top of page
Search

ni Rohn Romulo - @Run Wild | August 9, 2022




Si Judy Ann Santos ang napiling gumanap na Elsa sa script-reading ng Himala para sa screenplay book launch ni National Artist for Literature Ricky Lee.


Magaganap ang script-reading ngayong Agosto 9 sa Cinemalaya Film Festival at magkakaroon din ng book signing.


Ayon kay Ricky Lee, "Judy Ann Santos will read the monologue of Elsa from Himala. She will be joined by Dingdong Dantes, Agot Isidro, Gina Alajar and Aicelle Santos."


Babasahin nga nila ang mga excerpts mula sa screenplays ni Ricky Lee sa book launch ng Mga Screenplay ni Ricky Lee Vol 1: Brutal, Moral, Karnal; at Vol 2: Himala, Salome, Cain at Abel.


Inamin naman ni Juday sa kanyang post na labis-labis ang kaba na kanyang nararamdaman.


"Kinakabahan po ako... pero isang karangalan ang maimbitahan na gawin ang obra ng dalawang National Artists... Pagkatawid ko nito... pakiramdam ko... ok na... ok na ok na."


Marami naman ang naniniwala na kayang-kayang maitawid ni Judy Ann ang iconic role ni Elsa na unang binigyang-buhay at pinasikat ng Superstar at National Artist for Cinema na si Ms. Nora Aunor.


Wala namang duda na isa nga siya sa best actresses in her generation. Pero, may ilang netizens din na nagne-nega sa kapasidad niya bilang aktres at say nila:


"Kaya mo 'yan, Juday! Basta HIMALA talaga ang bigkas, hindi HIMELAH."


"She can do it!"


"Go girl... Slay it girl."


"Mahirap tapatan si Nora Aunor. Mata pa lang, punumpuno na ng emosyon."


"Overacting actress!"


"And what is your basis in saying that? Did you watch her movies and teleseryes? I watched almost all her movies and TV series so I know that Judy Ann is perfect as Elsa."


"However, playing naaapi 'yung roles.... palaging pa-victim. NAKAKASAWA."


For sure, maraming Marites ang mag-aabang sa magiging performance ni Judy Ann at kung mabibigyan ba niya ito ng hustisya.


Samantala, ipinost din niya ang art card ng 'Rest In Peace, Cherie Gil' at nilagyan niya ito ng caption na: "Ikaw ang naging basehan sa pagiging kontrabida.. pero sa tunay na buhay.. ikaw ang basehan ng pagiging totoo sa sarili at sa kaibigan. Our industry lost another pillar.


You will never ever be forgotten, Ms. Cherie.


"Rest well in God’s loving arms… no more pain up there for sure.. Here? We give you our never ending gratefulness for sharing your craft and wisdom to all of us."


Pinusuan din ito at umapaw ang pakikidalamhati sa namayapang mahusay na aktres.


 
 

ni Rohn Romulo - @Run Wild | August 7, 2022




Durog na durog ang puso't kaluluwa ni Megastar Sharon Cuneta sa pagpanaw ng isa sa dearest friends niya sa showbiz na si Cherie Gil noong August 5, na matagal na palang lumalaban sa kanyang iniindang karamdaman.


Isang araw lang ito after um-attend ni Sharon sa premiere night ng Easter Sunday na pinagbibidahan ng Fil-Am comedian na si Jokoy, kung saan kasama dapat siya sa cast, pero 'di natuloy dahil sa nag-false positive siya sa COVID-19 kaya pinalitan siya ni Tia Carrere, na na-meet din niya sa event.


Sa IG post ni Sharon, kasama ang photo na kuha sa ospital, hawak ang kamay ni Cherie at labis ang kanyang pagtangis.


Panimula ng mahabang caption ni Mega, "I flew to New York early yesterday with a heavy heart, still forcing it to hang on to that sliver of hope of God performing a miracle & allowing you to pull through this. I am eternally grateful to Him for giving us the few hours we spent together…


the love & words yet again exchanged in person… the knowledge that the friendship forged when we were very young was stronger & would only keep getting so…


"You told me about your tree to heaven outside of your apartment window which I didn’t get to see. We said “I love you” & I said I’d see you again today…& you raised both arms and gave me the thumbs up with both hands."


Pagpapatuloy pa ng kuwento niya, "Then barely eleven hours after I left you, I was awakened by his call saying you had passed… I leave New York now with a much heavier heart than ever before… because now I am leaving YOU with the knowledge that I will NEVER see you again…


"I cannot process it. It seems so unfair. It will never be the same without you. I will never be the same without you. I told you that you had to fight, please, because you couldn’t leave me & that you were my partner, that there is no one like you…You said yes.


"But God took you home, took all your pain away. I will never get to feed you ice chips again.


Or share most everything else with you. Your kids are strong & love you so much. Mike & I won’t have to keep our talks about you a secret anymore like we did while taping our show.


But I don’t know how we would want to.


"I thank God I was with your Dad & Mom & R & all your kids to ‘see you off’ - but I am not happy. My heart is in pieces again & now I dunno how to put it back together anymore-because among the many loved ones I have lost these past few years, you were & always will be one of my most loved…a most important part of my life & my history.


"Of my heart. I love you so very much. It is the end of an era now that you’ve left us… What will I do without you now, Love?


"My true screen partner, a true friend, ninang of Simone…I miss you so terribly & know it will only get worse. Be at peace in God’s loving arms, my Cheech…I’ll see you again someday. I will love you with all my heart, forever. Thank you for everything."


Dumagsa ang pakikidalamhati at pakikiramay sa post ni Sharon at ilan nga sa mga naging comments ng mga netizens….

"Hinintay ka lang niya talaga, this is so painful, my heart is broken for you. Stay strong Mega…."


"Our hearts are in shattered pieces though the demise of our Ms. Cherie. We have lost of the best stars in our industry. But I know Ms. Cherie will be one of the stars we look upon the sky tonight.


Even though we may not see Ms. Cherie anymore, we will see her in our dreams and thoughts.


May God give you Ms. @reallysharoncuneta and the Gil-De Mesa Family the strength and peace with this terrible loss. All of us saddened by the loss of Cherie. But we know Ms. Cherie is now an angel looking down upon us and will protect us from danger."


"Always and forever the Philippines most iconic duo..rest in peace Ms Cherie."


Unang nagkasama sa pelikula sina Sharon at Cherie sa Sa Hirap at Ginhawa at nagkasunud-sunod na sa mga hit movies. Ang iconic nilang pagtatapat sa Bituing Walang Ningning, Kailan Sasabihing Mahal Kita?, Sana'y Wala Nang Wakas kasama si Dina Bonnevie, Kahit Wala Ka Na, Bakit Ikaw Pa Rin? at Ngayon at Kailanman. May special appearance rin si Cherie sa Jack & Jill nina Sharon at Herbert Bautista.


Our sincere and heartfelt condolences sa family ni Ms. Cherie at mahigpit na yakap sa 'yo, Megastar.



 
 

ni Rohn Romulo - @Run Wild | August 3, 2022




Tila may hugot ang IG post ni KC Concepcion sa kanyang pagbisita sa very famous at dream destination lalo na ng mga Pinoy, ang naging location ng Crash Landing On You na matatagpuan sa Lake Brienz, Switzerland.


After nga niyang um-attend sa wedding ng kanyang half-sister na si Cloie Syquia sa Sweden, sa Switzerland dumiretso ang panganay na anak ni Megastar Sharon Cuneta.


Kasama ng short video, nilagyan niya ito ng caption na: "Ang buhay ay sadyang ganyan, umaaraw, umuulan."


Tuwang-tuwa naman ang mga netizens sa mga places na pinuntahan ni KC, pero parang 'yung iba ay nalungkot at nag-wish na sana raw ay makatagpo na siya ng Captain Ri o mag-asawa na siya.


"#CLOY May you find your Captain Ri near the Lake."


"Kumusta na, KC Concepcion, miss you na. Sana, mag-asawa ka na, please?"


"Hopefully, kasama na niya ang future husband niya, katabi na niya ngayon..."


Aliw na aliw na naman ang mga Marites sa pinaggagawa ni KC, na sa true lang, carry naman talaga niyang magpabongga, kahit saan niya gustong mag-travel.


"From Sweden to Switzerland, grabe, ang daming pera talaga ni KC."


"Ang sarap ng buhay ni KC, parang puro travel na lang ginagawa niya sa buhay."


"Suwerte, 'no? May mayamang pamilya, sunod sa luho, nakapagtapos sa ibang bansa, travel-travel kahit hindi kumayod nang bongga. Iba si ate mo, sana all na lang talaga."


"Ang bongga kasi isang buwan na siya d'yan (Sweden-Switzerland combination)."


Paliwanag ng iba pa, "'Pag nasa EU, susulitin mo ang mga kalapit country kasi mostly, by train lang, nasa kabilang ibayo ka na, hehe. Sayang naman 'yung jetlag kung Sweden lang siya pupunta."


"KC is not an ordinary person like you who has no idea how to earn money without working like a carabao. It's called passive income. KC has been financially independent after college.


Siguradong maraming financial and business investments 'yan. And this is something you have no knowledge about."


"Maliit pa lang si KC, ang dami na n'yang endorsement. Oo, mayaman si Mega pero hindi dependent si KC kay Sharon."


"May point ka naman talaga, sabi ni Sharon sa vlog niya, lahat ng kinita ni KC sa endorsement mula baby pa siya, ibinangko ni Sharon, 'yung iba, in-invest sa real estate, 'yung iba, sa mga stocks at nu'ng nasa '20s na si KC, lahat 'yun, ibinigay niya kay KC."


"Favorite apo 'yan ng Mamita niya. Lolo niya, matagal naging mayor ng Pasay. She probably got her inheritance from grandparents and not Sharon."


"I've watched vlogs ni KC kanina. Nu'ng nasa LA siya, nag-hire siya ng driver, ang bongga, tapos she hired Hollywood's stylist. Then, nag-shopping ng expensive clothes para um-attend ng HBO premiere, bumili siya ng furniture for her apartment, tumira ng 8 months sa LA, ang bongga talaga."


Tanong naman ng isang netizen, kung kasama ba si Apl.de.Ap?


At pati 'yung ginamit na quote ni KC sa post ay binigyan ng kahulugan ng ilang netizens.


"She quoted a song of Rivermaya - umaaraw, umuulan. Does she miss Rico Blanco?"


"Oo nga! Si Rico ata ang TOTGA niya," pagsang-ayon naman ng isa pa.


"Siguradong hindi niya iniisip si Rico noong sinabi niya iyon dahil ordinary quote lang naman 'yun ng kahit sino."


And since mukhang matatagalan pa bago mag-asawa si KC at makahanap ng kanyang Captain Ri na maisasama sa famous lake ng Switzerland, may suggestion ang isang Marites.


"Sana all talaga! Marites ako, itodo ko na, sana, i-freeze niya ang eggs niya."


 
 
RECOMMENDED
bottom of page