top of page
Search

ni Rohn Romulo - @Run Wild | September 29, 2021




Marami pa ring celebrities ang humahabol at sunud-sunod nga na nagpo-post ng kanilang pagpaparehistro sa Comelec.


Dahil na rin siguro sa pagiging abala nila sa pag-aartista at ‘yung iba ay keber talagang bumoto o wala pa sa hustong gulang kaya sa next election pa lang makaboboto.


Imagine, sa mga nakaraang halalang naganap, marami pa ang hindi rehistrado at nae-exercise ang kanilang karapatang bumoto bilang Pilipino, katulad ng mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na humabol para magpa-register.


Ayon sa series of photos sa Instagram post ni Juday, gusto nila ng pagbabago kaya nila ito ginawa.


“Nakapagparehistro na kami! Yes! Gusto namin ng pagbabago… parehistro na po ang mga hindi pa nagre-register. May isang linggo pa para makapagparehistro.


“Let’s all UNITE and VOTE!” sabi pa ng premyadong aktres at nananawagan sa mga Pinoy na magparehistro na rin habang may panahon pa.


Samantala, kahit nasa bahay lang si Judy Ann na takot pa rin mag-work dahil sa COVID-19, tuluy-tuloy naman ang pasok ng kanyang TV commercials. Aba, bukod sa solo niya, inuulan na rin ng suwerte ang bunso nila ni Ryan na si Luna at meron din si Lucho.


Sa pagkakatanda namin sa aming napapanood sa TV at social media accounts, may McDonalds, Nestogrow, Hunt's Pork & Beans, Nido at Magnolia Real Mayo commercial ang mga anak ni Juday.


Ang bongga lang dahil bata pa sila ay kumikita na at nakakapag-save.

 
 

ni Rohn Romulo - @Run Wild | September 28, 2021




Natanong ang blockbuster director na si Darryl Yap kung ano ang masasabi niya sa bagong tambalan nina Marco Gallo at Aubrey Caraan na ilo-launch nga sa latest movie niyang Ang Manananggal Na Nahahati Ang Puso.


Nag-e-edit na raw siya ng next movie niya na Sarap Mong Patayin, kaya wala na sa isip niya ang rom-com na may pagka-horror.


Kuwento ng direktor, “Tumawag si Boss Vic (del Rosario) few days ago para i-congratulate ako. Acting piece raw ito for Marco. Hindi nila akalain na ganu’n pala kagaling umarte si Marco.


“Revelation naman dito si Aubrey, hopefully na fans, the people and especially the press, will get to notice ‘yung galing nilang umarte. That’s the discovery I made.”


Pag-amin pa ng kontrobersiyal na direktor sa latest movie niya na kinunan sa nakabibighaning isla ng Siquijor, kung saan may na-experience siya na kakaiba at medyo nakakikilabot habang nagsu-shooting sa kuweba, “This is the best that I have done so far.


Siguro, ‘yung best ko, basura pa rin sa iilan or siguro, ‘yung best ko, basic or mediocre para rin sa nakararami.


“Pero this project is very close to my heart. Ito ‘yung masasabi kong unang film ko na direktor na direktor talaga ako. Kasi sa Revirginized, fan na fan ako ru’n ni Ms. Sharon Cuneta.”


At dahil nga originally for James Reid and Nadine Lustre ang Ang Manananggal Na Nahahati Ang Puso, may ginawa ba siyang changes or adjustments para mag-fit ang characters kina Aubrey at Marco?


“Ang sa akin lang, noong hindi natuloy sina James, I need a Filipina looking girl and Filipino with a foreign blood.


“So, kung mapapansin n’yo, doon lang din naman lumapag, sakto naman kay Marco at kay Aubrey, not because I wanted someone to look like James or Nadine, but because the story needs a barrio lass which is the character of Giniper and a half-Filipino foreigner, because ‘yun po ang kuwento, na galing siya sa ibang bansa.


“Ang ini-adjust ko lang po roon, ‘yung isa, originally galing ng UK, heto naman ‘yung character galing sa Italy, because of Marco.”


Follow-up namin, kung natuloy sana si James, kakayanin kaya nito ang ‘butt exposure’ o may iba siyang ipagagawa?


“I can’t answer if James will do it,” sagot ni Direk Darryl.


“Pero that’s the beauty when you get to cast non-superstars. They are more courageous and open to the things that the script requires.


“And they are not bound by sponsor clauses. Kasi ‘pag meron ka nang maraming commercials, medyo kumplikado na ang kontrata.


“Siguro, nagpapasalamat din ako at ang mga fans ni Marco dahil natuloy ang pelikulang ito at sa kanya nag-land. At natuloy ang script ko na kailangang ipakita ang difference ng very conservative Siquijodnon girl and a liberated Italian half-Pinoy Giuseppe.”


Medyo nairita naman si Direk Darryl sa mga nag-aakusa na nakiki-ride on daw sila sa JaDine.


Tugon niya, “Just to set the record clear, I myself — kaya ako nasasabihan na mayabang because I’m always straight to the point — we don’t need any fandom to actually promote a movie.”


Sapat na raw ang milyun-milyong followers ng viral YouTubers na Beks Battalion na binubuo nina Chad Kinis, MC Calaquian at Lassy Marquez, bukod pa sa kanyang six million followers ng VinCentiments sa FB at YouTube at ipinagmamalaki nga ang ipinakitang kahusayan nina Marco at Aubrey, na ‘pag nabigyan talaga ng projects ay sisikat daw ang dalawa.


Kasama rin sa movie si Teresa Loyzaga at may special participation sina Gina Pareño at Johnny Revilla.


 
 

ni Rohn Romulo - @Run Wild | September 27, 2021




Puring-puri ng mga netizens ang inilabas na video ng Miss Universe-Philippines kung saan ipinakilala nila ang naggagandahang 28 candidates na suot ang kani-kanilang national costume na gawa ng magagaling at world-class designers ng bansa at ang tema nito ay “Manila Carnival Queen”.


Ayon sa FB post ng MUP, “This year’s National Costume theme is a celebration of a bygone era of elegance and sophistication—the Manila Carnival Queens. They are the first Filipina beauty queens whose names are still remembered by historians and pageant aficionados. Their images wearing elaborate and intricate costumes live on in black and white photos (if you notice the song titled Kulay).


“So we wanted to bring these back to life and imagine how they would have looked today. Our delegates’ costumes are all masterfully created for them by world-class Filipino designers. It showcases the Filipina beauty, heritage, and artistry interpreted in modern, traditional, and avant-garde ways. Regardless of its interpretation, at the very core is the heart of a Filipina who is proud of her history, heritage, and country.



Sa 28, agree kami sa choice ng karamihan na nag-stand out talaga dito si Maureen Christa Wroblewitz ng Pangasinan at mahigpit na naman niyang kalaban si Kirsten Danielle ‘Kisses’ Delavin representing Masbate.



Kasama rin sa top favorites ang national costume nina Katrina Dimaranan (Taguig), Steffi Rose Aberasturi (Cebu Province), Beatrice Luigi Gomez (Cebu City), Rousenne Marie Bermos (San Juan), Janela Joy Cuaton (Albay), Krizzaleen Mae Valencia (Davao Occidental) at Jasmine Umali (Manila).



Dahil sa lumabas na karamihan sa NatCos gowns ay pasok sa tema at magaganda talaga na puwedeng irampa ng magiging representative natin sa Miss Universe sa December, may nag-comment ng, “Milya-milya ang layo sa national costume ni Rabiya na pang-talpakan.”


Gandang-ganda nga ang netizen at opinyon niya, “Bakit ‘yung ginamit ng Miss Universe natin, eh, parang Victoria Secret na pang-barangay?”


Anyway, tuwang-tuwa ang mga fans ng BGYO sa pagkakapili rito para kumanta ng Kulay na bagay na bagay habang rumarampa ang 28 candidates.


Ang grand coronation night ng Miss Universe Philippines 2021 ay gaganapin sa Panglao, Bohol sa September 30.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page