top of page
Search

ni Rohn Romulo - @Run Wild | September 6, 2022




Napa-wow si Sharon Cuneta sa IG post ng isang pop artist from Cebu na si @bastinuod kung saan nilagyan ng 'Darna' effect ang cover photo niya sa isang magazine, kaya nagmukha siyang 'queen' ng mga Darna sa ginawang pop art.


May caption ito na: "It's Darna season. And I'm Lazy. #DarnaSeries."


Ini-repost ni Mega ang pop art para magpasalamat, at nilagyan niya ito ng caption na: "Darn!


Darn, Darna! So honored you thought of still associating me with her. So grateful. Thank you so much!"


Super react naman ang mga followers, na dahil sa IG post na ito, nagka-idea tuloy sila at nagtanong kung puwedeng mag-cameo si Sharon sa Darna TV series ni Jane de Leon.


May naisip sila na puwedeng lumabas si Sharon sa back story bilang Queen sa Marte.


Oh well, lahat naman ay posible, lalo na sa fantaserye, kaya tulad ng paglabas niya sa FPJ's Ang Probinsyano, kalampagin na lang nila ang Dreamscape Entertainment. Malay natin, may makaisip na gawing guests ang mga dati nang nag-Darna, hindi lang si Sharon kundi pati ang tulad ni Lorna Tolentino na nag-Darna rin.


Comment ng isang fan, "Hope you’ll be part of Darna just like you were a part of FPJAP. I miss you watching on TV, Ma! Love you!"


May isa namang netizen ang nag-comment at nag-suggest, "Glamorosa beauty!


Requesting glam team of Ms. Shawie. Pls. dress her up in a dress for a change, no more loose pants. Pls. style her like a diva Megastar."


Samantala, kuwelang-kuwela naman ang pag-impersonate ni Turing Quinto kay Sharon sa pinag-uusapang Drag Race Philippines hosted by Paolo Ballesteros, na kahit si Regine Velasquez na guest judge ay aliw na aliw din.


'Yun nga lang, kahit gayang-gaya niya, nakulangan pa rin ang ibang hurado. Sana raw ay mas exaggerated pa ang ginawa niya para mas nakakatawa.


Bagama't maganda naman ang pearl gown na inirampa, nakatikim siya ng panlalait, dahil nagmukha raw itong pang-ninang sa kasal, hindi pang-Drag Queen, kaya ang ending, siya ang na-"sashay away" o natsugi sa competition.


Tanong ng netizen, nakapanood na kaya nito si Sharon? Ano kaya ang magiging reaction niya 'pag nakita niya ang impersonation sa kanya ni Turing na isang plus size diva?


 
 

ni Rohn Romulo - @Run Wild | September 1, 2022




Nagpasalamat si Mariel Rodriguez-Padilla kina Toni Gonzaga at Karla Estrada na kung saan nag-dine-in sila sa isang steakhouse.


Sa IG post, kasama ang mga photos, may caption ito ng: "Thaaaaaank you soo much for a wonderful evening @celestinegonzaga and @karlaestrada1121"


Nag-react naman ang mga netizens at followers sa pagkikita ng tatlo at feeling and wish talaga nila na magkaroon sila ng talk show.


"Feeling ko, sila magiging host sa new show ng new Channel 2."


"Talk show na aabangan 'yan."


"New show sana para masaya."


"Good idea. I-AMBS na 'yan!"

"AMBS morning talk show."


"Silang 3 sa isang morning show is nakaka-excite."


"Wow, sana magkaroon kayo ng show. Mga artista ni #BBM."


"BBM Girls."


May nakapansin naman na wala talaga si Bianca Gonzales at si Karla na ang pumalit.


"Ligwak na si Bianca sa friendship. Chareng!"


"Si Karla na ang papalit kay Bianca. Hahahahaha!"


"Sabi na, eh, 'di talaga nila trip si Bianca. Ok lang, Biancs, you’re a cut above them intellectually."


"Waiting for Bianca’s comment. Lol!"


 
 

ni Rohn Romulo - @Run Wild | August 31, 2022




Viral ang IG post ni Darren Espanto kung saan kuha ang series of photos sa isang beach sa Nasugbu, Batangas.


Sa unang larawan, may pa-thirst trap si Darren at proud sa kanyang shirtless body kung saan sumisilip ang kanyang abs, na for sure, may nag-zoom din sa pagpapatakam niya.


In fairness, puwede na talagang pagnasaan ngayon ang magandang abs ni Darren.


Pero ang kinakiligan ng mga followers ay ang huling photo na sa suot niyang sunglasses, ang makikita sa reflection ay si Cassy Legaspi.


"Throwin’ out the shade for a little bit of sunshine," caption pa niya sa kanyang IG post.

Sa IG account naman ni Cassy, nag-post din ito ng naging reflection niya sa sunglasses ni Darren at may caption na, "In the moment."


Nag-react naman si Ria Atayde na kaibigan ni Darren at nagtanong na, "You’re at the beach?!!!?!"


Pero wala pa itong nakuhang sagot, kaya ang mga followers na lang ang nag-comment.


"Lagot, 'di mo niyaya si Ate Ria mo, Darren... Ang alam niya, 'di ka mahilig sa beach.. hehe..


Joke lang."


"@ria Gusto na raw niyang mag-beach ngayon. Naiba na."


"'Di mahilig sa beach, tapos biglang may beach post with a ****friend... Lagot ka, D!"


"Sabi nga ni D 'yan na ayaw niya raw mag-beach. Nakadepende pala sa kung sino ang kasama niya. May exception to the rule."

"Mahilig na siya ngayon, Madam. Kasama niya kasi si baby loves niya."


Tanong ng isang netizen, "Saan makabili ng ganyang shades sa last pic?"


"Sa Legaspi raw po?"


"'Yan din po ang tanong namin. @darrenespanto pa-send ng link, D!"


"'Yung shades na may kasamang jowa? Or 'yung shades na makikita mo 'yung mahal mo."


"SHEEET NAKAKAKILIG 'YUNG LAST PICCC."


"Mapapa-'Only love can hurt like this' ka na lang talaga sa last pic, haha."


Komento pa ng ibang followers ng singer...


"I'm happy for you, Darren... Natutuwa ako na nakakapag-post ka na ng mga ganito. Binata na talaga."

"Baka naman may video kayo d'yan ni Cass, ilabas n'yo na rin @darrenespanto @cassy Baka may video kayo na nagdye-jetski."


Obserbasyon pa ng iba sa katapangan ni Darren sa kanyang ipinost... "'Yung strict parents ni Cassandra pero napapayag mo silang mag-beach kasama ka."


"Darren tumatapang Espanto yern, team CassRen magbunyiiii."


"Sobrang saya ko talaga na makita ko kayong magkasama, alagaan mo si @Cassy love you both so much."


"So happy na 'di ka na nahihiyang mag-post ng mga ganyan.. Saka 'yung pag-flex mo kay cassy....@darrenespanto."


Nang matanong si Darren kung ano ba ang relasyon nila ni Cassy, sumagot naman ito na very close lang talaga sila dahil mag-best friends, they aren't taking anything serious pa naman, kahit maraming nagdududa.


Say naman ng mga netizens, "Kahit 'wag n'yo nang aminin, let’s say assuming na lang ako na kayo na, HAHAHAHAHAHAHAH."


Anyway, marami ang masaya para sa kanila at naniniwala na bagay sila at mukhang 'di naman tutol ang parents nila.


Maging si Zoren Legaspi ay may post na ipinasilip na nagde-date ang anak na si Cassy at si Darren.


Mukhang ayaw din nilang magpakabog kina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara na nag-uumapaw ang ka-sweet-an.


Say pa ng mga Marites... "Puro kayo love life, mga bagets, aral muna, hahaha! Pakialamerang Marites lang po, hahahaha."


"Mga nag-aaral naman ba mga 'yan?"


"Young love."


"Love it. Parang K (Kim Chiu) and X (Xian Lim) lang."


"She is very safe with him."


"Young love. What a time to be alive. Enjoy it while you can. Just be responsible and always be safe!"


 
 
RECOMMENDED
bottom of page