top of page
Search

ni Rohn Romulo - @Run Wild | November 8, 2021





Magkasabay ang dalawang big showbiz events sa Tuesday, November 9, 2021.


Una na ngang naglabas ng teaser ang FPJ’s Ang Probinsyano sa tuloy na tuloy nang pagpasok ni Megastar Sharon Cuneta sa buwang ito pagkatapos ng ilang aberya.


Nakalagay sa teaser “MEGAganda pa ang gabi n’yo. Abangan.”


Ini-repost naman ni Sharon sa kanyang IG ang post ng @megaberksonline na, “Kalaban or kakampi? Malapit na!


“November 9 mediacon. Save the date berks!”


Sa pagwe-welcome nga kay Mega sa cast ng action-drama series ni Coco Martin, malalaman na kung may kaugnayan siya kay Julia Montes at sa dating ka-love team at director sa mga concerts na si Rowell Santiago.


Samantala, may midnight post naman ang GMA Network sa kanilang IG account few days ago ng teaser na, “He’s HAPPY to be back. 11.09.21,” na may caption na: “Multi-awarded actor, may malaking pasabog! Abangan ‘yan ngayong Martes.”


At karamihan nga sa mga netizens ay iisa lang ang hula sa photo ng actor na naka-smile… si John Lloyd Cruz, na matagal na sanang nakapirma pero nagkaroon ng aberya.


Matatandaan din na lumabas ang balitang magkasama sila ni Bea Alonzo sa isang shoot, na ipinalalagay na para sa Christmas Station ID ng GMA-7, na mukha namang may katotohanan, kaya sobrang nakaka-excite ang pagkakasama ng dalawa sa yearly station ID ng network na may pa-teaser na dahil malapit nang mapanood, “Mangingibabaw ang pag-ibig ngayong Pasko!” at may hashtag na #LoveTogetherHopeTogether!


Anyway, may follow-up IG post naman ang GMA na, “Handa na ba ang PUSO mo?” na may caption na, “Ihanda ang inyong mga puso dahil ang much-awaited comeback of this box-office actor is almost here! Abangan ‘yan ngayong Martes.”


Kaya wala na talagang atrasan ang pagiging Kapuso ni Lloydie.


Abangan na lang natin kung ano ang mas pag-uusapan at magta-top trending ngayong Martes, mga Marites!

 
 

ni Rohn Romulo - @Run Wild | November 5, 2021





Nagsimula na ang most anticipated shopping festival in the region na hatid ng Shopee, ang leading e-commerce platform sa Southeast Asia at Taiwan, ito ang annual 11.11 Big Christmas Sale.


Naitala nga na ang number of sellers and brands on Shopee ay nag-surge ng 60% in 2021, while 1 in 3 shoppers at its recent 9.9 event was new to the platform.


Nagbabalik naman ang international superstar na si Jackie Chan sa isa namang fun commercial para sa 11.11 Big Christmas Sale. After his 9.9 commercial, met with viral success na humamig ng 435 million views online, ang action-packed sequel sparked excitement for all users as well.


Ayon kay Martin Yu, director sa Shopee Philippines, “Christmas holds a special place in Filipinos’ hearts. During this season of giving, Shopee Philippines hopes to make this year’s festivities even more memorable for both our users and sellers. As the holidays approach, we aim to bring more joy to shoppers and help them save more on things they love by curating the best deals.


“We’ve also pioneered efforts to expand our digital ecosystem to help more consumers, businesses, and communities access and benefit from e-commerce. We invite everyone to join us in making this the biggest and most impactful 11.11.”


Magkakaroon naman ng big finale ang event sa November 11 sa pamamagitan ng 11.11 Big Christmas Sale TV Special kung saan magpe-perform ang NCT 127, isa sa hottest K-pop boy bands ngayon, ng kanilang chart-topping hits at mapapanood ng 9:30-11:30 PM sa GMA-7 at Shopee Live.


May appearances din ang local celebrities na sina Jessy Mendiola, Aira Bermudez, Rocco Nacino, Klea Pineda, Andre Paras at Gil Cuerva.


Lastly, viewers stand a chance to win prizes and giveaways worth over ₱12,000,000, kasama ang dalawang bagong house & lots at isang brand-new car.

 
 

ni Rohn Romulo - @Run Wild | October 08, 2021




Nagpasalamat si KC Concepcion sa almost 5.5M strong followers niya sa Twitter dahil pasok siya sa No. 6 ng Most Followed Filipino Female Celebrities on Twitter.


Si Anne Curtis pa rin ang 'di matinag sa top spot with 14.14 M at hawak niya ang distinction na first Filipino celebrity na nagkaroon ng 14M followers sa Twitter. Pangalawa naman si Angel Locsin with 12.65M at pangatlo si Kathryn Bernardo with 10.52M.


Nasa pang-apat si Yeng Constantino with 7.42M, ang nag-iisang singer sa Top 10. Pang-lima si Maine Mendoza with 6.5M at pang-anim nga si KC with 5.47M.


Top 7 naman si Alex Gonzaga with 5.15M at pang-walo si Julia Montes with 4.91M at pang-siyam si Zeinab Harake with 4.58M, isa sa most followed Pinoy influencers sa TikTok at YouTube.


Panghuli, pasok sa Top 10 si Liza Soberano with 4.56M.


Kitang-kita naman talaga ang kasikatan nila at influences sa madlang pipol, kaya binabantayan ang kanilang tweets at opinyon at pinagkakatiwalaan na maging endorser.


At ngayong Halalan 2022, sinu-sino kaya sa kanila ang kukulitin ng mga pulitiko na suportahan ang kanilang pagkandidato?

 
 
RECOMMENDED
bottom of page