top of page
Search

ni Rohn Romulo - @Run Wild | October 06, 2021



Inilabas na ni Bela Padilla ang first teaser-trailer ng kanyang directorial debut na 366.

Sa short clip na ipinost sa kanyang Instagram page, ipinasilip ni Bela ang character nila ni Zanjoe Marudo bilang sina June at Marco.


Ayon pa kay Bela, ang isinulat niyang mapanakit na istorya ay based on a true story na na-witness niya habang nasa holiday break some years ago at nagpapauna na siya na it's a very tragic love story at set in a leap year kaya ang title ng movie ay 366.


First time pa lang makakatambal ni Bela si Zanjoe sa movie. Huli silang nagkasama sa 2017 series na My Dear Heart.


Bukod kay Zanjoe, muli na namang makakatrabaho ni Bela sa 366 ang sinasabing ‘perfect partner’ niya sa mga mapanakit na films na si JC Santos, na 'di makakalimutan sa kanilang pagtatambal sa 100 Tula Para Kay Stella, The Day After Valentines at On Vodka, Beers, and Regrets.


Hangang-hanga naman si Bela sa dalawang leading men sa movie na parehong mahuhusay sa kanilang mga eksena na tiyak na mapapansin ng manonood sa kanyang very soon ay mapapanood nang kauna-unahang idinirek na pelikula.


Anyway, 'kaloka ang ilang netizens dahil first trailer pa lang ay nakatanggap na ng pang-ookray si Direk Bela.


Say nila, “Kaumay na Bela, walang bago, lagi ka na lang broken.”


“'Yung directorial debut you mean na pinagtagpi-tagping US indie movies, ganu'ng kuha ng iba’t ibang parts na trip niya from other people's creative ideas, tapos make it Pinoy version.”

“Ngek, 'yung scene pa lang na nasa ice, parang Eternal Sunshine na, eh! 'Wag kami, Bela, 'wag!


“Nakakasawa na wala na bang fresh na maio-offer si Bela aside from pa-deep and super dramatic movies for the brokenhearted? Dadaanin sa “pa-indie vibes” 'yung movie para masabing kakaiba. Zzzzz next!”


May nagtanggol din naman kay Bela, “Mga bitter, wala pong pumipilit sa inyo manood. If you think same lang, without even watching the whole film itself, then why bother waste time bashing her or her work?”


May nakapansin naman na netizen na, “Kamukha talaga ni Bela Padilla si Bree Johnson. Lagi ko pa namang nakikita 'yun sa mga articles online.”


“'Yun din 'yung sasabihin ko. Kung may gaganap sa buhay ni Bree, puwede si Bela. 'Yung depth at aura, parehas.”


May nag-react din sa first movie team-up nila ni Zanjoe at sinabing may pag-asa pa.

“Kapit lang, Bela, haha! Hangga't 'di pa kasal si Zanjoe, try nang try, hahaha!”


“Not a fan of Bela, pero 'kaloka naman utak mo, girl. Ano bang meron kay Zanjoe para habulin siya ni Bela?” pagtatanggol sa aktres ng isang netizen.


In fairness, mukha namang kaabang-abang ang 366 ni Bela. Hopefully, makaabot din ito sa Netflix tulad ng My Amanda na idinirek at pinagbidahan ni Alessandra de Rossi kasama si Piolo Pascual.


Good luck, Bela!


 
 

ni Rohn Romulo - @Run Wild | October 05, 2021



May panawagan si Aiko Melendez sa kanyang IG post para sa mga boboto sa 2022 national election at sa mga nanlalait-nangmamaliit sa mga artistang tatakbo na gusto lang ng pagbabago at maglingkod.


Sabi ng premyadong aktres, “Ngayon ang tamang panahon para ang mga boboto ay titingin sa plataporma ng bawat kakandidato. Suriing mabuti. 'Wag pera-pera ang tingnan. 'Yung walang bahid ng corruption dapat.”


Sa pagpapatuloy niya, “Du'n sa mga taong maliit malimit ang tingin sa mga tatakbong artista po, 'wag n'yo lahatin, pumili ng kakampi na maaasahan n'yo dahil malay n'yo, 'yung kumakandidato na 'yun ang manindigan sa mga taong nawalan ng trabaho sa entertainment industry.


“Isipin nating mabuti kung ilang libo ang nawalan ng trabaho sa mga kasamahan natin sa ating mundo na ginagalawan. Mahalaga sa bawat tao ang marunong manindigan. 'Yung kaya kayong tayuan, may kapalit man o wala. In public service, wala dapat safe side, paninindigan ang mahalaga.


“Kapag wala tayong tao na mapagkakatiwalaan na maging boses natin sa entertainment industry, paano naman din 'yun? Matatalino na ang mga tao ngayon.


“Ngayon tayo magsama-sama na kilalanin ang mga karapat-dapat na maging boses ng industriya natin. Mapa-national, local or anumang posisyon… Hindi naman lahat ng artista na tatakbo, ibig sabihin, bored lang, walang magawa dahil pandemya, matuto rin tayong tumingin kung anong klaseng artista ang ating pipiliin. Hindi lahat ng artista, trapo. Marami nga d'yan, 'di artista, pero ano ba napala natin?”


Marami naman ang nag-agree sa opinion ni Aiko. Ilan dito ang mga celebrity friends niyang nagpapakita ng suporta sa kanyang muling pagsubok sa pulitika.

 
 

ni Rohn Romulo - @Run Wild | October 04, 2021




Tinawanan lang ng Viva sexy star na si AJ Raval ang tsismis na pinasabog ng controversial social media personality na si Xian Gaza na may relasyon daw sila ni Aljur Abrenica.


Nakita ni AJ ang post ni Xian kaya ni-reshare niya sa kanyang official Facebook page at nilagyan ng caption na: “Ang dami mong alam hayup ka, hahaha!”


Pagkalipas ng ilang oras, sumagot uli si AJ sa post ni Xian na nagdadalawang-isip daw siyang ilabas ang kanyang pasabog dahil baka makasakit ito at makasira sa image at career ni AJ.


Sabi ni AJ, “Why? Are you the father? The son? Or the holy spirit? Hahaha!”


Kasasagot daw ni AJ sa post niya, parang “napo-fall” na raw si Xian sa anak ni Jeric Raval, kaya nagbiro si AJ ng: “Send sports car, love.”


Sa sumunod na post ay nabanggit na nga si Aljur, na nakasama ni AJ sa VivaMax movie na Nerisa.


Nag-post kasi si Xian ng screenshot ng comment ni AJ sa kanyang post na “Mahal na kita,” na sinagot naman ni Xian ng “I love you too,” na nilagyan naman ng caption ni Xian sa screenshot niya ng comment ni AJ ng: “PASENS’YA NA, ALJUR.”


Muling ini-repost ito ni AJ at ginaya ang caption ni Xian.


Nakita rin ni AJ ang video na nagli-link sa kanila ni Aljur, na ipinost ng Facebook page ng app ni Xian.


Nasa video ang isang clip mula sa Cleaning My Room vlog ni AJ, kung saan ipinakita nito ang bintana at view na makikita mula sa kuwarto niya, na kung saan ikinabit sa video ang hubad na litrato ni Aljur na may hawak na kape sa labas ng isang kuwarto.


Sagot naman ni AJ tungkol sa video: “LUH ISSUE KAYO HAHAHAHA,” na halata namang edited lang.


Saka may ipinost na art card si Xian na nag-a-apologize kay AJ at nagsasabing nire-retract na niya ang kanyang “controversial expose” sa sexy actress.


Sagot ni AJ: “I appreciate it, but you don’t have to apologize, it’s your content, actually it’s fun. Naging Marites na ako sa sarili kong buhay [laughing emoji].”


Reaction naman ng mga netizens, “Ang tat*nga lang ng mga naniwala sa Gaza na ‘yan.”

“What do you expect from AJ Raval? ‘Di na nakakagulat. Napaka-cheap nitong babae na ‘to. Akala ko, wala na, mas malala pa ru’n sa isang sikat na vlogger na puro boobs ang puhunan. Mas malala pa ‘to.”


“Judgmental nito, porke’t nagpapa-sexy, cheap na? Nakausap mo ba ‘to nang personal?? Nakakaloka.”


“‘Yung Xian at this girl deserve each other. Parehong pampam to the zenith level.”


“‘Yan ang fastest way for her to be famous and earn money lalo na ngayong pandemic. Saka lang naman nagganyan ‘yan kasi pandemic at wala work ang father niya. Ang dami nilang magkakapatid, iba-iba nanay, siyempre, need niyang kumita on her own.”


“Kung makapanlait kayo sa kapwa babae, grabe! Kayo na! It's her body. Magreklamo kayo if she commits a crime, otherwise, manood na lang kayo & enjoy the show.”


“Ang laki ng galit mo sa kanya imbes na kay Gaza ka magalit, sa mga kasinungalingan niya.

“Trying to be Ivana. Sorry girl, may nauna na sa ‘yo. ‘Yung totoong magaling mag-English at mayaman at nagpapa-jologs lang.”


“Lagi namang papansin ‘yang si Nunal, eh. Pero ‘yun nga, totoo man ang issue na ‘yan, eh, ‘yun na, tapos naman na sila ni Kylie (Padilla), eh.”


“Ka-cheap-an ‘yung thread nila. Hahaha!”


“Tuwang-tuwa pa nga, eh.”


“Seriously??? Are there people who still take Xian Gaza as a credible person????!!! Kulang lang sa pansin ‘yan.”


“After watching the video, napagtanto ko… bagay si girl at si Aljur. Magka-level sila, so swak!”

“Robin’s daughter is too smart and classy for Aljur kaya medyo insecure si guy.”


Pagbibiro pa ng mga netizens, kung may balak at bet talaga si Aljur na ligawan si AJ, mag-ingat na raw ang iba pang anak ng action star.


“Ok din si Aljur, ah, puro anak ng action stars bet niya. After ng anak ni Robin Padilla, eh, anak naman ni Jeric Raval.”


“So, kabahan na si Lovi Poe? Hahaha!”


“Humanda na ‘yung anak ni Lito Lapid. Char!”


“Pero ang gaganda ng mga anak ng action stars dati, ‘no? Kylie, this girl, at ‘yung anak ni Lito Lapid, pati na rin si Lovi.”


Ang gustong tukuyin ng mga netizens na anak ni Lito Lapid ay si Ysabel Ortega na napiling gumanap na Jamie Robinson sa Voltes V: The Legacy ng GMA-7.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page