top of page
Search

ni Rohn Romulo - @Run Wild | August 30, 2022




Takang-taka naman ang mga Marites sa look ni Sofia Andres base sa mga photos na ipinost sa kanyang Instagram at sa account din ni Maja Salvador kung saan na-meet nila si George Clooney at ibang Hollywood celebs na kuha sa Switzerland, kung saan ginanap ang Omega Crans Montana Golf Competition.


Pinagdiskitahan talaga si Sofia at ikinumpara kay Maja na fresh tingnan kaya litaw na litaw din ang ganda.


"My ghad, anyare sa hitsura ni Sofia sa second pic? Ano'ng ginawa mo, girl, ang ganda-ganda mo na sana, eh?"


"Ilabas n'yo si Sofia Andres, 'di siya 'yan!"


"Sofia, kung ang aesthetics mo na gusto mong i-achieve is maging madam na mayaman, go!


Nakaka-bother lang kasi you're so young before."


"Ilang taon na ba si Sofia?? Bakit ang matured yata niyang tingnan. Is it just the lighting or 'yan na talaga siya?"


"Nagiging plastic doll na si Sofia, my ghad. Don't tell me idol niya si Donatella Versace? Chos!"


"Masyado nang nasobrahan sa filler si Sofia."


"Ano'ng nangyari sa face ni Sofia Andres? Mukha siyang tumanda. Ang fresh-fresh niya dati.


Parehas sila ng labi ni Kylie, biglang naging pout. Parang over na."


"Ang cheap tingnan nu'ng damit ni Sofia, not a hater observation lang (peace emoji)"


"That necklace may be Dior but it looks so tacky the way she's wearing it. Hindi match 'yung hair, dress, makeup and accessories niya. They're all too much on their own tapos pinagsabay-sabay niya pa lahat. Hindi niya keri kaya nagmukha siyang mashonda."


Kaya komento pa nila, "Ang pretty ni Maja. Ano ba'ng nangyayari rito kay Sofia at mukha na siyang tita ni Maja? Ang pretty niya before, eh."


"Totoo, mas young looking pa at fresh si Maja kesa kay Sofia."


"Suwerte rin naman ni Maja sa future mom-in-law niya, eh. PR ba naman ng Omega, expect to see her more in future Omega events."


 
 

ni Rohn Romulo - @Run Wild | August 29, 2022




Super happy and proud at halos maiyak si Moira dela Torre sa kanyang IG post kung saan kinunan ng larawan ang billboard niya sa Times Square, New York City at personal niya itong nasaksihan.


Caption ng singer-composer, "Unreal... we made it to Times Square. I love you @spotify!!!"


Proud nga ang Star Music sa achievement na ito ni Moira at maraming netizens ang napa-wow at nag-congratulate sa kanya.


Sey ng mga followers niya, "Congratulations Moi!!! Well deserved!!! Love you forever, lovely!"


"CONGRATULATIONS AND SUPER DASURV QUEEN MOIRA, WE LOVE YOU FOREVER!!!”


"BEYOND PROUD OF YOU, QUEEN!!!!!


"SLAY QUEEN!!!! Nakaka-proud ka!"


Kung marami nga ang natuwa sa ipinost ni Moira, hindi naman nagpahuli ang mga bashers, dahil binasag nila ang kaligayahan ng singer at ng kanyang mga followers.


Komento ng mga bashers, "Jusme, ‘yung post, akala mo siya lang ang fineature ng Spotify.


Maraming female artists sa billboard na ‘yan.”


"Hahahahaha! Naha-hype pa kayo d’yan?"


"I’m sorry but as you can see, mga don't care ang mga foreigners sa hindi nila kalahi."


"Lahat yata ng artists sa ‘Pinas, may ganyan. Nothing new and dapat lang na i-promote si Moira ng Spotify ‘noh, kasi consistent siya na most streamed artist here.


"Gulat na lang ng mga taga-NY. Sino ba ‘yang nasa billboard, wit namin kilala.”


"Hahaha! ‘Di naman lahat. ‘Yung mga Asia’s something, parang hindi pa. Anyway, not a big deal."


"Nauna pa nga si Maris (Racal) d’yan. Si Moira, ngayon lang?"


"Baka antukin ang mga nakakakita niyan. Masyadong hype nito."


Dagdag pa ng ayaw magpahuling mga Marites… "Hindi naman sa ano, pero if you frequently pass by TS, you’d know maraming personalities ang napi-feature d’yan, targeted at specific demographics. Some are who’s who, others the who?"


"Magiging masaya naman siguro tayo kung magkaka-billboard tayo, ‘di ba?


"On the other note, it’s kinda cliche na kasi. Nu’ng una, masaya pang makitang may billboard sila d’yan, pero if pretty much everyone meron na, parang it’s common na lang."


"This is like a billboard in EDSA na walang paki ang mga tao ‘pag ‘di naman kilala kung sino ang nasa billboard."


 
 

ni Rohn Romulo - @Run Wild | August 26, 2022




'Katuwa naman ang identical IG post ng Kapuso hot couple na sina Bianca Umali at Ruru Madrid kung saan achieved na achieved na ibinalandra nila ang kanilang kaseksihan sa black and white photo.


Ang ganda ng caption ni Bianca na, "Very much in love is what it is. (red heart emoji)" at ang kay Ruru naman na halatang para sa mga bashers nila, "No hate just love. (red heart emoji)"


Nag-comment nga ang mga netizens sa sobrang kaseksihan ng Kapuso actress at ang suwerte raw ni Ruru.


"Ang sexy ni Bianca. Pansin ko lang, malaki pala ang paa niya."


"Grabe 'tong si Bianca, oo, maganda na abs niya pero ang vulgar lagi ng pinagsusuot, at okay lang ba 'yan sa mga INC?"


"Kaya nga I remember her IG, bikini photo, as in kitang-kita ang singit, close-up pa."


"Grabe ang sexy ni Umali! Kasuwerte ni Ruru, lol! Ano kaya'ng nagustuhan niya kay Ruru, eh, pangalan pa lang, pang-baby boy na. Truly, sa ganyang face and body, she can do so much better!"


"Grabe, in love na in love si girl. Nag-change pa ng religion for the guy. Sana lang, worth it at 'di siya lokohin in the end."


Sumunod na pinagdiskitahan ng mga Marites ang bagay na kapansin-pansin sa bida ng Lolong sa naturang picture nila ni Bianca.


"Bawal mag-zoom-in, guys."


"Sorry na-zoom-in ko, 'yun talaga ang unang napansin, eh."


"Panahon na ba ng santol?"


"Dakila pala si Ruru."


Pero may mga bitter pa rin at hindi pa rin tanggap ang relasyong Ruru-Bianca, kaya comment nila...


"Maghihiwalay din 'yan, HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA."


"I vote always to Kylie Padilla and Ruru Madrid, KyRu always and forever."


"Tapos na 'yang KyRu, RuCa na."


Pagtatanggol naman ng kanilang mga followers, "Stay strong and in love… never mind the basher."


"Parang ang gaan-gaan ng samahan n'yong dalawa. Stay in love."


"Your happiness and peace of mind matters, not the opinion of others, as long as you have a clear and honest mind, everything positive will follow."


In fairness, bagay na bagay naman talaga sina Ruru at Bianca, at kitang-kita na in love na in love sa isa't isa, kaya bakit mayroon pa ring hindi maka-move on na naging couple sila?


 
 
RECOMMENDED
bottom of page