top of page
Search

ni Rohn Romulo - @Run Wild | November 19, 2022




Sa mga photos na ipinost ni Maine Mendoza sa kanilang pamamasyal ni Cong. Arjo Atayde sa Paris, Francis, ang rollercoaster photo ang labis na kinaaliwan ng mga netizens.


Natural na natural naman kasi ang reaksiyon ng premyadong aktor, na talagang mapapasigaw ka sa takot at excitement, habang ang girlfriend na si Maine ay parang pasok na pasok sa 'NRC' o 'no reaction challenge' at chill na chill lang, na parang walang nararamdaman.


Kaya bet na bet nila ang naturang photo na ipinost din ni Maine sa kanyang IG Stories at may nakalagay pang "Labyu Cong @arjoatayde," na parang ayaw i-share ni Arjo dahil akala niya ay para sa kanilang dalawa lang 'yun, pero nag-"I love you more" naman siya.


At 'yun na nga, mukhang magba-viral ang photo dahil pinagpipiyestahan na naman and for sure, meron na namang hindi matutuwa.


Anyway, sa series of photos, bet namin 'yung nasa likod nila ang Arch de Triomphe at Louve Pyramid na parehong landmarks sa Paris. Napuntahan na namin ito at sobra talagang 'magical' ang experience lalo kung kasama mo ang pinakamamahal mo.


Ramdam na ramdam talaga nina Arjo at Maine ang 'lovers in Paris'.


Well, as usual, tiyak na marami na namang magre-react lalo na 'yung mga AlDub fans na ayaw pa ring magising sa katotohanan.


Kaya say ng mga Marites...


"Iyak na naman ang AlDub Nation niteyyy."


"Cong. talaga. Ginawang status symbol na lang."


"Oo nga, pangit naman CONG na ang tawag niya!!!"


"Sasabihin na naman ng mga lola: edited."


"Haha! Sana all 'di bothered like Maine."


"Proud talaga siya sa boyfriend niyang congressman. Ang sweet!!! Ikaw nagpapanalo d'yan."


"Baka sabihin ng mga delulu fans, eh, she is being held against her will dahil sa facial expression niya."


"Gasgas na 'yung ganyan! Haha, SCRIPTED!"


Makikita nga sa IG ni Maine ang sandamakmak na photos nila ni Arjo habang namamasyal sa France. Meron din siyang inilabas na solo kung saan nairampa niya ang kanyang mga bonggang OOTD.


Kaya nakakaloka na sa kabila nito, may mga AlDub fans pa ring ayaw maniwala na talagang mag-BF sina Arjo at Maine.


Ano pa ba ang gusto nilang resibo?


 
 

ni Rohn Romulo - @Run Wild | November 17, 2022




Inamin ng award-winning actor na si Elijah Canlas na ang online horror movie na Livescream sa direksiyon ni Perci Intalan ang pinakamahirap na pelikula na ginawa niya.


Pinaghandaan daw niya ito bago mag-shoot ng movie. Nag-workout muna siya para batak ang katawan dahil maraming eksenang halos hubo't hubad siya, kung saan kasama rin si MMFF Best Supporting Actress Phoebe Walker (Seklusyon) at ang new actress na si Katrina Dovey.


May special appearance pala sa movie ang girlfriend niyang si Miles Ocampo, kaya alam nito ang ginawa ni Elijah na butt exposure sa pelikula dahil nagpaalam naman ang aktor. Wala namang naging violent reaction ang girlfriend.


Pero ang nakakalokang pag-amin ni Elijah, mas gusto raw niya na magkaroon ng frontal nudity dahil nai-insecure siya sa birthmark sa kanyang puwit.


Say nga niya sa isang interview, "Madalas sa shoot, napapansin ng mga direktor. Akala nila, dumi, kaya medyo naging insecure na ako sa birthmarks ever and ito, itinatago ko nga ito."


Sa hindi pa nakakapanood, you may stream Livescream on demand sa Vivamax Plus.


 
 

ni Rohn Romulo - @Run Wild | November 13, 2022




Kalat na kalat na nga sa social media ang bali-balitang hindi na matutuloy sa November 19 ang coronation night ng Miss Planet International 2022 na gaganapin sa Speke Resort, Kampala, Uganda.


Lumabas na nagkakaroon talaga ng problema ang organizer ng MPI kaya hindi na napigilang mag-post sa kani-kanilang social media account sina Miss Planet Czech Republic Tamila Sparrow at Miss Planet Jamaica Tonille Watkis, na labis ang pagkadismaya sa ganapan sa naturang beauty pageant, dahil sa tingin nila ay na-scam sila sa pag-cancel nito, kahit na may statement sa @planet_mpi, na wala pa raw official confirmation mula sa organization na hindi na ito matutuloy.


Maging ang manager ng ating pambatong si Miss Planet Philippines Herlene Budol na si Wilbert Tolentino ay nag-post na rin ng kanyang saloobin.



At sa latest Facebook post ni Wilbert ay tuluyan na niyang tinanggal sa kompetisyon ang kanyang alaga.


Post niya na humihingi rin ng paumanhin lalo na sa mga supporters ni Herlene, "Due to uncertainties by the organizers, I have decided to withdraw Herlene Hipon Budol from the competition despite numerous attempt to fix some pageants debacles. It seems like the Ugandan Government has no initiative to intervene.


"We apologize to the supporters, who were rooting for since day one. To the team, sponsors, and designers. Thank you and I am sorry.


"Thank you to the Filipino community in Uganda for the comfort and well wishes."


Inamin din ng manager/vlogger, "For me, as MPP National Director, I am very hurt, not only we lost a crown, lost of money, lost of effort; but lost of time.


"But we will never lose hope, because we have bright future back home awaits.


"This is indeed a traumatic experience for all of us, but we fought for it until the end. And that is our mission."


Ilang oras bago ito ipinost ni Wilbert, nagbigay muna siya ng mga detalye sa mga nakita niyang kaganapan sa Uganda.


Sa kanya pa ring Facebook post, “Sa mga concern netizens at mga nagtatanong ng UPDATE sa MISS PLANET INTERNATIONAL kung totoo bang cancelled ang event, eto ang kuwento...


"Lagpas kalahati ang hindi nakapasok sa Africa dahil wala silang Yellow Vaccine fever at ang sponsors ng organisasyon tulad ng Speke Resort, Kampala na matitirahan ng delegates ay nag-back-out dahil sa issues ng Ebola Virus.


“Nagkaroon sila ng PLAN B at inilagay nila sa Zara Gardens ang delegates kahapon. Subalit 'di pa naka-settle ang nasabing hotel kaya need mag-checkout uli ang mga candidates.


“So, kani-kanyang diskarte muna sa pagkuha ng kanilang matitirahan sa Airbnb at 'di naman natin masisi, sari-saring emosyon ang bawat kandidata, epekto sa hindi maayos ang sistema at hindi nakakain sa tamang oras ang mga kandidata.


“May apat hanggang anim na nag-withdraw dahil mauubusan ng budget kung tumagal pa sila sa Uganda."


Pagpapatuloy pa ng kuwento niya, “First time nag-host ng international pageant ang bansang Uganda kaya hindi naka-align sa original plan ang calendar activities.


“Ang CEO ng MPI ay darating sa November 12. Wait na lang po natin ang official statement mula sa organisasyon but rest assured, we are all safe, buong Team Philippines.


"Hindi man maganda ang experience na naranasan namin dito but we are proud to say that we are survivors in our own way.


“Tumuloy man o hindi ang pageant, in good faith tayo lumaban at pinaghandaan. We will keep you posted as soon as we have an additional information. Thank you!”


Wala pang post at hindi nagbibigay ng kanyang statement si Herlene tungkol sa naunsiyami niyang pagsali sa international beauty pageant, na sinasabi pa naman na malakas ang laban niya at bet na bet siyang makapag-uwi ng korona.


Mabilis ngang nakarating sa Pilipinas ang balitang parang 'nabudol' si Herlene, na alam naming dugo't pawis na ang ipinuhunan niya at ng buong team mapaghandaan lang ang naturang competition na ang ending ay mauuwi lang pala sa wala.


Marami talagang nanghihinayang, pero sabi nga nila at naniniwala rin kami na baka naman may ibang big plans si Lord para kay Herlene. Ang importante ay makauwi sila nang safe sa bansa at 'yun ang ipagdasal natin.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page