top of page
Search

ni Rohn Romulo - @Run Wild | August 25, 2022




Siguro naman ay matitigil na ang kumalat na tsismis na buntis daw ang Kapuso actress at bida ng sport-serye na Bolera na si Kylie Padilla.


Sa panayam nga ni Nelson Canlas sa Chika Minute, nilinaw ni Kylie na wala itong katotohanan, ganu'n din ang pinagdududahang relasyon nila ni Gerald Anderson, na co-star niya sa Unravel na kinunan para sa Switzerland at kababalik nga lang niya ng bansa.


“Magkaibigan lang po kami ni Gerald. Yes, super professional lang po ang relationship namin. Nothing else," diin niya.


Inamin ni Kylie na nakaramdam siya ng pagkainis dahil ang dami talagang gumawa ng 'fake news' na naka-post nga sa kani-kanilang YT channel at Tiktok. Naba-bother daw siya dahil baka may maniwala sa kumalat na isyu sa pagitan nila ni Gerald.


Naniniwala naman ang mga netizens sa naging pahayag ni Kylie. 'Di naman siya 'yung tipo ng babae na desperada para sa lalaki, lalo na 'yung may karelasyon na, kaya safe na safe sa kanya si Gerald na BF ni Julia Barretto.


Inamin din naman niya na may idine-date na siya bago pa sila nag-shoot ng movie ni Gerald sa ibang bansa.


 
 

ni Rohn Romulo - @Run Wild | August 21, 2022




Magtatapos na ba ang sitcom nina Kapuso Primetime King & Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera na Jose & Maria Bonggang Villa sa August 27?


Ipinakita na kasi ang timeslot ng Running Man PH na eere na simula sa September 3, Sabado at 7:15 PM (na timeslot ng sitcom ng mag-asawa) at sa September 4, Sunday at 7:50 PM (na sa timeslot naman ng Daig Kayo ng Lola Ko).


Kunsabagay, pang-16th episodes na nila sa Saturday, dahil nagsimula silang umere noong May 14, kaya may bonus episodes na sila. Usually, 13 episodes lang ang isang season.


Nakakalungkot lang kung magtatapos na sila dahil alam naming nakabuo na sila ng isang masayang pamilya at marami rin ang nag-e-enjoy na panoorin ang kanilang sitcom tuwing Sabado nang gabi, at mataas naman ang ratings at 'di nga umubra ang mga katapat na sitcoms at reality shows.


O baka naman ilipat na lang sila sa mas late na timeslot at puwede namang pahinga na lang muna at babalik din para sa Season 2 after ng much-awaited reality-game show on Philippine TV na Running Man PH na nakaka-excite ring panoorin dahil kinunan ang kabuuan nito sa South Korea.


Nagtanong kami sa taga-GMA, pero wala pa silang maibigay na sagot.


 
 

ni Rohn Romulo - @Run Wild | August 19, 2022




Bukod sa kilalang fashion icon ang aktres na si Heart Evangelista, pinangangatawanan talaga niya ang pagiging 'artist'. Inaabangan ng mga art lovers and collectors ang kanyang latest creations.


Sa kanyang Instagram post, may bago na namang pasabog si Heart, ang kanyang first-ever hand-painted toy collectibles.


Caption niya, "LoveMarie x @secretfreshgallery My first ever Art Toy release, a collectible set of 12 figures - each hand painted - will be released in a limited run of only 50 sets. Each set comes with a personalized message for me (a surprise actually) 28 August 2022 Secret Fresh Gallery."


Ang hand-painted resin figures ay ire-release in a limited run of 50 sets sa August 28, kung saan makikita rin ang kanyang mga paintings sa naturang gallery.


Ayon sa owner ng Secret Fresh Gallery na si Bigboy Cheng, ini-expect nilang maso-sold-out ang toy collectibles ni Heart after na i-announce ito last Sunday.


Ang bawat set ay may kasamang wooden box at 'yung one-of-a-kind personal message ni Heart at nagkakahalaga nga ito ng P200,000.


Kaya kung maibebenta lahat ang 50 sets, katumbas lang naman ito ng P10 million pesos.


Bali-balitang higit na sa kalahati ang naibebenta at marami pang nag-i-inquire rito sa atin at sa ibang bansa.


Kaya comment ng mga netizens at followers ni Heart na hangang-hanga at talagang napa-wow na naman… "Those art pieces, so unique and so beautiful! Congratulations @iamhearte"

"Congrats!! May art toy na!!"


"OMG! Would love to have one of your paintings."


"OMG! How can I purchase?? I'm in USA."


"OMG! Heart, this is incredible — I want one of your paintings too."


"Congrats, Heart! Love your toy art collection! Hanggang tingin at hangad na lang ako."


"You're so good in your artworks!...Congratulations to your new collections...."


Suggestion pa nila, "@iamhearte Can you do Toy Art with all your outfits, mga Fashion Week in Europe, that would be fantastic!"


"If ever she'll come out with that, I'll sure get the one she's wearing the famous "binalatang suman" by Cheetah Rivera.. Kidding aside, that black and green skirt, she looked amazing in that outfit."


"Kahit dressing dolls from local or international designers, I bet she can! She has a lot of sources, bibili talaga ako."



At para sa mga Marites na nagpakalat ng tsismis kina Heart at Sen. Chiz Escudero, say ng netizen, "Mga Marites, oh, ito na ang sagot sa mga tanong-chismis n'yo... Now we know why Ongpauco and Escudero have been removed from Ms. Heart's profile name.. Good luck Ms. Heart sa bagong venture mo..."


Makikita nga sa pasilip na video sa kanyang toy collectibles ang isa-isang pagsusulat ni Heart ng personal message na kasama sa bawat set. Nandu'n din ang mag-asawang Julius at Christine Babao, na isa sa mga unang bumili ng limited artwork ng aktres.


Comment ni Christine, "So exciting!! Congratulations Hearty! Proud to be one of the 50 owners of your limited series. And thank you, for personalizing the special dedication for me and @juliusbabao"


Congrats, Heart!!!


 
 
RECOMMENDED
bottom of page