top of page
Search

ni Rohn Romulo - @Run Wild | April 12, 2021




Mukhang hindi na talaga maitatanggi nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz na tuluyan na silang nagkainlaban.


Sa Twitter post nga ng Kapuso actor na, “Kaka-proud naman powsss hehe the one and only @myJaps” na may photo nila na magkasama, nag-comment si Regine Velasquez-Alcasid.


Say ng Songbird, “Alagaan mo 'yan, ha, special sa amin si Chuli, by the way, parang kailangan nating mag-usap.”


Nag-hello naman si Rayver kay Regine at umoo sa ipinost nito na need nilang mag-usap, sabay sabi ng "God bless po," habang natatawa.


Say naman ng mga Marites…


“Bakit ang jeje ni Rayver? Ano ba 'yan?”


“Ganyan talaga siya, eh, simple lang…”


“Sana sila na magkatuluyan… bagay!”


“Tita Chona, baka may mag-unfollow sa 'yo.”


“Mukhang good intentions naman si Rayver kay Julie! Saka, bagay sila, may chemistry at parehong talented, so goooow!”


May nagtanong na netizens kung guwapo ba si Rayver sa personal at kung good catch para kay Julie Anne.


“SUPER!!!!! Iba dating sa personal.”


“Matangkad siya in person talaga. Guwapo, pero hindi 'yung striking na 'Uy, ang guwapo!'”


“Matangkad, maputi, makinis, maganda ang katawan pero ‘di guwapo, mukasim siya, same ni Janine.”


“Mukhang mabango at magaling sumayaw. Cute naman siya, so why not? Ang gaganda ng mga GFs niya, ah!”


“I saw Rayver in person before and malakas ang appeal niya and guwapo.”


“May appeal si Rayver sa personal. Hindi man nag-uumapaw pero ramdam. Siguro, dahil sa tangkad niya. Sa TV kasi, mukhang so-so lang siya.”


“Sana lang, magtagal... At the end, papalitan ulit ni Rayver 'yan kahit gaano pa kaganda 'yan…”


May isang netizen naman na nagsabi na sayang daw ang college degree ni Julie Anne kung gaya lang ni Rayver ang makukuha niya.


Pero ang nakakalokang comment na halatang basher, “Eeeew! Pambansang Hipon naman si Rayver, lols,” na sinagot ng isa ng, “Eh, ikaw, baks, ano, Pambansang Pusit?”


Pero sa totoo lang, guwapo at yummy si Rayver, at higit sa lahat, mabait siyang tao, na for sure, isa ‘yun sa mga nagustuhan ni Julie Anne.

 
 

ni Rohn Romulo - @Run Wild | December 29, 2021





Inilabaas na ng Viva Films ang official teaser ng horror film na Bahay Na Pula na pinagbibidahan ni Julia Barretto kasama sina Xian Lim at Marco Gumabao.


Mula ito sa award-winning director na si Brillante Mendoza at sa teaser pa lang ay marami na ang nagandahan at ‘yung iba ay natakot, kaya ipinagpabukas na ang panonood dahil baka raw may tumabi sa kanila.


Say ng isang netizen, “Para maging nakakatakot ang movies ngayon, dark vintage effect, tapos gulatan like Insidious.”


Inaasahan naman ng mga viewers na magiging maganda ang bagong obra ni Direk Brillante kung saan magpapakita ng pagiging seductive si Julia sa pagsabak sa mas mature na role, bukod pa sa kanyang ipapakitang pag-arte.


Pansin din ng mga netizens, hataw talaga sa projects si Julia sa Viva, kahit na ano pa'ng paninira o pamba-bash sa kanya.


After na ipalabas ang Bahay Na Pula via streaming next month, may mga naka-line-up pang movies na gagawin si Julia.


Kasama sa aabangan ang team-up nila ni Carlo Aquino sa Expensive Candy na written and directed by Jason Paul Laxamana at The Certifieds kasama sina Ella Cruz, Andrea Babierra, at Awra Briguela.


Sa magagandang proyekto na ibinibigay kay Julia ng kanyang mother studio, mukhang desidido ang Viva Films na patunayan na deserving siya sa titulong “Drama Princess Royalty of the Century” (na unang ginamit last year sa pag-introduce sa kanya sa virtual mediacon ng serye na ‘Di Na Muli na ipinalabas sa TV5).


Hiyang-hiya naman ang young actress sa title, dahil alam niyang malaking pressure ‘yun para sa kanya at kailangang galingan sa bawat role na kanyang gagampanan, lalo pa nga't maraming mapanuring mata na nakabantay sa kanya.


 
 

ni Rohn Romulo - @Run Wild | December 27, 2021





Sa Q&A na ‘Ask Away’ ni Kapuso actress Bea Alonzo sa kanyang Instagram Story, maayos niyang sinagot ang tanong ng isang netizen na, "You’re not getting any younger po, when will you get married and have kids like Marian, Anne, Jennylyn, etc.?"


Pabiro itong sinagot ni Bea ng, "May taxi?!"


Dagdag pa ng girlfriend ni Dominic Roque, "Hindi ako nagmamadali. I’d like to take my time.


It’s not a race after all. I believe we all have our own timeline."


Last August, 2021, inamin nga ni Bea na magkarelasyon na sila ni Dominic. Hindi talaga maitatago ang kanyang kaligayahan, na sa wakas ay natagpuan na niya ang bagong mamahalin at magmamahal sa kanya.


As usual, super react ang mga netizens na ang iba’y na-off sa tanong tungkol nga sa pag-aasawa at pagkakaroon ng anak, na parang ang netizen pa ang inip na inip.


Comments nila:


“Mga tao nga naman, pala-desisyon sa buhay.”

“Patience is where we realize that to rush something is to compromise it to its own destruction.


Maturity is to realize that the most effective way to stop the destruction is by beginning to develop patience. And the first place that we need to do that is with ourselves. - Craig D.

Lounsbrough “So, never let anyone rush you. Don't let anyone control your decisions in life.”


“Patience is a virtue…”


“Ang payo ko sa mga babae na mid-30s, 'wag magmadali. Nakakatakot mapunta sa maling tao.”


“Sukatan ba ng fulfillment at success ang pagkakaroon ng asawa at mga anak? Kelan kaya magbabago ang way of thinking ng mga Pinoy.”


“Maarte ka kasi o kaya 'di pa sure kay Dom."


“Regardless kung maarte siya or hindi pa sure sa current BF niya, WALA KA NANG PAKE DOON. Buhay niya 'yan, so mind your own business.”


“I love Bea Alonzo!!! Never pa ko nakabasa ng article na sumagot si Bea nang rude or may sinagot siyang basher.”


“Hindi mandatory na magpakasal and magkaanak. If a person finds fulfillment sa pagiging single and walang anak, that's their decision to make. Puwede ba 'yung ninakaw na pera ng bayan ang asikasuhin mo instead?”

“Pa'no magpapakasal, meron na bang nagyaya sa kanya? Hahaha!"

“Mga pakialamera, akala mo, sila ang gagastos sa pagpapalaki ng anak.”


“Gusto ko 'yung sagot niya! Pak na pak, original at hindi generic answer. 'Yung tipong hindi mo mababasa sa mga quotes.”


Sagot naman ni Bea sa nagtanong sa gagawing teleserye sa GMA-7, excited na rin siya at ia-announce ito ng kanyang management very, very soon.


Tuloy na rin ang locked-in shooting nila ni Alden Richards sa February at sagot niya ito sa nagtanong sa upcoming movie niya this year.


Reaction ng mga Marites na nagtalu-talo na naman tungkol dito:


“Parang wala nang ibang artista ang GMA kundi si Alden.”


“Umay. Though ok naman siya sa acting. 'Wag na lang pilitin sa EB since 'di siya makasabay sa humor ng JoWaPao and Maine.”


“Wow!!! Totoo ba 'to? Sooooo excited, Queen Bea. Tapos, si John Lloyd, kina Maine at Dennis Trillo naman. Whoaaaaaaa.…”


“Good luck, Bea. Sana, malampasan mo ang success na nakuha mo sa ABS-CBN sa GMA-7.”


“Sus. Paayaw-ayaw pa dati sa locked-in, tapos ending, ganyan din gagawin sa GMA.”


Pagtatanggol naman ng isa, “Wala pang vaccine noon, dai. Gamitin din ang isip. Faney ka lang kasi nu'ng D lister na pa-victim.”



 
 
RECOMMENDED
bottom of page