top of page
Search

ni Rohn Romulo - @Run Wild | September 22, 2021




Grabe, patok na patok talaga ang butt exposure ni Marco Gallo habang naliligo, na isang eksena sa pelikulang Ang Manananggal Na Nahahati Ang Puso, na mula sa direksiyon ni Darryl Yap.


Kalat na kalat na sa social media at sa ilang gay websites ang daring photos at video ni Marco, kung saan wala siyang takot na naghubo’t hubad at kitang-kita ang puwet niyang maputi, makinis at matambok. Ayon nga sa mga netizens, nasaan daw ang hustisya kumpara sa kanilang mukha?


Pumayag ang 20-year-old Fil-Italian na gawin ang eksena dahil natural daw sa kanilang mga Europeans ang maligo nang walang saplot sa katawan.


Inalok pa raw si Marco na mag-plaster para siguradong walang makita na private part niya, pero tinanggihan ito ng Viva actor, dahil masakit daw ‘yun at may maglalagay pa.

Siniguro naman ni Direk Darryl na hindi masisilip ang kanyang private part dahil puro likod lang daw ang kuha kaya sawang-sawa ang mga beki sa matambok na puwet ni Marco na umani na nang milyung-milyon views kahit ilang oras pa lang ito naa-upload.


Obserbasyon ng iba, mas daring pa raw itong ginawang eksena si Marco kumpara sa mga butt exposures nina Marco Gumabao sa Just A Stranger at Aljur Abrenica sa Nerisa.

Samantala, originally, para kina James Reid at Nadine Lustre ang romance-comedy na may pagka-horror na Ang Manananggal na Nahahati ang Puso, pero hindi nga nag-push through kaya napunta kina Marco at Aubrey Caraan na inilo-launch sa movie.


Si Marco ay mula sa Pinoy Big Brother 7 at si Aubrey naman ay finalist sa Pinoy Dream Academy, na ayon kay Direk Darryl ay pasadung-pasado ang tambalan ng dalawa at perfect choice sila sa movie, lalo na si Aubrey na halos ka-wavelength daw ni Nadine, na napakahusay ding kumanta.


Na-imagine tuloy namin, kung natuloy si James, papayag din kaya ito na magkaroon ng butt exposure habang naliligo sa loob ng drum?


At ikinagulat din kaya ng unica hija nina Richard Gomez at Lucy Torres-Gomez na si Juliana Gomez ang pagiging daring ng nakarelasyon nito noon na si Marco?

 
 

ni Rohn Romulo - @Run Wild | September 18, 2021



Nag-tweet si Karen Davila ng sagot niya sa tanong ng netizen tungkol sa mga ini-interview niyang politicians.


Say ng premyadong broadcast journalist, “I was just asked how much do I charge for politicians to be featured on YouTube channel.


“NO, I DO NOT GET PAID TO FEATURE OR INTERVIEW POLITICIANS.

“Salamat po! Good evening.”


Todo-react naman ang ilang netizens at ilan pa ang naghahamon na ilabas ang resibo ng nagtanong. Duda pa nila ay baka raw nakikisakay lang si Karen sa isyu ni Toni Gonzaga na nasa hot seat pa rin dahil sa vlog about ex-Senator Bongbong Marcos.

Opinyon ng mga mapanuring netizens:


“In fairness, kahit sa news, hindi siya tumatanggap at naniniwala ako ru’n. So ‘yung mga nag-i-interview pala ng politicians ngayon, ‘yung iba, may lagay. Ahahaha! Kadiri.”


“Matagal nang may bayad ‘yang mga ‘yan. Usually, for publicity or campaign. It stated in the US. There was an article (and in some books) on how the father of late Pres. John Kennedy spent a lot of money to promote him to be a presidential nominee, and we all know the rest. Even that to be on the cover of Time magazine, mayroon din, they call it donation.”


“Donation sa channel, radio station, show.... pero some journalists/reporters refuse to be bribed/get paid naman. I know that for sure nu’ng nag-intern ako sa isang radio station dati during elections. ‘Yung ibang politicians naman, may pakain sa lahat ng staff even us interns as pa-thank you kuno.”


“May nagtatanong ba talaga o nakiki-ride lang sa issue kay Toni G?”


“Dahil parehas sila ni Toni na nag-i-interview ng personalities, I bet my 50 pesos kahit 1% lang, eh, may magtatanong na netizen. Imposibleng wala. Good for her to clarify it as early as now.”


“She should not be a newscaster or news anchor. Parang lagi siyang naghahabol ng hininga niya. And her very hoarse voice is so bad to listen to.”


“Hindi naman voice quality ang habol sa news reporting kundi delivery at punchy ang words na may sense. Kung gusto mo ng magandang boses, makinig ka sa FM.”


“Basta if you interview the current admin, the Marcoses, the trapos, & members of political dynasties, I hope you burn them to the ground. No mercy dapat.”


“Show receipt nga kung may nagtanong talaga?”


“Sa YouTube views kasi siya nakakabawi.”


“Meron kasing mga corrupt na journalists. Karen's disclosure that she's not paid for is relevant.”


“Kaso nga lang, ang hilig ni Karen makipagsosyalan sa mga celebs at pulitiko na madalas sa headline. There is inherent conflict of interest when you are a journalist when you keep in check these same personalities who are your friends. It's just human nature for one to temper down when the going gets tough.”


Samantala, ngayong Sabado, may kaabang-abang sa kanyang YouTube channel.


Sa IG post ni Karen, ipinasilip niya ang maikling video na may caption na, “EXCLUSIVE!! Gaano nga ba talaga kasimple ang buhay at bahay ni Vice-President Leni Robredo? “This SATURDAY, Sept. 18, 7PM - @bise_leni opens her home for the first time in the almost 6 years she is in office!”


Tiyak na marami pa tayong malalaman tungkol kay VP Leni na malamang, ‘yung iba ay ngayon pa lang mairi-reveal.


 
 

ni Rohn Romulo - @Run Wild | September 12, 2021




Kinaaliwan ng mga netizens at followers ni Heart Evangelista ang photo shoot nila ng asawang si Sorsogon Governor Chiz Escudero.


Sa Instagram post ni Heart, ibinahagi niya sa kanyang mga followers ang series of photos nila ni Chiz kung saan pinagsuot niya ito ng nakakabagets na blazers and slacks, habang ini-enjoy nila ang mga wacky pose.


Caption ni Heart, "If you only knew how long it took to have him agree to let me shoot and style him. Surprisingly, he was super game! Thank you, babe. Here's to us," at naka-tag dito ang asawa, @escuderochiz.


Umani na ito ngayon ng higit sa 600,000 likes, patunay na marami talagang natuwa lalo na kay Gov. Chiz na sa edad na 51 ay napagmukha ni Heart sa kanyang styling na parang nasa 20s lang, at ‘yun din ang naging comment ng mga netizens.


Last February, nag-celebrate na ang mag-asawa ng kanilang sixth wedding anniversary.

Samantala, nakalulula na pala ang worth ng mga special edition paintings ni Heart, kung saan sa interview ni Karen Davila para YT channel nito, inamin ng asawa ni Chiz na roon nagmula ang malaki niyang kita.


Na bukod sa mga naglalakihan niyang paintings, nakilala rin si Heart sa very limited hand-painted bags niya, at ang kinikita raw niya rito na milyun-milyon ang kanyang ginagastos at ‘yung iba niyang kinikita sa TV shows, endorsements, brand deals, Instagram posts at YouTube channel ay isine-save niya.


“That’s what motivated me [to paint]. I really enjoy it,” sabi niya kay Karen.


Nilinaw din ni Heart sa interview ni Karen na kung anuman ang luho o mamahaling bagay na binibili niya ay galing mismo sa hard-earned money at ‘di ibinigay ni Chiz.


“Let me make it clear, I'm not crazy rich! I'm not – it's just that I've been working for a long time so meron din akong sarili ko. For me also, I wanted din also for him to feel na hindi ko rin siya gagamitin.


"Plus he has also two kids. Gusto ko rin na ma-appreciate ng kids niya that they'll also be protected,” pahayag pa ni Heart na soon ay mapapanood na sa weekly drama series na I Left My Heart in Sorsogon sa GMA-7 na ang leading men niya ay si Richard Yap at ang kontrobersiyal ngayon na si Paolo Contis.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page