top of page
Search

ni Rohn Romulo - @Run Wild | December 08, 2021




All-out support talaga si Dingdong Dantes sa kanyang asawang si Marian Rivera na napili para maging miyembro ng Selection Committee sa 70th Miss Universe na gaganapin sa December 12 sa Eilat, Israel.


Alas-onse ng gabi noong December 6 ang naging flight ng Kapuso Primetime Queen at kasama nga niyang umalis ang mister na Kapuso Primetime King. Naglabasan na rin ang mga photos nila mula sa airport hanggang sa loob ng airplane.


Ka-join din siyempre ang kanyang glam team at ilang staff ng management niya sa Triple A. Kaya kaabang-abang ang magiging look niya at isusuot na gowns.


Super proud husband talaga si Dong at ipinagsisigawan niya ito kasabay ng comment niya na si Marian ang kanyang ‘Miss Universe’.


First time mararating ng mag-asawa ang Israel kaya bonding moment na rin nila ito.


Handang-handa naman si Marian at tulad nga ng sinabi niya, ie-express na lang niya ang kanyang nararamdaman sa coronation night na milyun-milyon ang manonood.


'Kaaliw lang ang mga comments ng mga netizens, na sana raw ay maging lucky charm o may dalang suwerte si Marian para manalo ang pambato natin na si Beatrice Luigi Gomez at makalusot sa Top 5, at eventually, makapag-uwi ng korona at hindi maging clapper o TYG (thank you, girl) lang sa naturang beauty contest.


Puna at obserbasyon pa ng mga netizens, bakit daw mas maingay pa at pinag-uusapan ang pagiging hurado ni Marian kesa sa mismong panlaban natin sa Miss Universe?


Well, ipagdasal na lang natin sina Marian at Beatrice na maging safe at maayos ang pagsabak nila sa Miss Universe 2021.


 
 

ni Rohn Romulo - @Run Wild | December 03, 2021




Kakaiba talaga ang gandang Marian Rivera-Dantes na hinahangaan at kinaiinggitan ng marami.


Sa latest IG post ni Marian, litaw na litaw na naman ang beauty niya sa suot na red dress na may caption na "Honored" at may #Grateful, kasama ang crown icon.


Reaction naman ng hubby niyang si Dingdong Dantes, "Miss u..." kasama ng dalawang pampakilig na emojis.


Ang lakas ngang maka-reyna ng dating ni Marian na agree naman ang mga netizens at maging ang mga celebrity friends niya.


Wala na ngang urungan ang pagiging hurado niya sa 70th Miss Universe na gaganapin ang coronation night sa December 12 sa Eliat, Israel.


Usap-usapan na nga na isa si Marian sa mga napiling maging judges sa Miss Universe 2021 at kailangan ngang maaga siyang pumunta ng Israel kasama ang kanyang glam team.


At base nga sa kanyang post na nagsilbing clue, tuloy na tuloy na ito at walang makapipigil sa pag-conquer niya sa universe. Balita rin na handpicked daw talaga si Marian ng organization ng Miss Universe na maging isa sa mga judges, kaya hindi ito nakatanggi.


At kung pagbabasehan naman ang ganda, may sinasabi naman si Marian, na for sure, magsa-shine siya nang husto during the coronation night, na tiyak na aabangan ng mga grupo ng iba’t ibang Marites, pati na kung paano niya ibabato ang katanungan sa kandidatang makakapili sa kanya.


Anyway, kung sa December 5 ang alis nila pa-Israel, hopefully ay mag-abot sila ni GMA Primetime King Dingdong Dantes na mula sa kanyang locked-in taping at quarantine.


At kung magkita man ang mag-asawa, aba, muli na naman silang magkakahiwalay dahil nga sa international stint na ito ni Marian na napakalaking opportunity para sa kanya, na tama lang na hindi niya tinanggihan.


 
 

ni Rohn Romulo - @Run Wild | November 27, 2021





Pagkatapos ng touching Instagram post ni GMA Primetime King Dingdong Dantes para sa unica hija niyang si Zia Dantes na nag-celebrate ng 6th birthday last November 23, may bago na namang handog ang mag-ama sa bago nilang TVC bilang newest ambassadors ng Shopee Philippines.


Sa virtual media launch na ginanap para sa #ShopeePH1212BigChristmasSale na marami na namang pakulo para sa mga online shoppers ngayong December, may secret na sinabi si Daddy Dong tungkol kay Zia.


Sabi ng aktor, “Si Zia, sobrang fan siya ng music ng Shopee. In fact, palagi niyang sinasabi na, ‘Shopee' o 'Salamat, Shopee!’


“'Pag napapanood niya ‘yung kay Jackie Chan na commercial, talagang nag-i-stick sa kanya ‘yun.


“And then, noong nalaman namin na magiging part kami ng Shopee family, sobrang excited ako for her dahil alam kong matutuwa siya.


“Sobra siyang magiging excited, that’s why we first get it as a secret. And slowly, inire-reveal namin sa kanya.


“At nu'ng itinatanong ko sa kanya ang good news, talagang lumaki ang mata niya. So, talagang we were absolutely delighted when we heard the news and we were given a chance to be part of this amazing company that Filipinos love.


“And part of our daily lives, and thanks na rin to the safe, convenience and rewarding shopping experience they provide.”


Dagdag pa ni Dingdong na excited na rin sa kanilang Christmas online shopping, “Zia and I were really excited during the shoot. Kasi bonding namin ang kumanta-kanta at mag-role playing, ako palagi ang kalaro niya.”


Anyway, kinagiliwan nga ng mga netizens at celebrity friends ang punumpuno ng damdamin na letter ni Dong para sa panganay nila ni Marian Rivera-Dantes dahil wala nga siya sa kaarawan ng anak at hanggang ngayon ay nasa locked-in taping pa.


Ipinost ito ni Dingdong sa IG at pinupuri ng mga netizens ang pagiging mabuting ama niya.


Kasama sa heartfelt letter na ginawa ni Dingdong ang jamming nila ni Zia kung saan feel na feel na inawit ng anak ang Can’t Help Falling In Love na pinusuan ng mga netizens at nagpa-wow sa mga celebrities.


“Oh, wow, ang galing naman!” reaction ni Regine Velasquez-Alcasid at may nag-comment na sana mag-collab sina Zia at Nate Alcasid.


Say naman ni Iza Calzado, “Wow! She truly is amazing! Happy Birthday, Zia!!!”


“She’s a STAR!!! Happiest birthday, Zia!!!” comment ni KC Concepcion.


Sabi naman ni Tim Yap, “Awwwwwwww. Kakatunaw naman this, Zia!!!! Happy 6th birthday to you!!!!”


Napa-comment din si Cherry Pie Picache ng, “Galing naman!!! Happy birthday, Zia!!! God’s brightest blessings!!!"


Na-touched din si Moira dela Torre at nag-comment ng, “So priceless!”


Reaction naman ni Maricris Garcia-Cruz, “Aaawwwww, Zia can sing!!! Happy birthday baby girl!!!"


Tuwang-tuwa rin si Jennifer Sevilla, "Wow!! She is extremely talented. She sings and plays music from the heart at that tender age! Happy Birthday beautiful Zia! Bravo! Ang sweet n'yong mag- Daddy.”


Amazed na amazed naman ang co-star ni Dingdong sa A Hard Day na si John Arcilla, “Such amazing rendition. It is coming from the heart…as if she exactly knows the meaning of the song (???) “…wise men say only fools rush in…” The instinct is so awesome…and the diction.


Another BIGGEST STAR in the making. Congratulations Yan @marianrivera and @dongdantes.”


Going back sa bagong endorsement ng mag-ama, ang bongga lang ni Zia dahil meron din siyang TVC kasama si Mommy Yan na patuloy pa ring umeere.


At sa edad ni Zia na anim, marami-rami na siyang mailalagay sa kanyang bank account, dahil sa true lang, marami talaga ang natutuwa sa kanya at effective na endorser tulad ng kanyang parents.


At dahil lumalaki na si Sixto na sobrang cute at bibo rin, kaabang-abang din ang magiging endorsement nito sa mga darating na panahon at tiyak na bongga rin ang mga TVC tulad ng kanyang Ate Z.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page