top of page
Search

ni Rohn Romulo - @Run Wild | August 17, 2022




Kung marami ang na-stress sa black and white photo, may pampa-good vibes naman at pambawi na IG post si Ice Seguerra dahil naisahan na naman niya ang kanyang Nanay Teresita na si Sylvia Sanchez.


Caption niya, "Hi, 'Nay! Tinulugan mo na naman ako, eh...tsk!"


Sagot naman ni Ibyang, "Puny*ta!!! Naisahan mo na naman ako!!! Pinilit kong 'wag makatulog dahil alam kong wawalanghiyain mo na naman ako. Pero paanong hindi ako makatulog, eh, kanta ka nang kanta. May araw ka din!! Tandaan mo 'yan, magagantihan din kita @iceseguerra."


Last week lang ay nakunan din ni Ice si Sylvia na natutulog at ipinost din ang parang mapang-asar na larawan nila.


Kaya nagbanta pa nga ang aktres ng, "Nakaisa ka na naman talaga! May araw ka din.


Maiisahan din kita, hahaha! Bwisit ka 'Nak, hintay ka lang!"


Comment uli ni Ice, "@sylviasanchez_a Ganda naman ng shot ko, eh. Captured 'yung essence mo rito."


Aliw na aliw ang mga netizens na patuloy na nanonood ng rerun ng Be Careful with My Heart sa Kapamilya channel sa kulitan nina Nanay Teresita at Kute (Ibyang at Ice).


Hinahanap tuloy ng madlang pipol kung nasaan si Maya (Jodi Sta. Maria) dahil may kulang.


Sana raw ay magpakita ito at maka-bonding nila sa kulitan at isama na rin si Cho (JM Ibañez, na binatang-binata na ngayon).


Samantala, nag-i-invite rin si Ice sa upcoming concert nila sa Japan...


"Sabay-sabay nating kantahin ang mga kantang nagpaiyak at nagpaibig sa ating (heart icon).


Ice Seguerra LIVE @ Matsudo Civic Hall Matsudo Chiba Japan | SEPTEMBER 11 | SUNDAY.


SOULFULLY YOURS 'A Heartwarming Live Acoustic Concert"

Makakasama ni Ice sina Nyoy Volante, Joey Generoso at may special appearance si Jason Fernandez.

 
 

ni Rohn Romulo - @Run Wild | August 16, 2022




Maraming naaliw sa Facebook post ni Pasig Mayor Vico Sotto last Sunday (August 14) kung saan sinabi niyang sumailalim siya sa isang procedure para sa kanyang tuhod.


Kasama ang dalawang larawan, caption ni Mayor Vico, "Kahapon, sumailalim ako sa procedure na "PRP" o "platelet-rich plasma" sa dalawang tuhod. Kaya bilin ng doktor, bawasan ko muna ang paglalakad hanggang bukas (August 14-15, 2022).


"Kaya magpapaalam lang ako na limitado lang muna ang maa-attend-an kong events hanggang sa Martes.


"Maraming salamat sa napakahusay na sina Doc Gar Eufemio ng Peak Form. Magsa-sampung taon na 'kong nagpapatingin sa kanila..."


Dagdag pa ng eligible bachelor ng Pasig City, "Hindi ko na maalala ang bawat injury ko sa dami pero 'yung sa tuhod talaga ang malaking problema dahil ang sakit maglakad, tapos kulang ang oras ko para magpa-therapy/gym.


"Napaisip nga ako nu'ng International Youth Day nu'ng August 12...33 yrs. old pa lang ako, pang-senior citizen na 'tong tuhod ko. Kailangang alagaan din natin ang ating KALUSUGAN.


"Kaya ito, sa susunod na buwan, HA/lubricant naman (pang-senior na talaga, haha), tapos strengthening program. Malay natin, makapag-back from retirement pagkatapos ng ilang buwan."

Kaya naman ang mga concerned netizens ang nag-alala at nag-send ng kanilang 'get well soon' messages para sa butihing mayor, na 'yung iba ay inakalang ngayon lang siya nagpa-knee surgery.


Paglilinaw naman ni Mayor Vico, "Btw, naalala ko lang, sana po, bago mag-share ng post o mag-get well soon, tingnan muna ang petsa. 'Yung surgery ko nu'ng 2017, every 3 months umaakyat ulit sa feed, tapos may bumabati ng 'Get well soon.' Napapaisip tuloy ako kung napa'no ba 'ko."

Reaction ng kanyang mga beloved followers...


"WORRIED LANG PO, EH. PASENSIYA NA PO. GET WELL PO, MAYOR VICO.


"Worried lang po, Mayor... dumayo kayo dine at malagyan ng santo olio at mahilot 'yang tuhod mo, Mayor, kapag nakirot. Hahaha!"


"At any rate, still take care always, Mayor Vico. The world needs a little humour once in a while. It's good that we have people like you."


May isa namang nag-comment ng, "Babe, magpagaling ka, gagawa pa tayo ng tatlong anak" at "Take care and rest muna, Babe, bubuo pa tayo ng pamilya."


Kaya naman may mga sumagot na, "Umayos ka naman sa pila mo, teh, dami pong nakaabang kay Mayor, pila ka muna sa likod."


"Ay, grabe, umabot pa 'yung kaharutan dito, oh," dagdag pa.


Sabi naman ng ilan pa, "Mag-asawa ka na, Mayor, para may nag-aalaga sa 'yo araw-araw. Message mo lang ko."


Pagbibiro ng isang netizen, "Akala ko, circumcision, Mayor, hahaha!"


In fairness, sinagot naman ito ni Mayor Vico ng, "Ay, natuli na po ako last year."


Say naman ng isa, "Ok lang po sa 'kin, Mayor, kahit hindi ka pa TULI, hahaha! Aalagaan kita..."


At may pumatol pa sa joke, "Hi, Mayor, kaya biglang haba mo...tangkad po pala, last year ka lang naano? Ingatan ang tuhod.. Hahaha! Kasingtangkad mo ang anak ko, sana, eh, makalaro ka raw niya sa basketball. God bless, stay safe po."

Dagdag pa ng mga nagmamahal kay Mayor Vico, "Take good care of yourself, Mayor! Ikaw ang inaasahan namin na maging next president of our country after your term as mayor!


God heals, guides and bless you always!


"The future president, isang matinong civil servant at incorruptible. Sana, dumami pa ang lahi mo, Mayor. Ang katulad mo ang pag-asa ng bayan."


 
 

ni Rohn Romulo - @Run Wild | August 12, 2022




Patuloy na nagluluksa si Megastar Sharon Cuneta sa pagkawala ng kanyang dearest friend na si Cherie Gil, na ngayon pa lang ay miss na miss na niya at damang-dama pa rin ang nararamdamang sakit sa kanyang puso.


Sa kanyang IG, ipinost ni Sharon ang photos niya na kuha sa isang beach, na ramdam na ramdam pa rin ang labis na kalungkutan at caption niya, "Third sunset without you in my world #cheriegil #mylavinia"


Sunod na IG post niya, kasama ang series of photos na hawak-hawak niya ang kamay ni Cherie at hinahalikan...


"I miss you so, so much…Still cannot imagine the coming days, years without you…Too much of this unexpected, unacceptable, inexplicable stabbing pain in my heart…Love you forever and ever and ever and ever…#mycherie #mylavinia #foreverinmyheart"


Kaya, marami pa ring nakikidalamhati kay Sharon, nagdarasal at nagpapakita ng kanilang pagmamahal at pag-alala.


Pero sa kabila ng labis na kalungkutan na pinagdaraanan ngayon ni Sharon, may isa namang nagpasaya sa kanya at ito 'yung muli nilang pagkikita ng kanyang first born and first princess na si KC Concepcion.


Caption ni Mega, "A little HAPPY during days of grieving. @kristinaconcepcion."


Kita sa mga larawan nila ni KC na pilit niyang pinasasaya ang sarili, pero bakas na bakas pa rin talaga sa mukha niya ang kalungkutan at mahirap maitago sa isang taong labis na nagluluksa.

Ikinatuwa naman ito ng mga netizens na finally, natuloy na ang muling pagkikita ng mag-ina sa Amerika. May nag-comment pa nga na para lang daw silang magkapatid, dahil siguro mas slim na ngayon si Sharon, kaya bumata ang hitsura.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page