top of page
Search

ni Rohn Romulo - @Run Wild | August 14, 2021



After na hindi na naman nakapagpigil si Megastar Sharon Cuneta na patulan ang isang basher na nag-comment sa IG post niya kung saan humihingi siya tulong para sa mahihirap nating kababayan at binara siyang “Share mo na lang kaya ang blessings mo sa mga apektado, 'yung walang camera, ha…” isang pampa-good vibes na post naman ang ibinahagi ni Sharon sa kanyang mga followers dahil isiniwalat niya ang bagong kinahuhumalingan na Korean actor.

Kasama ang photo at may caption na: “OKAY OKAY I HAVE A NEW “CRUSH!” In L.A. I binged on everything Cha Eun Woo. But now I am super fixated on PARK HYUNG SIK! Lahat na yata pati videos niya with his former boy band, napanood ko na!


“But paulit-ulit kong pinapanood ang STRONG GIRL Bong SOON kasi doon ang favorite kong role niya! Pampasaya talaga! Also loved him in the movie JUROR 8! He was critically acclaimed for his performance there too!”


Kuwento pa ni Mega, “When I told Kakie about Cha Eun Woo, sabi agad niya, 'Mom!!! He’s only three years older than me!' Hahahahahaha! 'Kala mo naman, magiging stepfather niya kung rumeact! Sabi ko, 'Why ba?!!! It’s not like I’ll boypren or marry him! I crush him lang, relax!' Hahahaha!


“Ito namang si Hyung Sik, Nov. 16, 1991 ang birthday. Eh, mag-uumpisa na ang shooting ng Maging Sino Ka Man noon in less than 2 months at kaka-break lang namin ng boyfriend ko nu'n! Ngek! Bakit ba, basta he’s my crushie now. Read my bio he’s been there for a while now too! I don’t choose my crushes by age, do you?


Pero ipinagdiinan niya na, “I still love Keanu and Antonio Banderas! Basta for now, Park Hyung Sik!!! Sabi nga sa Korea, “FIGHTING!” Hahahaha! GV only!”


Anyway, bukod sa Strong Girl Bong-soon (2017), naging bida rin si Hyung Sik sa K-drama na High Society at She Was Pretty noong 2015 at sa Hwarang nu'ng sumunod na taon.


Huling drama series nito ang Suits (2018) na ipinalabas ang Tagalized version sa Kapamilya Channel sa taong ito.


Nagsimula ang mandatory military service niya noong June 10, 2019 and officially na-discharge siya sa military service last January 4, 2021.


And soon, muli siyang mapapanood sa Happiness Youth at Climb the Barrier.


Going back to Sharon, after a week, number one pa rin sa Vivamax ang Revirginized na mula sa Viva Films.


Ang Vivamax movie ay streaming na sa Middle East & Europe, Japan, Malaysia, Hong Kong at Singapore.


Sa August 27, puwede na rin itong mapanood ng mga Cignal subscribers.


Ang Revirginized na mula sa direksiyon ni Darryl Yap ang kauna-unahang Pinoy movie na mapapanood ngayong 2021 sa selected US and Canada cinemas simula kahapon, August 13.

 
 

ni Rohn Romulo - @Run Wild | August 11, 2021



Tama ang sinabi ni Megastar Sharon Cuneta na dapat lang bigyan ng chance na mapanood ang Revirginized (ang pagbabalik-Viva Films niya) ng mga nagdadalawang-isip dahil nga na-shock sa ginawa at pinagsasabi niya na unang nasilayan sa trailer.


At base sa mga nakapanood — at isa na kami sa mga nauna noong pagtungtong pa lang ng August 6 ay tinutukan na namin ito sa Vivamax — tama lang na maging proud si Sharon, lalo na sa character ni Carmela na mahusay niyang nagampanan, dahil tinanggap niya ang kakaiba at matapang na pelikulang isinulat at idinirek ni Darryl Yap.


Marami namang mga Sharonians ang natuwa at nag-enjoy sa kabuuan ng movie at ‘di makakalimutan ang mga eksenang ‘di nila akalaing magagawa ni Sharon, dahil marami ka talagang matututunan sa pinagdaanan ni Carmela. Masaya naman kami sa ending kahit na medyo bitin.


At tulad nga ng inaasahan, after ng ilang araw ng streaming, nag-number one na ito sa Top 10 movies ng Vivamax, na ikinatuwa ni Mega dahil marami ang nagkagusto at patuloy na sumusuporta.


At dahil nga maraming nabitin, lalo na sa eksena nina Carmela at Morph (Marco Gumabao), pupuwede nga na magkaroon ito ng part two.


Kaya naman sa FB post ni Sharon, na willing magkaroon ng sequel ang Revirginized, aniya, “Based on your comments on all social media platforms (thank you!!!), there is a clamor for a Part Two of REVIRGINIZED! You in, guys? Calling vincentiments official Direk Darryl Yap Vivamaxph, Viva Films!!! I’D LOVE TO DO A SEQUEL! Everyone, you might want to tell Direk and Vivamax yourselves!”


Dagdag pa niya, paghahandaaan talaga niya ito nang husto, “P.S.. ‘Pag natuloy ang part 2, kasingpayat na ako ni Angel Aquino!!! Napakaganda at sexy pa rin, ‘di nagbago!”


Inamin din ni Sharon na ilang ulit din niyang pinanood ang kanyang latest movie.


“Except for Maging Sino Ka Man, I don’t think I’ve ever watched one of my own movies this many times since it started showing! #revirginized @gumabaomarco @therealrosannaroces @direkdarrylyap @vincentimentsofficial @vivamaxph @viva_films.”


Kung gugustuhin talaga ni Direk Darryl, kayang-kaya niyang gawan ito ng part two, dahil marami pang pupuntahan ang kuwento nina Carmela at Morph.


Nabitin din kami sa iilang eksena nila ni Rosanna Roces, na puring-puri talaga ni Sharon, kaya dapat lang magkaroon uli sila ng pelikula.


Ganu’n din si Albert Martinez, na after 24 years ay muli niyang nakasama at third movie pa lang nila. Last movie nila ang Nang Iniwan Mo Ako.


Sa part two ng Revirginized, for sure, magiging kaabang-abang ang mga eksena nila, ganu’n din ang magiging confrontation nina Sharon at Cristina Gonzalez, dahil sa naging revelation sa pagtatapos ng pelikula.


Pero sa dami ng commitment ngayon ni Direk Darryl, mukhang matatagalan pa ito bago matupad ang kahilingan ng mga nabitin sa Revirginized.


Pero habang naghihintay tayo kung magkakatotoo ang kagustuhan ng marami sa sequel ng movie, marami rin ang nag-aabang kung this year ay matutuloy na ang ilang ulit nang naudlot na balik-tambalan nina Sharon at Gabby Concepcion.


Go na go na talaga ang Megastar at walang problema sa kanya na muling makatambal ang ex-husband, kaya ang tamang project at pagpayag na lang ni Gabby ang hinihintay, at matutuloy na ang kanilang pelikula.


Sa November ang anniversary ng Sharon-Gabby love team, kasabay ng 40th anniversary ng Viva Films. Ang ganda sana na ang balik-tambalan nila ay isa sa magiging anniversary presentation ng naturang film outfit na patuloy na umaariba ngayon on streaming sa kanilang Vivamax app.


Pero sa ngayon, mukhang malabong mapagbigyan ang kanilang fans, dahil three months na lang ang natitira bago nga mag-November.

 
 

SA BUONG MUNDO.


ni Rohn Romulo - @Run Wild | August 09, 2021



Official nang kasama sa list ng exclusive rank ng mga billionaires si Rihanna (born Robyn Fenty) na nagpasikat ng Umbrella at Diamonds, ayon sa Forbes, na may estimated net worth na $1.7 billion.


Tinalbugan niya ang iba pang mga female singers dahil siya na ang ‘wealthiest female musician in the world’ at pumangalawa na kay Oprah Winfrey (with net worth na $2.7 billion) as the richest female entertainer.


Dahil ito sa ini-launch niyang cosmetics company na Fenty Beauty noong 2017 na nagbigay sa kanya ng estimated $1.4 billion na 50% ang kanyang pag-aari.


Ang estimated $270 million ay mula naman sa kinita niya bilang chart-topping musician and actress at mayroon din siyang 101 million followers on Instagram and 102.5 million on Twitter.


Noong 2018, sa first full calendar year ng beauty line ay kumita agad ito ng higit sa $550 million, ayon sa LVMH (ang French luxury goods conglomerate na pinatatakbo ni Bernard Arnault, na second-richest person sa mundo). Tinalo ng Fenty Beauty ang iba pang celebrity-founded brands nina Kylie Jenner’s Kylie Cosmetics, Kim Kardashian West’s KKW Beauty and Jessica Alba’s Honest Co.


Second naman sa Barbados-born singer/actress si Madonna sa list ng richest female musician in the world na may estimated net worth na $850 million.


Pasok din sa list ng Forbes sina Dolly Parton ($610M), Gloria Estefan ($500M), Celine Dion ($410M), Shania Twain ($450M), Victoria Beckham ($430M), Beyonce Knowles ($418M), Barbra Streisand ($407M) at Jennifer Lopez ($400M).

 
 
RECOMMENDED
bottom of page