top of page
Search

ni Rohn Romulo @Run Wild | January 7, 2024




Forever grateful pa rin si Kim Chiu dahil maraming magagandang nangyari sa 2023, sa kabila ng isang malungkot na kabanata ng buhay niya, dahil nag-end na ang love story nila ni Xian Lim, na nag-last ng almost 12 years.


Sa pagsisimula ng bagong taon, nag-post nga si Kim sa kanyang Instagram account ng positibong mensahe.  


Kalakip nito ang series of photos, at kasama rin ang mga close friends na sina Bela Padilla at Angelica Panganiban, na naka-tag din sa naturang post.


May caption ito na: "DAY 1 of 2024!


"Start of a new year, new chapter to open, new beginnings and new new. Kung ano man yun. Lets go! Special shout out to my momsys for giving me the best core memory ever! Love you both so much! Momsy bely shots at 12nn be like @bela @iamangelicap

"Cheers to #2024! #Chiurista #ootdksyc."


Kasunod nito ang pinag-uusapang video post niya noong January 4 na pinupuri rin ng mga netizens.


Simula ng caption niya, "My 2023 recap! (kasama ang fast reverse button emoji)

"So many things can happen in a year, and 2023 was an example for me. 365 days of emotions, up, side, down. It was an intense year of personal growth. It tested my faith and a lot of learnings, wins and losses," pagpapatuloy niya.


"I couldn’t gather all my emotions, which felt overwhelming—so many sentimental moments, breakdowns, and breakthroughs. I am thankful for all the amazing people I worked with, perfectly amazing people surrounding me as well and met/gained new friends. I am grateful for all the trust and opportunities given to me. I am thankful for the highs and also grateful for the lows. 


"Life comes by surprise, and it’s up to you how you walk through it. Life is a test, and all I know is you have to keep walking and moving forward. Stop for a while, cherish every moment, and think about what was. To everyone who supported me along the way, please know that I am deeply thankful, and I appreciate each one of you."


Dagdag pa ni Kim, "Plus, I am thankful that in 2023, I was a noona (DreamMaker) to my dream chaser babies, getting you into the colorful existence of Melanie Dela Cruz (FitCheck) and entering the dark world of Juliana Lualhati (Linlang) plus a glimpse of the charming life of Secretary KIM (What’s Wrong with Secretary Kim).


"I am forever grateful. #2023, you are differently amazing. #2024, please be more amazing!"


Marami naman ang nag-react na netizens at karamihan sa kanila ay pinupuri si Kim, dahil isinama pa rin niya ang dating boyfriend na si Xian Lim sa naturang video post.


"Awww buti pa si Kimmy, isinama pa rin si Xian sa recap niya. Samantalang si Xian, feeling ‘di na naging part sa buhay niya si Kim. Happy New Year, Kimmy, keep looking forward."


"I'm proud of you, Kim. Hala, salamat dahil part nga si Xian ng 2023 mo, may picture kayo together, kilig naman ako du’n. Sana sa 2024 at many years pa, maging parte pa rin siya ng buhay mo, baka sakali."


"Such a beautiful strong woman! You should be proud of yourself! Because we are all your fans."


"Looking forward for more #worryfree moments with the honeybears this 2024 with you @chinitaprincess."


"Kim has long moved on kaya isinama pa niya si X. I love her maturity. Past is past na. 2024 na tayo, wala na ‘yan sa next recap."


"Ibang klase rin talaga ang nag-iisang Kim Chiu, very mature na, huhu, proud of you to the point na puwede naman niyang hindi na isali si Xian pero isinali niya pa rin kasi talagang in-acknowledge pa rin niya na he's still part of past na kanyang tsine-cherish.


Love you Ate Kim Chiu, sana this 2024, mahanap mo ‘yung happiness na deserve mo."

 

 
 

ni Rohn Romulo @Run Wild | October 30, 2023



Super mega successful nga ang makasaysayang reunion concert nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion na ginanap sa SM MOA Arena last Friday (Oct. 27), kung saan nagkaroon ng special participation ang kanilang only daughter na si KC Concepcion.


Isa nga sa mga inabangan ng kanilang mga fans na dumagsa sa naturang concert ay ang pakikipag-duet ni KC sa kanyang mga magulang, at magkakasama silang tatlo sa isang stage.


Ikinuwento nga nina Sharon at Gabby na bukod sa mga supporters nila, isa talaga si KC sa mga natuwa sa pagsasama nila pagkalipas ng ilang dekada.


Sinundo ni Gabby si KC na nasa harapan ng VVIP section para mag-join sa kanila ni Sharon matapos nilang mag-duet sa kantang Dear Heart.


Para sa amin, ito talaga ang pinaka-highlight ng Dear Heart: The Concert at sobrang nakaka-touch ang pag-aalay ni Sharon sa anak ng awiting Ikaw.


Say ni Mega, “I have a song for KC, you (Gabby) have a song for KC. Usually this song is a love song for weddings, for someone you love. Tonight, I will sing it for my eldest daughter."


Pagdidiin pa niya, "I have four children. I do not have three. I have four.


“The first child to come and make me feel like a mother was this not-so-little girl beside me. She made my life complete."


Dagdag pa niya, na nagiging emosyonal na, "And if there’s anything that I regret…”


Pinutol siya ni KC at sabay sabing, “Tigilan n’yo ‘yan,” na nakatingin din sa kanyang Papa Gabby.


Pagpapatuloy ni Sharon, “Sorry, KC, we couldn’t give you that complete family. But you have two families that love you. But Papa and I, we never stopped loving you. You were never the problem.”


At nagsabihan sila ng “I love you.”


Hirit naman ni Gabby na nakamasid lang sa nagaganap, “Okay na kayo, ha? Alam n’yo ho, makita ko lang silang okay, okay na ako. I’m happy.”


Pinunasan naman ni Gabby ang luha ni Sharon kaya sigawan at palakpakan ang audience. Nag-thank you naman siya sa ginawa ng dating asawa.


Kaya nasambit na lang ni KC na, “Grabe, para naman akong nasa isang panaginip.”


Ramdam na ramdam namin ang bawat lyrics ng Ikaw habang kinakanta ito ni Sharon sa harap ni KC, kaya sobrang nakaka-touch sa simula pa lang. For sure, marami ang pumatak ang mga luha habang pinapanood sila.


At sa kalagitnaan ng ng kanta ay hindi na napigilan na maiyak ni Sharon. Sinalo na siya ni KC sa pagkanta, at natapos naman nila ang kanilang duet.


Nagbiro pa si KC ng, “Teka lang, moment ko ito. My gosh! Ang sarap n’yong makita together sa isang stage.”


Ang ganda rin ng song na pinili nilang kantahin ni Gabby for KC, ang You Are the Sunshine of My Life kung saan naki-jamming rin si Sharon, matapos na maging kampante na siya sa kanyang pag-iyak.


 
 

ni Rohn Romulo @Run Wild | October 16, 2023



Hindi nga kinaya ni Megastar Sharon Cuneta ang unexpected and unforgettable moment kaya naiyak siya sa sobrang tuwa matapos ma-meet ang idolong si Taemin na member ng sikat na South Korean boy band na SHINee.


Kasama ang 30-year-old singer-actor-dancer sa South Korean acts na bahagi ng K-Magic Live concert na ginanap sa Mall of Asia Arena sa Pasay City noong October 13, 2023.


Hindi na nahiya si Sharon na i-post ang larawan niya na nakaupo o nakasalampak sa sahig, nakayuko habang umiiyak sa labis na kaligayahan.


Caption pa ni Mega, "After meeting Taemin. Sige magtawa kayo!!! (three crying emojis). 'Di ko kinakaya itoooooo!!! So unexpected!!! I didn’t even make a request but God was watching me!!!"


Dagdag pa niya, "In two weeks ako naman sa MOA ngeeeee!!! (three crying emojis). Thank you so much Taeminssi! You are so nice and humble and more handsome in person!


"Like I promised, I will always pray for you! God bless."


Kitang-kita talaga na super proud si Sharon sa kanyang series of IG posts sa pagkikita nila ni Taemin, na ayon sa kanya ay, "I will never forget this night!!!"


Kahit na marami na naman ang nang-bash sa kanya at hindi maintindihan ang sobrang pagiging fan girl niya sa K-pop idol.


Mapapanood din sa IG account niya ang video na kuha sa backstage, kung saan nakausap, nakamayan at nakapagpakuha siya ng litrato kasama si Taemin.


Kaya masayang sabi ni Sharon, “YES!!! I met Taemin. Oh. My. Gosh. Thank you, Jesus! Naiyak ako.”


Nakakatuwa naman ang reaction ng mga netizens at followers sa mga posts ni Sharon, dahil natupad ang dream niya...


"A dream come true for a true Shawol."


"What a beautiful moment?"


"Ay, wowww, dream come true for u, Mega, Enjoy!"


"Omggg I am so happy for you! Idols colliding like this is just magic! You look so happy! Forever a fan of you Sharon and of course all of Shinee!"


"GRABE!!! You touch him!!! So kilig and happy for you Mama!"


"Fangirl mode si Mega! SUPER HAPPY FOR U MAMA."


"Ang kyutttt ni Mega fan gurlll na fan gurlll parang kami lang sa 'yo. Sobrang nakakaiyak talaga at nakakakaba kaya I feel Tita Shawie huhu.."


"I’m so happy for her.. parang nanalo sa lotto na paulit-ulit ang pakiramdam ng ganyan kasi that’s what I felt that day until now. Hahahahahahah."


Komento pa ng mga netizens, kung alam lang daw ng Korean pop idol na ang nag-iisang Megastar ng 'Pinas ang kausap niya at hangang-hanga sa kanya...


"If these Korean stars only knew that their fan is THE MEGASTAR..."


"I don't know who the guy is but he must be amazing for our Megastar to be a fan of his."


"Whew!! Kung alam lang ni Taemin kung sino 'yung kaharap niya. He's very lucky, MEGASTAR naman, fan na fan siya."


"Grabe!!! I'm so happy for you Ms. Shawie!!! :) Pero ano kaya ang feeling ni Taemin na isang Megastar 'yung fan niya? Hahahaha!"


"Ang suwerte naman niya, nahawakan niya kamay ng isang Megastar."


Last May, 2022 naman nang nakita rin ni Sharon ang isa pang member ng SHINee na si Key sa Begin Again: KPOP Edition concert na ginanap sa Araneta Coliseum sa Quezon City.


Anyway, bago ang naturang K-pop concert, inamin ni Sharon na masama ang pakiramdam niya at sobrang stressed, malamang dahil na rin sa paiba-ibang panahon at sa preparation niya sa kanilang concert ni Gabby Concepcion sa Oct. 27.


Pero hindi nga siya puwedeng mawala sa naturang concert na matagal na hinintay, at say pa niya, "I’ve waited so long for this! I sooo need this tonight. Thank you for coming, Taeminnie @shineetaemin in Manila! Coming, our baby cheese!"

Last Oct. 14, nag-post naman ng pasasalamat si Sharon sa Gabay Guro event, kung saan isa siya sa mga guests.


In fairness, walang kapaguran si Sharon, at fresh na fresh ang latest photo niya.


Pero after that event, siguro naman, magpapahinga na siya, lalo na ang kanyang voice, para naman walang maging problema dahil ilang araw na lang at mapapanood na ang Dear Heart: The Concert.


Super excited na nga ang lahat, at isa kami roon, kaya ipag-pray natin sina Sharon at Gabby sa kanilang kalusugan, kasama na ang magandang panahon, para naman ma-enjoy natin ang historic moment na ito sa Philippine entertainment industry.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page