top of page
Search

ni Rohn Romulo - @Run Wild | November 1, 2022




Nakalulungkot na napasama ang Korean actor na si Lee Ji Han na dating contestant sa Produce 101 Season 2 sa 153 namatay sa Halloween tragedy sa Itaewon last weekend.


Kinumpirma nga ito ng agency ng aktor na 935 Entertainment noong October 30, “It’s true that Lee Ji Han passed away due to the accident in Itaewon on October 29.”


Ayon pa sa representative, “We also hoped that it wasn’t true, and we were very shocked to hear the news. The family is suffering immense grief right now, so we are being very cautious.


May he rest in peace.”


Ang balita ng pagpanaw ni Lee Ji Han ay unang nakarating sa publiko dahil sa Instagram post ng mga castmates mula sa Produce 101 Season 2 na sina Park Hee Seok, Kim Do Hyun at Cho Jin Hyung.


Si Lee Ji Han ay unang pumasok sa spotlight bilang contestant sa Produce 101 Season 2 ng Mnet noong 2017. Nag-debut ang 24-year-old bilang isang aktor sa web drama na Today Was Another Nam Hyun Day noong 2019.


Bumuhos nga ang pakikiramay sa pamilya at mga kaibigan ni Lee Ji Han. May he rest in peace.


 
 

ni Rohn Romulo - @Run Wild | October 26, 2022




Pinatulan at hindi talaga pinalampas ni Anne Curtis ang nakakaaliw na litanya ni Phenomenal Unkabogable Star Vice Ganda noong Lunes sa kanyang Twitter account, kung saan sinagot nito ang paratang ng isang netizen na siguro raw ay nag-aaway ang mga It's Showtime hosts kaya dalawang linggo nang wala sa noontime show ang komedyante.


Isa nga sa mga naging pasabog na post ni Vice na kinaaliwan ng mga netizens ang nakatutuwang pag-amin niya ng, “TOTOONG MAGKAAWAY KAMI NI ANNE. Matagal na 'tong alitan na 'to na 'di naayos. It’s been 13 yrs. na 'di ma-resolve ang issue kung sino sa 'min ang chaka.


"And last week nga ay umabot na sa sampalan. Nalunok niya ang kamay ko at till now, 'di ko pa nababawi. I hate Anne for life!”


Nauna nang nilinaw ni Vice na naging abala siya sa shooting ng upcoming Metro Manila Film Festival (MMFF) entry niya kasama si Ivana Alawi, ang Partners in Crime.


Kaya marami ang naaliw sa pagpatol at pagresbak ni Anne, “Ikaw talaga. Sa edad mong 57, ulyanin na, ha? Hindi kamay nalunok ko, paa. Paa na may bakal. Pero ok lang 'yun, sez!


May 3 ka pa namang natitira.”


Mukhang pasok na pasok nga ito sa mga netizens dahil nakakaaliw talaga ang mga kalokohan nina Vice at Anne, na palaging nag-aaway sa kanilang social media accounts.


In na in nga ito ngayon dahil ilang araw na ring trending ang salpukan ng mga vloggers dahil sa mga rebelasyon nina Wilbert Tolentino at Zeinab Harake, kung saan marami talagang nadamay at napuyat noong Linggo nang gabi.


 
 

ni Rohn Romulo - @Run Wild | October 22, 2022




Winner ang former Miss International na si Kylie Verzosa dahil siya lang naman ang tatanggap ng Philippine's Actress of the Year award sa DIAFA Awards in Dubai.


Dahil ito sa kakaiba at mahusay niyang pagganap sa Philippine adaptation ng 2010 South Korean hit thriller na The Housemaid.


Inaasahan na dadalo si Kylie sa kanilang award ceremony at rarampa sa kanilang red carpet sa Nobyembre 4 sa Dubai Creek Harbour Marina, United Arab Emirates.


Sabi sa announcement ng naturang award-giving body, “Announcing one of this year’s honorees, Actress and beauty queen Kylie Verzosa will grace the DIAFA Red Carpet and Awards Ceremony and receive her #DIAFA Award for her outstanding role in #TheHousemaid live November 04 from Dubai.”


Ang Vivamax nga ang nag-produce ng Philippine adaptation ng acclaimed South Korean film na idinirek ni Roman Perez, Jr. na ipinalabas noong 2021. Kasama sa movie sina Albert Martinez, Jaclyn Jose, Louise delos Reyes at Alma Moreno.

Of course, tuwang-tuwa si Kylie dahil hindi nasayang ang pagpapa-sexy niya sa pelikula dahil na-prove niya na marunong siyang umarte.


Actually, sa mga nagawa niya sa Vivamax, pansin talaga na lumilitaw ang pagiging aktres niya, na ayon sa mga interviews niya, 'yun talaga ang goal niya, kahit kailangan niyang magpa-sexy.


Gusto rin namin ang My Husband, My Lover na idinirek ni Mac Alejandre kung saan nagtagisan sila ni Cindy Miranda na isa pang beauty queen na sumabak din sa pagpapa-sexy tulad niya.


For sure, kung sila pa ni Jake Cuenca, proud na proud din ito sa latest achievement ni Kylie, dahil isa nga ang actor sa mga nag-push sa pagsabak ni Kylie sa pag-aartista.

Congrats, Kylie!


 
 
RECOMMENDED
bottom of page