top of page
Search

ni Rohn Romulo - @Run Wild | November 17, 2021





Isa kami sa mga nalungkot na totoo at kumpirmado ngang hiwalay na sina Janine Gutierrez at Rayver Cruz.


Isang buwan na palang magkahiwalay ang magdyowa, na ang rason ay nawalan daw ng oras sa isa’t isa, pero wala namang itinuturong third party.


At dahil nga sa kaganapan sa relasyon nina Janine at Rayver, bali-balita namang nagkakamabutihan na sina Rayver at Julie Anne San Jose na magkasama sa mga shows ng GMA-7 tulad ng The Clash at All-Out Sundays.


At si Rayver nga ang special guest ni Julie Anne sa part 2 ng digital concert na Limitless titled Heal, at marami ngang kinikilig sa kanilang tambalan.


Si Janine naman ay nali-link ngayon kay Paulo Avelino na katambal niya sa Kapamilya teleserye na Marry Me, Marry You na nagsimula na ang Book 2.


Sa Instagram account ni Rayver ay burado na ang ilang couple pictures nila ni Janine habang sa Instagram account ng aktres ay makikita pa ang couple pictures nila ng ex-boyfriend.


Reaction naman ng mga netizens sa breakup nina Janine at Rayver…


“Why naman? Mukha namang mabait at disente si Rayver.”


“Jusko day, mukha namang mabait si Rayver. Baka mapunta siya kay P, no way.”


“Another breakup na naman. Totoo nga ang sabi na 2021 ay Year of the Breakup.”


“Ahahahahahahahaha! Lumipat si lalaki sa GMA para magkasama sila, sabay lipat naman ni girl sa Dos! Meant to be!”


“Ok lang, 'di naman sila bagay.”


“Parang ‘di naman kasi sila bagay. Olats din mamili 'tong si Janine ng dyowa.”


Opinyon pa nila, posible namang magkadebelopan sina Paulo at Janine.


“Feel ko, type ni Paulo si Janine. Hindi pala-like si Paulo ng pics pero lagi siyang present sa post ni Janine.”


“Next niyan, sina Janine at Paulo na.”


“True, 'di na nakakagulat…parang type rin kasi ni J si P if you follow her social media accounts… pansin ko lang.”


“Good for her! Wala siyang future d'yan.”


“Mas good for him.”


“Puwede na kay Julie Anne. Char…”


“Ay, kahit sino, 'wag lang kay Janine.”


“SA WAKAS, NAUNTOG DIN.”


“Tapos, kay Paulo ang bagsak??? AHAHAHAHAHAHA.”


“Kaya takang-taka ako kay Paulo Avelino sa mga pahaging kay Janine, kahit pa sabihin na for promotion lang, 'yun pala, break na talaga sila.”


“Saw this coming nu'ng sinabi ni Paulo A. na single si Janine. Okay lang din naman. Busy sila sa kani-kanyang career lalo na si R. Parang last month, eh, araw-araw siya sa TV.”


“Eh, di sina Janine and Paulo na siguro. Tapos sina Julie and Rayver na rin. Ang saya.”


“Hindi kaya ma-develop si Rayver kay Julie, palagi silang magkasama sa show.”


“I feel something between Rayver and Japs talaga. Iba kasi 'pag lagi mong kasama.”


Dagdag-obserbasyon pa nila…


“Napa-browse ako sa IG nila. Si guy, wala nang bakas ni ate. Si ate, may isa pa 'kong nakitang photo nila together. Lol!”


“Kaya wala talaga 'yan sa kung low key ka sa social media or malakas ka mag-post. Parehas lang 'yan, 'pag 'di kayo, eh, magbe-break talaga. Itong dalawa ang low key lang, nag-break pa rin naman.”


“Maka-judge 'to sa tao, akala mo, ang perfect. Baka nga mas malaki pa ang narating niya kesa sa 'yo. Please spread some kindness and stop bashing Janine, hindi naman natin alam 'yung buong reason bakit sila nag-break. Give them some privacy and peace, God bless.”


“Grabe mga nanlalait kay R, ah, catch kaya siya, mabait sa family, no scandals, may investments, business and bahay na, ang taas ng standard n'yo, ah.”


“Grabe makalait. The Cruz brothers are a catch. May hitsura, hindi walwal, tight knit family at masinop sa pera. They may not be pambida levels but they are hardworking. Tingnan mo nga naman, nakapagpatayo ng magagandang bahay.”


 
 

ni Rohn Romulo - @Run Wild | November 13, 2021





After nine months na magkarelasyon, ikinasal na nga sina Derek Ramsay at Ellen Adarna noong Huwebes, November 11, sa yayamaning Rancho Bernardo Luxury Villas sa Bagac, Bataan.


Lumabas ang kagandahan ni Ellen sa napiling white wedding gown na gawa ni Marc Rancy, habang ang guwapo naman ni Derek sa kanyang Bianca Cordero suit.


Supalpal ang mga bashers na inunahan ang aktor at nagsabing never itong magpapakasal at tinaningan pa ang relasyon nila ni Ellen na nagsimula sa isang dinner party sa bahay ni Derek noong January, 2021 kung saan si Ruffa Gutierrez ang nag-share ng photos at videos kasama ang couple.


After two months, nag-propose na nga si Derek kay Ellen at last month naman inilabas ang kanilang prenup pictorial.


Anyway, kahit marami ang nagsasabi na ang ganda ni Ellen sa araw ng kasal nila ni Derek, may ilang pumupuna rin sa kanyang simple but elegant wedding dress.


Say ng netizens…


“Akala ko, ayaw niya mag-wedding dress?”


“Congrats! But, sorry, bakit parang inarkila 'yung gown at suit ng groom…”


“Her wedding dress isn't even a typical wedding dress. It can be worn sa ibang occasion. And she is a strong independent woman who doesn't need a man, she married Derek dahil mahal niya at mahal siya at hindi dahil kailangan niya.”


“Nakaka-proud, sobrang yaman nilang pareho pero sobrang simple ng kasal, parang role play na ni-rent 'yung costume. Sa panahon ngayon, dapat talaga, practical na.”


“In fairness, ang ganda ni Ellen, parang Lucy Torres sa biglang tingin.”


“Ang simple lang ng ayos ni Ellen pero ang ganda-ganda niya pa rin, glowing bride talaga.


Sana end game na talaga nila ang isa't isa.”


“Can’t deny na napakaganda ni Ellen. Blooming bride with her barely there makeup. Pero maliit siyang tingnan sa solo picture niya? Pero ganunpaman, ganda niya. Bagay sa kaputian niya ang gown. Derek is so lucky to have her.”


Ang daming netizens na nag-congratulate kina Ellen at Derek at touched na touched daw sila sa simple pero solemn na kasal ng dalawa.


“Congrats Ellen and Derek. Ayan, manahimik na nawa kayo sa social media.”


“Congrats Mr. and Mrs. Derek and Ellen Ramsay… love, love, love!”


“Congratulations Mr. and Mrs. Ramsay. Let’s all just be happy for the newlyweds. 'Wag nang nega.”


Kung pinupuri si Ellen, nakatanggap naman ng batikos si Derek sa mga photos na lumabas, na mukhang nahulas siya dahil mukhang kainitan pa habang sila’y ikinakasal.


At parang nakalimutan yata ng bongga nilang glam team na mag-retouch para naman napunasan ang pawis o ang oily face ni Derek at nang lumabas na maganda sa mga photos at videos, dahil okey naman ang kuha niya before the wedding ceremony.


Pansin tuloy ng mga netizens na na-haggard si Derek at parang ang laki ng itinanda.


Agree rin kami, mas gusto talaga namin 'yung dating hitsura niya na mas hot ang dating.


Kaya say nila, “Hitsura ni Derek naman. 'Di man lang nagsuklay nang maayos o nagpagupit.


Ang ill-fitting pa ng suit.”


“Trueee. Haggard ng hair.”


“Mas bagay kasi sa kanya kalbo, eh!”


“Parang stressed or hindi seryoso, LOL! We all know he could dress better than this.”


“Oiliness face ni Derek.”


“Kung ano'ng ikinaganda ni Ellen, siya namang ikina-haggard ni Derek.”


“Parang tumanda si Derek sa hair niya. Mas bagay kalbo sa kanya.”


“Ang laki ng itinanda ni Derek sa hair transplant niya. Hindi na siya masyadong pogi. Ang gandang bride ni Ellen though.”


Isa pa sa kapansin-pansin ngayon sa mga kasalan, imbes na mag-enjoy ang mga bisita na naka-postura, na pumapalakpak sana sa pagpasok ng wedding entourage at paglalakad ng bride, nakatutok sila sa pagkuha ng photos at videos.


Nakaka-sad lang at nakakawala ng solemnity ng wedding ceremonies, at hindi magandang makita ang ganu'ng background ng ikinakasal na parang mga paparazzi na gustong makipag-unahan sa official photographers at videographers.


Anyway, cheers and best wishes to Derek and Ellen Ramsay, bigyan sana agad kayo ni Lord ng anak!


 
 

ni Rohn Romulo - @Run Wild | November 10, 2021





Nakatutuwa naman na nagsimula na palang mag-shooting si Nadine Lustre para sa comeback film niya sa Viva Films na mula sa direksiyon ni Yam Laranas.


Sa IG post ni Direk Yam, ibinahagi niya ang teaser photos ng bagong pelikula na tiyak na pag-uusapan na naman.


Maraming na-excite sa bagong obra ni Direk Yam na unang pagtatambal nina Nadine at Diego, lalo na ‘yung JaDine fans.


Iba’t iba naman ang naging reaction ng mga netizens sa naturang teaser photos ni Direk Yam, na ang ilan ay tuwang-tuwa talaga at meron namang umalma kung bakit si Diego ang napiling leading man para kay Nadine ng Viva Films na nagse-celebrate ng kanilang 40th anniversary.


Heto ang samu’t saring reaksiyon ng ilang netizens:


“Hustisya kay Nadine. ‘Di sila magka-level ng talent ni Diego.”


“Sure ako na hater ka at ‘di ka talaga concern sa justice for Nadine. Nanghihikayat ka lang ng negative comments.”


“WOW naman, as if bankable star ‘yang idolet mo! Ewan ko nga sa VIVA at hinabol pa ‘yan.


Dapat diyan, ilagay sa isang freezer. Napaka-feeling!”


“‘Di naman naging bankable si Diego like Nadine before pero ghorl, kayang lamunin sa acting ni Diego si Nadine (no hate to Nadz) pero sa totoo lang tayo. Medyo mas magaling naman sa aktingan si Diego diyan.


“Wala pa akong nakikitang acting ni Nadine na kayang manglamon talaga, ‘yung mapapanganga ka sa sobrang galing. So, baka hustisya kay Diego siguro, hehehe.”


“Hustisya? Sinabi n’yo na rin ‘yan nu’ng nilabanan niya Viva, haha! Ayan, sinampal siya ng hustisya. Magbayad siya o i-honor ‘yung contract.”


“Hustisya? ‘Di kaya magaling si Nadine. Natsambahan lang. ‘Yung Never Not Love You???


Naku! Sakit sa bangs ng acting nila ni Jaime. Please!!!”


“I like Nadine pero ‘di talaga siya magaling umarte, medyo kulang sa emosyon. Sana, this time, maipakita niya ‘yung best niya. Hahahahaha! Sorry po.”


“Nadine Lustre won Famas, Gawad Urian, and Young Critic's Circle Best Actress awards for Never Not Love You, and Asian Academy Creative Awards Best Actress award and other noms for Ulan. Sa mga nagsasabing hindi siya marunong umarte, those whose opinions matter disagree with you. She's the Best Actress of her generation.”



“Naalala ko ‘yung movie nila ni James (Reid) ‘yung OFW, nakakahiya, walang sense, sayang oras ko. Ba’t ba pinag-aaksayahan pa ng pera, eh, wala naman talagang talent, huhuhu.”


Ewan lang kung nababasa ba ni Nadine Lustre ang mga reaksiyon ng mga netizens at ano kaya ang nararamdaman niya?

 
 
RECOMMENDED
bottom of page