top of page
Search

ni Rohn Romulo - @Run Wild | September 25, 2021



Nairita si Regine Velasquez-Alcasid sa mga viewers na reklamador at inokray si Ogie Alcasid habang nanonood ng free mini-concert sa kanyang YouTube channel.


Kaya, ‘di napigilang mag-tweet ni Songbird ng, “Disclaimer: ‘Yung mga makakapal ang mukhang magreklamo, tapos mag-tweet pa, UTANG NA LOOB, ‘wag na kayong manood!! Parang ang laki ng ibinabayad n’yo sa asawa ko, ha!!!! Libre lang kaya, walang basagan ng trip!!!!”



Nag-agree naman ang mga followers niya sa Twitter.


Say nila, “Grabe naman sa kapal... madali lang naman solusyon du’n... ah, di ‘wag sila manood... internet/kuryente na nga lang bayad (wala na nga ticket guys!)…



“Deadma mo sila, Miss Reg!!!! Wala kang makukuha sa kanila, enjoy life and have fun. Just keep sharing the good vibes to everyone, you inspired us a lot.”


“Ma’am Regine V. Alcasid, please don’t stop live streaming… you have no idea how my days goes with your songs… your voice reboots my stressful days... then I sing a long, out of blues… sincerely ME.”


“Hays, bakit kayo ganyan?! Kung ayaw n’yo, ‘wag manood. Mag-Coco Melon na lang kayo. Cool lang, Ms. Reg. Basagin natin trip nila! Pisti!!!”


“Akala ko talaga, walang mga judgemental dito sa Twitter. Akala ko sa Facebook lang. Mali pala ako, HAHAHA. Let them tahol Ms. Reg, kulang lang ‘yan sa kain, baka naimpatso po ‘yan, HAHAHAHA.”


“‘Yung iba, sinasabing ‘wag nang isama si Kuya Ogie, dapat si Ate Reg na lang, wow, ha? Kung makapag-utos, akala mo, sila producer ng show.”


Samantala, hindi naman nagustuhan ng ilang netizens ang pagtataray ni Regine sa mga nang-okray sa mister niyang si Ogie.


“Luh, ba’t ganyan n’ya itrato mga loyal faney niya? Naku, Chona, tuluyan na talagang bagsak n’yo niyan. Intindihin ang fans. Siguro, na-frustrate lang sila kasi sira audio, kesehodang libre pa ‘yan.”


“OMG, ba’t naman ganyan, Mama Reg? Malay mo, gusto lang nila ma-improve ‘yung audio dahil useless din ang show kung may aberya.”


“Ate Reg, you forgot to end your rant with "God Bless" :) which I believe is another way of saying the PI word, ha-ha ;)”


“I only got to read about this here. No idea about such feeds, but Regine is right. Kung free naman pala, those people have no right to complain. Ang dami talagang mareklamong walang magawa sa buhay.”


“Nasa-shock pa rin ako sa pagsasalita ng mga artistang ‘to. Kawawa siguro mga PA nila, ‘noh?”


“Ma-shock ka sa mga kapalmuks na nakalibre na nga, nagrereklamo pa.”


“Shocking na ‘yan sa ‘yo? Eh, rant lang naman ‘yan ng isang normal na tao. Tao lang din mga artista. Ano’ng gusto mo, mabait sila all the time?”


“Agree ako kay Chona.”


“I noticed in her shows Regine lacks finesse!”


“Sobra din kasing makapag-demand ‘yung iba. Akala mo, humugot ng pera sa bulsa kung maka-bash. Libre nga ‘yan, mga kumare, eh, di ‘wag kang manood para ‘di ka ma-stress! Ganern.”


“Bakit naging ganyan si Regine nu’ng lumipat sa ABS? Parang ‘di na siya queenly?”


 
 

ni Rohn Romulo - @Run Wild | September 24, 2021



Sa latest post ni Angel Locsin, may mahaba siyang paliwanag tungkol sa huling post na nag-viral dahil sa mga pictures na parang bigla-bigla siyang pumayat.


Nagtalu-talo nga ang mga netizens kung edited ba ang kanyang ipinost at may nagsabi na nasa tamang anggulo lang ‘yun.


Pero totoo naman na malaki na talaga ang ipinayat ni Angel at ginagawa talaga niya ‘yun at nagpupursige para sa kanyang health and preparation na rin sa pagkakaroon nila ng anak ng asawang si Neil Arce.


Ipinakita niya na meron pa siyang bilbil at nilagyan niya ito ng smiley face at may caption na, “Hello everyone! About my recent post that became viral, first, I want to say that knowing how to pose the right way can help you look slimmer. I think everyone who posts OOTD’s or watched Top Model knows this.

“So for those struggling to lose that extra weight, please don’t feel pressured. I tell you that I understand that it’s not easy, having been fighting weight gain for years.

“Pressure did not and will not help. Just take your time. Your body, your rules. Just don’t forget to love every inch of you in the process, no matter what other people may say. You are more than your weight or how you look. What’s important is how you feel and think of yourself. Shine. Don’t let the perception of others dim your light. I know you are trying. I know it’s hard. I understand.”

Dagdag pa niya, “Second, slowly, yes I was able to slim down—but I’m acknowledging that I’m still a work in progress. Though I feel good now. I’ve been taking care of my health and trying out something new.


“I will share with you my process and journey some other time, when I’m more confident na. But this is not without struggles and bumps.”

Sabi pa ng isa sa most-loved Darna, “I will not let anyone dictate my pace. But I am looking forward to what I can achieve in the next 3 months or so.

“Love you, fats and all.”


Ang sweet ng comment ng mister ni Angel na, “Kiss ko ang tummy.”


Nag-react naman agad ang celebrity friends niya at nagpakita ng love and support sa kanyang pinagdaraanang journey tulad nina Maja Salvador, Ruffa Gutierrez, Vina Morales, Kim Molina, Eula Valdes, Aira Bermudez, Raymond Gutierrez at Aiko Melendez.


Say ni Erwan Heussaff, “Everyone has their own journey.”


Comment ni Bea Alonzo, “Love this so much!”


“Preach! No matter how fast or slow, forward is forward. Trust the process and enjoy the journey! Slow and steady is more sustainable esp. when it comes to losing inches. Proud of you wifey. (Next n’yan may timbangan ka na din ng food. Bwahaha!),” comment naman ni Bubbles Paraiso.


Sabi naman ng isa pa niyang friend na si Iya Villania, “Yes Gel. Cheers to always working towards a healthier and happier you… no matter what pace.”


Reaction ng mga netizens sa mga namba-bash pa rin sa ipinost ni Angel…


“If you know how to read, she stated na ise-share n’ya ang journey n’ya, so kung inggit ka sa kanya at sa starlet level mong idol, pumikit ka or read other articles. Kawawa ka naman.”


“So happy for her! We need more body positivity in this world. Good luck, Angel :)”


“Hay, kaya love kita, Angel. Mabait, matulungin at TOTOONG TAO.”


“Hindi po edited. Tamang anggulo lang. Kung titingnan mo, bilugan pa rin sa may tiyan at puson niya. Nadaan lang sa illusion dahil sa black jacket. Basher/hater ka lang.”


“Not really edited, more like angles at posing lang.”


“Black can make you look slim. But not in this case. Happy for Angel!”


“I need motivation! Kung kaya ni Angel, kaya ko rin!!”


“‘Di talaga mawawala ang mga bitter, inggitera, at hater.”


“Sasabay na ‘ko mag-diet kay Angel!! Healthy living na ‘ko! I wanna be strong.”

 
 

ni Rohn Romulo - @Run Wild | September 23, 2021




Basag na basag pa rin si Toni Gonzaga dahil ayaw siyang tantanan ng mga bashers.


Ang latest ay pinagdiskitahan naman ang movie niya with John Lloyd Cruz na My Amnesia Girl, dahil may nag-edit nito sa Wikipedia.


‘Yung isa ay nilagyan ito ng ‘Marcos Loyalist’ kasunod ng name ni Toni. Pero mas malala ‘yung pangalawa sa ginawang pag-edit dahil pinalitan na nga ang title ng movie ng “My Marcos Apologist Girl”, sa ibaba nito, nilagyan pa ang name niya ng “…and Toni Gonzaga na DDS at Marcos apologist.”


Halu-halo na naman ang reaction ng mga netizens sa entertainment blogsite, na ‘yung iba ay natawa lang sa ginawang pag-edit. May sumang-ayon at meron ding nagtatanggol kay Toni.


Ilan nga sa naging komento nila:


“Hahahahhahahahah love this. Whoever did this, saludo ako sa ‘yo. Hahahhaha!”


“Hehehe. ‘Katawa naman. Sa true lang naman ‘yung nag-edit. Marcos apologist. Check. DDS. Check. Marcos loyalist. Check. Ikaw na gurl!!!”


“Very unfair treatment. People hate Marcos for being a dictator then why are you guys dictating things to Toni.”


“Whoever did that is ill bred.”


“It’s a reflection of the truth.”


“Kapag natutuwa ka sa mga bagay na ganito, eh, di siya normal.”


“We so like manipulating the truth, huh?”


“I think it's witty. Hindi ill-bred ‘yun. Wala namang pinatay, tinorture o ninakaw sa webpage edit. Hindi rin siya kasinungalingan, dahil mukhang nagkakalimutan na nga ng mga kaganapan noong martial law.”


“Totoo naman, Marcos loyalist siya! Bakit sasama ang loob, ‘di ba? Nakita ba n’ya mga confessions nu’ng martial law victims kung gaano sila sinaktan at inabuso? No to Toni na ‘ko. No no no, Toni.”


“They are calling out Toni, they did not dictate. Wala silang sinabing i-take down ni Toni ang vlog. What they're doing is just simply the consequences to Toni's picking of side. Of course she will be bashed. And please do not compare, the people calling her out did not torture, kidnap, and kill her or one of her family members. They did not steal money from her too. So ang layo ng logic.”


“Ang tatalino ng nakaisip nito. HAHAHAHAHHA. AMNESIA.”


“Everyone is entitled to their own opinion.

“Mali man ‘yung ginawa ng bashers niya, aminin nating ang taba ng utak nila at nakakatawa talaga ‘to, hahahaha.”


“This is too low and immature. For sure, bagets ang gumawa n’yan. Kaya ako, I'm just keeping my political opinion to myself, ang dumi-dumi na ng socmed. Dapat happy lang!”


“What's low is Toni invalidating the horrors experienced during Martial Law and even supporting its progeny. This is too good for her, she deserves to be censured more harshly.”


“Sobrang invested nila kay Toni, ah. Pathetic people.”


“Nag-interview lang si Toni, pathetic na? Bawal pakinggan ibang side? Paano si Kris Aquino, in-interview niya rin si BBM? May similarity nga mga questions, eh.”


“Mas maayos noong Marcos, ngayon, ang gulo na, tagal na nakaupo ng Aquino, ano nangyari? Lahat ng palpak, sisi pa rin sa Marcos.”


“Katakot ‘yung mga ganito na nae-edit ‘yung mga historical facts sa Wikipedia. At mga komunista ang gumagawa! Papa’no na lang kung mga important info like ng isang lugar o institution ang ginagawan ng mga ganito?”


“That’s why Wikipedia is not a reliable resource.”


“Ang taba ng utak ng gumawa nito. True ano, may amnesia si gurl, kunwari walang martial law sa Pilipinas.”


“OMG!! Hahaha! Buti nga sa ‘yo, ateng, pabida ka kasi, interview for the sake of views, ‘di man lang maging sensitive sa mga families na victim ng martial law.”


“Kadiri. Tinalo pa mga DDS at Marcos loyalists ng mga supposedly mga may pinag-aralan at matatalino.”


“‘Di kasi uubra ‘yung 'my vlog, my rules' especially when you are raking in millions from that YouTube channel na may millions of followers. Then it is expected that people will hold you to be responsible with your content. Ang gusto ni Toni, eh, free siya from any form of accountability samantalang nagiging instrumento siya ng misinformation at historical revisionism. Even artistas nga, pati personal life nila, pinupuna dahil kesyo ‘di mabuting halimbawa sa younger fans. Why not Toni, ‘di ba?”


“Your point being? So, kailangan muna niya ng affirmation before siya puwedeng maglabas ng opinion at vlog? Kanino niya dapat ipa-approve kung katanggap-tanggap ba ang opinion niya? And you're the ones who dislikes fascist and tyrants. Take a look at yourself in the mirror. Mukhang hindi niya naman itinatago na Marcos supporter siya so bakit parang gulat na gulat kayo?!”


Naku, ang mga netizens talaga, ang daming time na mag-comment sa socmed!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page