top of page
Search

ni Rohn Romulo - @Run Wild | September 04, 2021



Anyway, going back to Sharon, nakita namin na may ini-repost siyang still photo na kuha sa FPJ’s Ang Probinsyano last Monday (August 30), na isa nga si Rosanna Roces sa mga bagong characters na pumasok sa pagsisimula ng ika-anim na taon ng longest action-drama series sa 'Pinas.


Caption ni Mega, “'Lam n'yo na - si Lablab kong si Ms. O, magiging part na ng Ang Probinsyano! Kaya lalong gaganda ang show! Lalo na at nando'n din ang ate kong maganda si @lornatolentinofernandez!!! @therealrosannaroces “Mamayang 8 PM na po @kowalerts #channel22 #iwant #youtube #fpjap.”


Agad namang nag-reply si Osang ng pasasalamat, "Lab Lab Thank You.. I love you.”


Bigla tuloy natuwa ang mga Sharonians at nagkakagulo ngayon, ano raw kaya kung kunin ding special guest si Sharon, since nandu'n naman ang friend niyang si Direk Rowell Santiago at Ate Lorna niya, plus si Osang nga na kapapasok lang? Riot sigurado ang pagsasama-sama nila sa isang serye, ha-ha-ha!


Posible nga kaya na si Sharon ang isa pa sa malalaking pasabog sa ika-6 na taon ng teleserye ni Coco Martin?


Well, abang-abang na lang tayo at sa pangangalampag ng mga Sharonians sa Kapamilya channel at Dreamscape Entertainment, hopefully ay tanggapin ni Sharon sakaling alukin siya na mag-guest sa FPJAP.

 
 

MAGRE-RETIRE NA RAW, PERO ATAT NA ATAT GUMAWA NG MOVIE.


ni Rohn Romulo - @Run Wild | September 03, 2021



Last week, nagpahayag ng saloobin si Megastar Sharon Cuneta na gustung-gusto niyang gumawa ng movies dahil nasa ‘movie mode’ siya after na maging successful at usap-usapan ang Revirginized.


Sa IG post niya, “I am nowadays restless and impatient - because I JUST WANT TO MAKE MOVIE AFTER MOVIE AFTER MOVIE!!! I’m in movie mode now. I have my “seasons.”


“Sometimes all I want to do is TV. Sometimes all I want to do is sing - make new albums and do concerts. Now I am in my movie season and I CANNOT WAIT TO FILM BECAUSE NOT DOING SO IS DRIVING ME UP THE WALLS!!! Kahit ako na mag-produce!"



Isa nga sa mga agad na nag-reply ang bago niyang ‘love’ na si Rosanna Roces, dahil nakakabitin talaga ang eksena nila sa Revirginized, kaya dapat na muli silang magkasama sa movie.


“Missing You!” sabi ni Osang.


Sagot naman ni Mega, @therealrosannaroces Lalo ako! Lablab, basta gagawa tayong dalawa - sa anumang paraan!”


Sagot ni Direk Erik Matti, “Lezgow!”


Say naman ni Sharon, @erikmatti Direeeeeek!!!! Zoom na po tayo, long overdue na po!!! I mishusooooo!!!”


May nasulat na nga na muling magsasama sina Sharon at Direk Erik sa Reality Entertainment na naghatid ng Kuwaresma, isang kakaibang drama raw ang inihahandang project.


Reaction naman ng mga followers ni Mega…


“Kaka-excite naman po iyan. Baka naman puwedeng isang psycho-drama diyan, ala-Marcella ng Netflix.”


“Mama Babe, kahit horror ang reunion movie n'yo ni papi @concepciongabby okay lang sa amin, basta matuloy lang…”


“Sana kayo ni Ms. Bea Alonzo sa isang movie.”


Hindi naman nagpatalo ang mga bashers ni Sharon, na hindi talaga maintindihan ang gusto niyang makagawa pa ng maraming pelikula, habang kaya pa niya.


Reaction nga nila na ang iba nama’y nagtanggol din kay Sharon…


“Akala ko ba gusto na niya mag-retire, matagal na? Parang charot lang niya 'yun pero ang totoo, takot na takot kasi palaos na.”


“Cringe! Naka-tag pa talaga ang mga direktor! Sa tingin ba ni Shawie, nasa rurok pa rin siya ng career niya? Na siya pa rin ang top actress sa Pilipinas?”


“That’s what you call DELUSION OF GRANDEUR.”


“Baka sa mga millennial, 'di siya sikat, pero sa mga nanay, tatay, tito, tita etc., may hatak pa si Tita Shawie. 2019 yata 'yun, may concert tour siya sa US and Canada, na-delay 'yung flight niya from Canada to LA due to aircraft problems. People waited for her kahit lampas-lampas na ng oras. I think she got to the venue around 10 and nandu'n pa rin 'yung mga tao. She performed wearing her sweat pants and shirt lang. Nagtataka nga 'yung crew/staff du'n sa venue bakit well-loved siya.”


“Desperate. How pathetic!”


“Ang hilig niya mag-tag ng mga executives pero 'di naman siya nire-reply-an ng mga itina-tag niya.”


“Ni-reply-an siya ni Erik Matti at ipinost pa niya sa IG Stories niya. At malay mo naman, eh, privately they’re communicating.”


“She has worked with everyone she tagged. Her last movie was a hit and of course, inspired si Mega na mag-work.”


“Ikaw na din magdirek, Sharon! Ikaw na lahat! The Mega Sharon movie of all time!”


“Saklap talaga 'pag laos na, ganyan ang nangyayari, tag pa more.”


“Okay, sa true lang, marami naman talagang na-achieve ang lola n'yo pero grabe ang pampam nito. Ang cheap lang nu'ng pag-tag.

“What about maging producer na lang siya but not star in all of them tulad ng ginagawa ni Piolo (Pascual) with Spring Films?”


“Base sa pagbabasa pa lang ng mga saloobin niya, parang nakakapagod nang kasama itong si Ms. Sharon. Daming extra energy at oras inilalaan na puro pansarili. Me, me, me. Lol.”


“Itong babaeng ito, napakalaki ng problema sa mundo. Walang prangkisa 'yung network, hindi masugpu-sugpo ang COVID, may bago pang mga variants na naglalabasan, siya, ang problema niya talaga, 'yung next project niya, Hollywood movie niya. Madam, puwedeng hinay-hinay? Sino manonood niyan kung ikaw lang malakas?”

 
 

ni Rohn Romulo - @Run Wild | August 15, 2021




Hinangaan ng mga netizens ang super effort ni GMA Primetime King Dingdong Dantes na mabigyan ng intimate and very elegant birthday party ang asawa na si Marian Rivera na nag-celebrate ng 37th birthday noong August 12 kahit ECQ na naman.


Ang bongga at sosyal naman talaga ng ipina-setup ni Dingdong sa bahay nila na fit na fit sa nananatiling GMA Kapuso Primetime Queen, na makikita sa kanilang IG posts.


Kaya naman, ang daming napapa-"sana all" at naiinggit kay Marian sa pagkakaroon ng isang Dingdong Dantes na mapagmahal, umaapaw ang ka-sweet-an at sobrang maalaga, hindi lang sa kanya, pati sa mga anak na sina Zia at Ziggy.


Say nga ng mga netizens, “Suwerte ni Yan talaga, truly blessed sa buhay, 'di lang sa endorsement kundi sa pagtulong din sa nangangailangan. May guwapong asawa at magagandang mga anak.”


“Sana all talaga! Well, sa tagal naman nilang nagtatrabaho, they earned that money. Kaya afford nila to have that setup, photog services, and to get glammed up like that para sa birthday shoot niya. And to think for the gram ito. Part of the bigger picture pa rin siyempre to maintain the image and A-list status kahit sa social media."


Kitang-kita nga sa aura ni Marian ang labis na kaligayahan at hindi 'yun maitatago sa photos na kinunan sa kanyang intimate birthday party.


Pero ang ikinaloka ng mga netizens at ikinaluwa ng kanilang mga mata ay ang suot-suot niyang luxury jewelry brand from Paris na Chaumet. Set ito ng Josephine Aigrette design (watch, rings & earrings) na ini-endorse ng sikat na Korean actress na si Song Hye Kyo na kilala sa pinagbidahang K-dramas na Autumn in My Heart (2000), All In (2003), Full House (2004), That Winter, the Wind Blows (2013), Descendants of the Sun (2016) at Encounter (2018) na ni-remake nina Cristine Reyes at Diego Loyzaga na kasalukuyan pang napapanood sa TV5, Cignal TV at Vivamax.


Nag-search kami sa chaumet.com para tingnan ang mga nakalululang pieces of jewelry ni Marian.


At dahil born in August ang host ng Tadhana, nag-assume kami na ang first ring niya, ayon sa description ay ang Joséphine Aigrette pavé diamond ring in 18-carat white gold, set with a heart-shaped peridot of 0.80 carat.


'Yung pangalawa na diamond ring ay may 18-carat white gold, set with Akoya cultured pearls and brilliant-cut diamonds at katerno nito ang napakagandang earrings na bagay na bagay sa beauty ni Marian.


Gandang-ganda rin kami sa suot naman niyang luxury diamond watch with white strap na part pa rin ng collection ng Chaumet, na ayon sa pricelist ay higit sa kalahating milyon ang halaga.


Kaya 'pag pinagsama-sama ang naturang set of jewelry, ilang milyon kaya ang aabutin nito?


Anyway, sa dami nga ng endorsements ni Marian — na patuloy siyang nire-renew kahit panahon ng pandemya — at sa kanyang business, kayang-kaya talaga niyang bumili ng ganitong kamahal na alahas, na sinasabing napakagandang investment at magiging pamana pa sa kanyang anak na si Zia 'pag nagdalaga na ito.


Samantala, patuloy na napapanood sina Dingdong at Marian sa rerun ng Endless Love sa GMA Telebabad, na kahit ilang taon na ang lumipas ay marami pa rin ang tumututok sa kahihinatnan ng love story nina Johnny at Jenny.


Every Saturday afternoon naman ang Tadhana ni Marian at Sunday night ang top-rating na Amazing Earth na three years nang hino-host ni Dingdong.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page