sa kababaihan at magmulat sa mga nakatatanda at kabataan kung bakit noon “nag-iinuman kapag may kasiyahan” at ngayon, madalas — “nag-iinuman dahil malungkot.”


Pahayag pa ni Direk Darryl na labis-labis ang paghanga sa kahusayan ni Sharon, “Sa mga #Sharonians, ikinalulungkot ko, pero hindi para sa inyo ang pelikulang ito — DAHIL ALAM KONG KAHIT ANONG GAWIN NI SHARON ay mahal na mahal n'yo na s'ya.


“ANG PELIKULANG ITO AY PARA SA MGA HINDI PA SHARONIAN na ngayon pa lamang bibilib at maniniwala sa galing, husay at kalidad na tanging sa isang SHARON CUNETA lamang magmumula.


“At doon, mabubuo ang mga tagahanga ni Sharon, mula noon hanggang sa mga susunod na henerasyon.


“Huwag mong palalagpasin ang #REVIRGINIZED TRAILER - JULY 4 • 7pm.”


May paliwanag si Direk Darryl sa mga detalye ng maganda at pinag-isipang movie poster na gawa ni Luiz Clet.


Ayon sa ‘mega mind’ ng direktor:


“Ang transformation ng isang paru-paro


"Ang mabagal na pagmu-move-on ng pagong


"Ang nakakagising at nakakatangay na alon


"Ang araw na laging nangangako ng bagong pagkakataon.


“Ang opisyal na pampelikulang paskil ng isa sa mga pinakamahalagang sandali ng aking karera.



For sure, maraming mag-aabang sa August 6 sa Vivamax and hopefully, maging blockbuster din ito tulad ng mga naunang movies ni Direk Darryl na talaga namang tinangkilik ng manonood sa online streaming at nasa Top 5 hanggang ngayon.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page