top of page
Search

ni Rohn Romulo @Run Wild | October 15, 2023



Hindi na nga magpapaawat ang tinaguriang King of P-Pop na SB19 dahil kabi-kabila ang kaganapan sa kanilang singing career.


Ipinost ng Sony Music PH sa kanilang IG account ang panawagan na, "A'TIN!!!! Mag-ingay!!!! @officialsb19's GENTO is an approved entry to the GRAMMYs. "Share until it gets to the voting members of the Recording Academy before Oct. 20."



Ibang level na ito 'pag nakapasok sila sa category na Best Pop Duo/Group Performance dahil matindi ang maglalaban-laban dito.


Samantala, may more than 30 million views sa YouTube ng phenomenal hit song nila na Gento na isinasayaw kahit ng mga foreign artists sa buong mundo.


Ang naturang music video ay may mahigit 562,000 likes na sa YouTube simula nang ma-upload ito noong May 19, 2023.


Meron na rin silang podcast, ang Atin Atin Lang at sa October 28, 7 PM sa Araneta Coliseum ay isang fan meet ang magaganap, ang ONE ZONE bilang celebration ng kanilang fifth anniversary.


Bukod dito, may isa pang ipinagbubunyi ang A'TIN dahil ang SB19 ang napiling maging solo cover ng nagbabalik na Billboard Philippines.


May pasilip na nga sa Instagram account ng music magazine sina Pablo, Josh, Stell, Ken at Justin na very fashionable sa kanilang red suit.


Samantala, may isa pang solo cover para sa Volume 1 ng Billboard PH na for sure, ikinatuwa rin ng mga tagahanga naman ni Asia's Songbird Regine Velasquez.


Sa kanilang social media post, makikita ang naturang cover at may caption na: "She continues to make history — a truly timeless OPM artist. Asia's Songbird, Regine Velasquez-Alcasid, also graces the debut issue of Billboard Philippines with her exclusive solo cover.


"Let's be a part of history. Go to SariSari.shopping to reserve a copy now."


Ini-repost din ito ni Regine sa kanyang social media accounts na pinusuan din ng mga netizens.


For sure, marami na ang nag-advance order ng dalawang covers ng Billboard PH.


 
 

ni Rohn Romulo @Run Wild | October 14, 2023



Hindi pa nga maka-get-over si Megastar Sharon Cuneta sa magagandang sinabi ng kanyang labis na hinahangaan na si Ms. Jessica Soho, na masasabing isa ring Sharonian.


Sa IG post ni Sharon, sinabi nito na, "Hanggang ngayon, 'di pa rin ako maka-get-over sa mga sinabi ni Ms. Jessica Soho sa akin sa YouTube channel ko.


"Iba kung ang isa sa pinakatinitingala at inirerespeto mo ang nagsalita tungkol sa pagkakakilala niya sa 'yo thru the years. Thank you so much again, dearest Ms. Jessica!


"Much love to you and God bless you always. Your fan forever, Sharon. (three red hearts) #kmjs @km_jessica_soho "


After nga ng magkahiwalay nilang interview ni Gabby Concepcion sa Kapuso Mo, Jessica Soho na ipinalabas last Sunday, mapapanood naman ngayon sa YT channel ni Mega ang maikling interview nila kay Jessica, kung saan nagbahagi ang multi-awarded journalist ng tungkol sa mga encounter niya kay Sharon.


Caption niya sa YT post na may title na I-KMJS mo 'Yan, MEGA!, "I was interviewed recently by someone I truly look up to...the one-and-only Ms. Jessica Soho and her team for Kapuso Mo, Jessica Soho on GMA. It's been over 2 decades since I sat down with her but as soon as we started talking, it just felt like catching up with an old friend.


"Thank you so much, KMJS and thank YOU, Jessica! I truly admire and respect you so much.


You are one of my biggest idols in this industry. Thank you for your true friendship throughout all these years."


Tuwang-tuwa nga si Jessica kay Sharon sa kanilang interview at papuri pa nito, hindi raw ito nagbago.


Say ni Jessica, "Tuwang-tuwa ako na binuksan niya ang puso niya. Alam ko naman what Sharon is like, dahil makailang beses ko na siyang nai-interview.


"Pero natutuwa ako na hindi siya nagbago."


Kinilig daw siya sa muli nilang pagtatagpo ni Sharon pagkaraan ng maraming taon.


Kuwento pa ni Ms. Jessica, "Sharon, we patterned our lives after you. Ikaw ang template namin.


"Alam mo, tandang-tanda ko pa 'yung first time na makita ko si Sharon na upclose. Naglalakad siya roon sa hallway sa GMA, paalis na siya. Tapos binati ko siya, 'Hi Sharon!'"


Tapos, sabi raw ni Sharon, kung puwede itong maki-CR at pinapasok naman niya at ipinagmalaking malinis ang CR niya sa News Department.


Dagdag pa niya, "Si Sharon, napapanood ko sa TV. Sabi ko, ang ganda naman niya, kumakanta ng Mr. DJ.


"Naalala ko noon, after GMA Supershow ba 'yun... This was one time na sabi niya, 'Hi, Dad, thank you for having the pool cleaned.'"


Gulat na gulat daw sila sa sinabing 'yun ni Sharon, na 'di talaga niya malimutan hanggang ngayon.


"Sabi ko, 'Wow, may swimming pool sila.'


"Eh, I'm from La Union, small town, buong lugar yata namin, isa lang may swimming pool.


"So, parang unthinkable sa amin na si Sharon Cuneta, may swimming pool. Isa 'yun sa pinag-uusapan namin sa school at ng mga kaibigan ko.


"So, that was how I admired Sharon from afar. Halos magka-age kami, mas bata lang si Sharon (two years ang agwat nila)."


May kuwento rin siya noong time na na-bash si Sharon, na sobrang nakaka-relate siya, kaya nag-reach out siya through text or call at sinabing lakasan ang loob at malalampasan din ang pagsubok na 'yun tulad ng nangyari sa kanya.


Mapusong sabi pa ni Jessica, "Hindi siya nagbago. 'Yung core niya, 'yun pa rin at napakabait. Napaka-pure ng puso, 'yung parang sa bata.


"I suspect na may maliit na bata, who lives inside of Sharon Cuneta. She has remained child like all these years.


"So, tama ang inyong idolo because I sincerely and honestly believe that she is a good person.


"Hindi siya nagbago, despite her fame, despite who she is. Despite kung nasaan siya ngayon.


"Siya pa rin 'yung Sharon Cuneta na nakilala natin publicly and even I think privately, ganu'n siya talaga."


Samantala, two weeks to go na lang at matutunghayan na ang Dear Heart: The Concert nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion sa Oct. 27 sa SM MOA Arena.


May magandang balita naman si Sharon, dahil soldout na ang SVIP (18,500) at VIP (14,500) tickets, nagdagdag pa sila para sa gustong humabol at naghahanap.


 
 

ni Rohn Romulo @Run Wild | October 11, 2023



Nakaka-touch ang latest IG post ni Megastar Sharon Cuneta tungkol sa anak nila ni Gabby Concepcion na si KC Concepcion.


Kasama ng old and cute letter ni KC, marami ang naka-relate sa kanyang ipinost, kung saan minsan pa, ay ipinaramdam ni Sharon kung gaano niya kamahal ang pinakaunang anak.


Panimula ni Mega, "I have kept most, if not all of KC’s letters to me when she was small. I hope she was able to somehow keep all of mine too.

"We have moved houses so many times that I wouldn’t be surprised if lots of them got lost."


"Anyway — my baby is never a second away from my heart, my thoughts… I miss her terribly.


She’s all grown-up now… but the images of her as a little girl are so deeply etched in my brain and will stay there until I take my last breath.


"I hope you are doing well, Cucai, Tuttut, Tutti, Toot, Kaycee-waysie," dagdag pa niya.


Paniniguro pa ni Sharon, "Mama loves you very much. Always and forever. Unconditionally.


Whatever happens. Remember that always. @kristinaconcepcion"


Ilan sa mga naging komento ng mga netizens...


"Nothing and no one else will ever replace the love of a mother!"

"You are a kind of mom that everyone was praying for."


"A mother's love, walang makakatumbas na sinuman. You are a great mom Mami Sha."


"My daughters are the same way. They write me letters and I keep all of them. It warms my heart every time I read them. My kids are still little. They’re 8 and 10 and I enjoy them so much.


Cherishing every moment."


"Mother's love is always the best kind of love."


"So sweet kakaiyak..."


Samantala, sinigurado naman ni KC na hindi siya mawawala sa upcoming Dear Heart: The Reunion Concert ng kanyang Mama Sharon at Papa Gabby.


"I wouldn’t miss this for the world. See you there."


Magaganap ito sa October 27, 2023 sa SM MOA Arena at 7 PM.


At kaabang-abang nga ang magiging participation ni KC sa most anticipated grand reunion nina Sharon at Gabby.


Ia-announce pa kung sinu-sino ang special guests na tiyak na magdaragdag sa inaasahang star-studded event.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page