top of page
Search

ni Rohn Romulo - @Run Wild | July 30, 2022





Last July 27, inilabas nanga ng TV5 ang trailer ng newest sitcom na pangungunahan ni Maja Salvador, na napapanood pa rin sa Eat…Bulaga! bilang isa sa mga co-hosts ng nagse-celebrate today ng kanilang 43rd anniversary, kaya may mga pasabog na aabangan sa kanilang Juan 43.


Sa caption ng IG post ng Kapatid Channel, ipinagmamalaki nila ang cast na bubuo sa Oh My Korona.


"TEKA LAAAANG!

"This cast sa iisang sitcom ay W-O-W!

"Pooh, Kakai Bautista, Christine Samson, Jai Agpangan, Queenay Mercado, Guel Espina, Jessie Salvador, Thou Reyes, RK Bagatsing, Joey Marquez, and Majestic Superstar Maja Salvador!

"Riot na sa #OhMyKoronaTV5 simula ngayong August 6, 7:30 PM! AUGUSTO N'YO YOOON?


P.S. Watch 'til the end!"

Ito ang papalit sa Rolling In It PH ni Yassi Pressman na magtatapos ngayong gabi, at bagong makakatapat ng sitcom ng Kapuso Primetime King and Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera na Jose & Maria's Bonggang Villa, kaya magandang tutukan ang bagong salpukan.


Matatandaan na nakatapat ng DongYan ang sitcom nina Piolo Pascual at Pia Wurtzbach, pero hindi nga ito nagtagal sa ere dahil sa Flower of Evil ni Papa P na kasama si Lovi Poe, na napapanood tuwing Sabado at Linggo.


Anyway, ang dami pa ring haters at bashers ni Maja, na kung saan nilalait ang set ng sitcom dahil hindi raw maganda sa trailer pa lang at todo-react sila sa pagtawag sa kanya bilang 'Majestic Superstar'.


"Majestic Superstar? May kumita na bang movie?"


"Wow Majestic Superstar talaga. Parang ham lang. Kagutom naman hehe."


"Definitely not a superstar besh, not even a star anymore."


"Kelan pa naging superstar si Maja? Nahiya naman ang mga legit A-list like Angelica, Angel and Bea sa kanya, LOL."


"Still may STAR factor pa rin, 'wag inggit," pagtatanggol ng isang netizen.


"At least, may trabaho... 'Yung iba, nganga..." dagdag ng isa pa.


May nanlait din sa looks ni Maja.


"Parang tumanda si Maja."


"Parang nawala ang ningning ni Maja. Sa true lang tayo."


Say pa ng mga netizens tungkol sa sitcom at kung bakit sa EB! lang siya lumalabas at hindi sa GMA-7 show...


"Ang panget ng set, fake na fake! Sana, ibalik na lang nila 'yung Oh, My Dad nina Ian V, Dimples, Sue Ramirez etc. Mas enjoy pa 'yun."


"Ba't 'di siya sa 7? Wit ingay sa 5, eh. Kung 'di rin lang sa 2, sa 7 na lang."


"Kung gusto siya ng 7, eh, di sana, matagal na siyang kinuha. Eat Bulaga! nga lang kumuha sa kanya eh, flop pa."


Dagdag pa ng basher at tagapagtanggol ni Maja, "Ang corny... parang 'di tatagal sa ere. 'Di rin sustainable 'yung plot ng story. Sina Joey and Pooh lang magaling na comedian sa kanila...."


"'Yung kay JLC, corny din naman pero malakas ang hatak sa tao. Ewan ko lang 'tong show ni Maja.

"Napanood mo na ba, ha? Feeling alam, eh, teaser pa lang ang ipinapalabas, humanda ka baka hampasin ka ng ratings!"


In fairness kay Maja, ang taas ng ratings ng Nina, Nino na ilang beses na-extend, and hopefully, mapag-rate rin niya ang sitcom na Oh, My Korona.


 
 

ni Rohn Romulo - @Run Wild | July 29, 2022





May nabasa kaming comment ng mga netizens tungkol sa sinasabing nabuntis daw ni Aljur Abrenica ang girlfriend na si AJ Raval, na sa true lang, nasa peak pa ng kanyang career matapos magpakitang-gilas sa mga Vivamax movies niya.


Opinyon ng mga netizens, baka raw matulad lang ito kay Kylie Padilla, na matapos anakan at pakasalan, sa hiwalayan lang napunta.


Say nila, "Si Kylie nga na mas maganda at isang Padilla, iniwan, eh, siya pa kaya?"


"Buti na lang magaling umarte si Kylie, kahit mommy na, may career pa rin. 'Yang si AJ, wala pang baby, wala nang makuhang matinong role, lalo pa kaya 'pag nagkaanak na. Tapos iiwan pa ni Aljur, iyak talaga 'yan."


"Sayang ang career ni girl, then after manganak iiwan lang ni Aljur, chariz!"


"Aljur, ang KJ mo, Dong. Lahat ng GF na nasa peak ng career, buntisin agad, eh, hindi ka pa naman stable. Hindi na natuto."


In fairness, true naman, dahil magaling talagang umarte si Kylie na maraming pinahahanga bilang Joni sa Bolera na gabi-gabing tinututukan sa GMA Telebabad at puwede pang ulitin sa GTV.


At ang bongga dahil nasa Switzerland ang Kapuso actress para sa shooting ng Unravel ng Mavx Productions. Makakatambal ni Kylie sa movie si Gerald Anderson at ididirek ni RC delos Reyes.


Makikita rin sa kanyang social media posts ang Lake Brienz sa Lucerne, Switzerland na naging location sa Korean romantic drama series na Crash Landing On You nina Hyun Bin at Son Ye-jin, at isa na nga sa fave destinations lalo na ng mga Pinoy na nakakapag-travel sa naturang bansa.



 
 

ni Rohn Romulo - @Run Wild | July 25, 2022





After 24 years, muling na-nominate si Megastar Sharon Cuneta sa FAMAS Awards 2022 sa pagka-Best Actress para sa pelikulang ReVirginized na idinirek ni Darryl Yap. Naging usap-usapan nga ang kakaiba niyang pagganap dito bilang Carmela.


Ang naturang pelikula na ipinalabas noong August 6, 2021 sa Vivamax ang nagsilbing pagbabalik ni Sharon sa Viva Films at naging bahagi ng 40th anniversary niya, and for the first time, nakatambal niya si Marco Gumabao.


Huli siyang na-nominate sa FAMAS noong 1998 para sa Nang Iniwan Mo Ako (1997) kung saan nakatambal niya si Albert Martinez, na muli niyang nakasama sa ReVirginized.


Makakatunggali niya sa Best Actress category sina Charo Santos-Concio (Kun Maupay Man It Panahon), Maja Salvador (Arisaka), Nicole Laurel Asensio (Katips), Rita Daniela (Huling Ulan Sa Tag-Araw), at Janine Gutierrez (Dito at Doon).


Ang first FAMAS Best Actress award ni Sharon ay nakuha niya noong 1985 para sa 1984 film na Dapat Ka Bang Mahalin? with Gabby Concepcion.


Nasundan ito noong 1997 para sa Madrasta (1996) kung saan nakamit naman niya ang kauna-unahang Grand Slam Best Actress.


Samantala, nakatanggap na si Sharon ng kanyang first Best Actress award para sa ReVirginized mula sa GEMS (Guild of Educators, Mentors and Students).


Ngayong July 30 na gaganapin ang awards night ng FAMAS 2022, and for sure, ipinagdarasal ng mga Sharonians na masungkit na ni Sharon ang kanyang ikatlong FAMAS Best Actress trophy.


And hopefully, maka-attend siya, since tapos na ang successful Iconic concert tour nila ni Regine Velasquez-Alcasid sa North America.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page