top of page
Search

ni Rohn Romulo - @Run Wild | September 16, 2022




Grabe ang pagkapoot ng ilang netizens at napamura talaga sa tweet nang mapasama ang Pinoy Big Brother winner na si Anji Salvacion sa mga "champion" singers na nag-perform sa ASAP Natin 'To.


Sabi ng isang tweet sa Twitter, "HINDI SINGING CHAMPION 'YANG STARLET NA SI ANJI SALVACION. ANG LALA NA NG FAVORITISM N'YO. KAYA 'DI KAYO NAGRE-RATE, INA N'YO" at naka-tag ang @ASAPOfficial.


Nag-umpisa nga ito sa ipinost na "Ultimate vocal pasiklaban with Kapamilya singing champions!"


kung saan kasama si Anji sa mga champions na sina Erik Santos at Jed Madela.


Kasama si Anji sa unang lumabas with Jed, JM Yosures at Elha Nympha, na for sure, lalong nagpainit sa mga bashers.


Next batch sina Janine Berdin (na ibang-iba na talaga ang hitsura), Kris Lawrence, Klarisse de Guzman at Reiven Umali, na future balladeer talaga.


Si Erik ang nag-lead ng last batch kasama sina Kyla, Laine, Jason Dy at Frenchie Dy, na halimaw pa rin sa pagkanta.


But in fairness, binigyan naman ng moment si Anji na makipagbiritan sa mga champions.


Kaya reaction ng mga Marites...


"Kelan pa naging singing champion si Anji? Please explain."


"BAKIT IPINIPILIT N'YO SI ANJI??? Ang daming MAS magagaling d'yan na LEGIT CHAMPION.


Kung 'di pa nag-PBB 'yan at umiyak-iyak, nagdrama, hindi kakaawaan at mananalo. PINOY BIG BROTHER IS NOT & WILL NEVER BE A SINGING COMPETITION."


"Did Anji won Idol Phils.? 'Di ba hindi? Ba't siya 'andiyan?"


"Singing champion ang usapan, hindi champion sa iyakan na walang luha."


Say naman ng mga followers ni Anji, "Aysha!!! Ang daming butthurt kay Anjiiing ko! Soooo proud of you, Anj! Continue to shine, babe. Don’t mind those peeps that mentally pulling you down.


Basta be thankful sa mga opportunities. Do your best, ok? I love you, Anj."


"Thank you, ASAP for including Anji in the line-up. I am reminded again of how IdolPh made way for Anji to become a celebrity. Being in a singing contest was her ticket to where she is now."



 
 

ni Rohn Romulo - @Run Wild | September 15, 2022




Hindi nakaligtas sa mapanuri at pihikang panlasa ng sikat na international Broadway diva na si Ms. Lea Salonga ang cover version nina Jake Zyrus at Cheesa ng kantang Glimpse of Us ni Joji.


Komento ng multiple award-winning actress and singer sa kanyang Twitter post kasama ang video ng song, "Such monstrous talent, and what a gorgeous cover! @jakezyrus @CheesyFbaby."


Sa Instagram post ni Lea, inilagay niya sa ilalim ng video nina Jake na, "NAKAKAINIS SA GALING!!!"


Say naman ng mga netizens, "Jake x Cheesa. Mga Behhhh, masyado n'yo pong ginalingan.


Mapanakit na 'yung kanta + emotion + amazing vocals. PERFECTTT!!!"


"Jake, we love what you do, what you did and what you'll do. Your soul shines as much as your voice. Amazing song!"


"Jake Zyrus and Cheesa, that is the most amazing interpretation and cover of my favorite song.


Glimpse of Us by Joji. Do you know Jake that minutes ago I was thinking of somebody so dear to me and then boom, you sent me this song. I was crying drops of tears earlier and now I am crying gallon of tears."


"Undeniably, Jake Zyrus is one of the best singers internationally. He's like a savant in a very good way 'coz he never messes up a single note, ever. He is the best!"


Sa sikat na entertainment blog naman, nagtalu-talo ang mga Marites at comments nila...


"World-class talent naman talaga si Charice. Sayang lang 'di accepted ng karamihan ang bagong tunog at new image niya."


"Si Charice ang world-class. Si Jake, hindi. Fact!"


"Maybe if he stayed in the US, malayo na siguro ang narating ng career niya. At mas accepted pa siguro ang transition niya."


"Magaling pa rin siya but sounds generic na, AMININ. 'Yung Charice voice niya ang nagpasikat sa kanya."


"Agree, 100%. Magaling pa rin naman si Jake pero generic na ang boses."


Opinyon pa ng ibang netizens na nanghihinayang pa rin hanggang ngayon sa boses niya noong Charice pa si Jake, "Iba pa rin si Charice. Pero mukha namang masaya si Jake, so be it. Pero miss ko pa rin si Charice."


"I miss Charice's voice, 'yung kapal ng boses niya, saka high notes."


"Kung dati, Celine Dion boses niya, ngayon, Rico J. Puno na."


Totoo nga naman, dahil nag-take siya ng hormonal pills, kaya panlalaki na pati singing voice niya. 'Di tulad ni Ice Seguerra na buong-buo pa rin at klaro ang boses.


Kaya for sure, marami na naman ang mai-in love kay Ice sa first major solo concert niya after 10 years, ang Becoming Ice: The 35th Anniversary Concert.


Ito rin ang first major concert niya na gamit na ang Ice Seguerra. Gaganapin ito sa The Theater at Solaire sa October 15.


 
 

ni Rohn Romulo - @Run Wild | September 12, 2022




Looking forward na ang social media star na si Zeinab Harake na ma-meet ang GMA Primetime Queen na si Marian Rivera-Rivera na matagal na niyang hinahangaan.


Aminado naman si Zeinab na halos mangisay siya sa tuwa nang i-follow siya ni Marian, na matagal na pala niyang itina-tag. Nakapagsalita pa nga siya na puwede nang mamatay.


At dahil nagpa-follow na sila sa isa't isa, naka-chat na niya si Marian at soon nga raw ay magkikita rin sila nang personal.


Willing din siyang mag-extra kung sakaling may gagawing movie ang magandang ina nina Zia at Sixto, kahit taga-punas lang ang eksena.


Una na niyang na-meet si Dingdong Dantes nang mag-guest sila sa Family Feud.


Say ni Zeinab sa interview, "Sobrang bait ni Sir Dong at sobrang bango. Sabi ko nga sa kanya, 'DongYan lover po ako.'


"Ang guwapo talaga, lahat kami, parang napanganga, sobrang bagay talaga sila. Ako talaga 'yung number one supporter nila noon, naging notebook ko pa sila."


Dream niyang makipag-collab sa mag-asawa, pero wala pa siyang maisip kung ano'ng magandang challenge.


Samantala, type rin niyang maka-collab ang crush pa rin ng bayan na si Papa Piolo Pascual sa mala-24-hour challenge na naka-handcuff sila.


Aba, hindi naman imposibleng mangyari 'yun dahil pare-pareho silang sikat na endorsers ng Beautederm.


Samantala, sa patuloy na selebrasyon ng ika-13 na anibersaryo ng Beautéderm Corporation, pormal nang ipinakilala si Zeinab Harake bilang brand ambassador ng oral care products nito gaya ng Koreisu Family Toothpaste, Koreisu Whitening Toothpaste, Etré Clair Refreshing Mouthwash at Etré Clair Mouth Spray.


With over 50 million followers across such platforms gaya ng Facebook, Instagram, TikTok, Twitter, at YouTube, isa si Zeinab sa pinaka-influential na personalidad sa social media dahil sa kanyang mga lifestyle vlogs at challenge videos na talaga namang paboritong-paborito ng mga netizens 'di lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo na rin.


Isang stellar addition si Zeinab sa constellation of stars ng Beautéderm na patuloy na isinusulong ang mga kamangha-manghang produkto ng brand na kinabibilangan ng mga skin care essentials, health boosters, home fragrances, iba’t-ibang klase ng mga sabon, at marami pang iba.


“Lumalaki na talaga ang Beautéderm family natin at ang saya-saya,” sabi ng Beautéderm president and CEO na si Rhea Anicoche-Tan kung saan ini-launch na rin si Beauty Gonzalez bilang newest face ng BeautéHaus, at makakasama niya sa pag-e-endorse ang aktor na si JC Santos.


“Sinasalubong namin si Zeinab sa aming pamilya at welcome na welcome addition siya sa pagkalat namin ng mensahe ng pagmamahal ng Beautéderm sa kanyang 50 million fans online. I am so grateful for the love and support of all my ambassadors who remained loyal to Beautéderm after all these years and I am excited to be with our new ambassadors and have an exciting adventure with them in the years to come.”


Samantala, kahapon ang grand opening ng BEAUTéDERM Ayala Mall Cloverleaf kung saan first time nagsama ang social media stars at brand ambassadors na sina Jelai Andres at Zeinab Harake, kaya naman dinumog ng kanilang social media fans.


First time ring magsama sa isang mall event sina Ruru Madrid at Bianca Umali. Ka-join din sa event sina JC Santos, DJ ChaCha at Boobay with special guest Buboy Villar.


At sa mga naka-purchase ng P1,000 worth of BEAUTéDERM products, nagkaroon sila ng exclusive MEET and GREET pass after the event.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page