top of page
Search

ni Rohn Romulo @Run Wild | Oct. 29, 2024



Photo: Maine Mendoza at Sylvia Sanchez - IG


Puring-puri ng premyadong aktres na si Sylvia Sanchez si Maine Mendoza, ang wifey ni Cong. Arjo Atayde.


Palaging binabanggit ni Sylvia sa kanyang mga interbyu na masuwerte siyang mother-in-law hindi lang kay Maine, kundi pati na rin sa asawa ni Ria Atayde na si Zanjoe Marudo.


Sa latest interbyu niya sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), muli siyang

nagkuwento sa relationship niya kina Maine at Zanjoe.


Pahayag ni Ibyang, “Du’n ko nakita, kasi sinasabi nila, suplada, Kuya Boy. Nami-misinterpret si Maine.


“Sobra s’ya talagang mahiyain, kung alam lang nila. May mga nagsasabi sa ‘kin, suplada, hindi. ‘Wag n’yo i-judge ‘yung tao kasi nakita ko siya, eh, nag-usap kami.”


Dagdag pa ni Ibyang, noong first time raw na dinala ni Arjo si Maine sa bahay nila sa White Plains ay halos 15 minutes daw itong nasa labas lang dahil nahihiya.


“Ako mismo, na-experience ko. Sabi, ‘Mommy, nahihiya pa, sandali lang.’ ‘Halika na, sige.’ Lumabas si Arjo, pagbalik niya, ako na sumalubong. ‘Hi, Maine!’ Niyakap ko na, sobrang lamig,” tsika pa ni Sylvia.


Mahiyain din daw si Zanjoe, pero sa simula pa lang ng relasyon ng aktor at ng anak ay gusto na niya ito dahil, “Mabait kasi, kasama ko kasi ‘yan, nakakatrabaho ko, nakakasama ko sa trabaho.”


Kaya sey pa niya, “Suwerte ako bilang mother-in-law dahil meron akong Maine Mendoza na daughter-in-law, at Zanjoe Marudo na son-in-law.”


Speaking of Zanjoe, kamukha raw niya ang anak nila ni Ria, ayon sa nakakita, habang nakuha ang kaputian ni Arjo. Kaya tisoy din ang unang apo ni Ibyang na tinatawag nilang Little Boss, na spoiled na spoiled sa kanya. 


Samantala, sa November 29 na ang Juan Karlos LIVE na masayang-masaya sina Ibyang dahil sold-out na ang SVIP section, kaya wala na silang maibigay sa naghahanap, at masasabing very successful ang Nathan Studios Inc. sa pagpo-produce ng first major concert ni Juan Karlos Labajo.


Pinupuri naman ang trailer ng hard-action movie na Topakk na isa sa 50th MMFF entries na pinagbibidahan nina Arjo Atayde at Julia Montes.


Ang movie na ito ay siguradong tatatak sa mga manonood sa pagiging certified action star ni Arjo, bukod pa sa husay niya sa pag-arte. Hindi rin sila bibiguin ni Julia Montes, na grabe rin ang ginawa sa kanyang mga action scenes.


Napakahusay din dito nina Sid Lucero, Enchong Dee, Kokoy de Santos at iba pang supporting cast.


At kung naghahanap kayo ng pang-malakasang action movie na pang-international ang kalidad, narito na ang Topakk na mapapanood na simula sa December 25.

 
 

ni Rohn Romulo @Run Wild | Oct. 24, 2024



Photo: Topakk movie - Arjo Atayde at Sylvia - IG


Sobrang saya ng premyadong aktres na si Sylvia Sanchez na producer na ngayon, dahil ang first attempt nila na pag-submit ng entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ay naging matagumpay.


Pasok nga sa last five entries para sa 50th MMFF ang Topakk, ang first movie na produced ng Nathan Studios, Inc. na pag-aari ng pamilya Atayde.


Ang makapigil-hiningang hard action film ay pinagbibidahan ni Cong. Arjo Atayde kasama sina Sid Lucero, Enchong Dee, Kokoy de Santos at Julia Montes, na pawang mahuhusay ang pagganap. 


Ayon kay Sylvia, hindi sinabi sa cast na ipapasok sa MMFF ang Topakk, kaya si Kokoy na nasa Podium Hall din para sa And The Breadwinner Is… (ATBI) ay nagulat na biglang naging dalawa ang filmfest entries niya.


At base sa napanood namin, maikukumpara ang pelikulang idinirek ni Richard Somes sa Commando ni Arnold Schwarzenegger at First Blood ni Sylvester Stallone na parehong ipinalabas noong '80s. 


At sa new generation, mala-John Wick ni Keanu Reeves ang action scenes sa Topakk kaya tiyak na hindi mabibitin ang mahihilig sa mga action films na may puso mula sa simula hanggang matapos.


Natanong si Ibyang kung ilalaban nila ito sa MTRCB ng R-16 o okey na siya sa R-18?

“Nakahanda kami, alam na namin ang gagawin,” sagot ng aktres.


Dagdag niya, “Kung R-18, ilalaban ko. Kung R-16, mas mabuti. Pero mas pipiliin na maging R-18, kung walang ika-cut kesa sa R-16 na maraming matatanggal at kakatayin ang movie namin at papangit. Mapupulaan lang ang Nathan, which is ayokong mangyari ‘yun.

“Basta makikipag-usap kami sa MTRCB, susunod naman kami. Hopefully, magkasundo sa R-16, para mas maraming makapanood.”


Ang Topakk na may international title na Triggered ay unang ipinalabas sa 78th Cannes Film Festival noong May 2023 at nag-premiere sa 76th Locarno Film Festival sa Switzerland noong August 2023.


Tungkol ito sa ex-special forces operative na si Miguel (na ginagampanan ni Arjo) na nakikipaglaban sa post-traumatic stress disorder (PTSD).  


Sa kanyang bagong mundo bilang security guard, naisabak siya sa ibang uri ng digmaan nang humingi ng proteksiyon ang isang babae kasama ang kapatid na tinutugis ng tiwaling police death squad na nagtatrabaho para sa isang drug cartel.


Sa naturang pelikula, muli ngang nagpamalas ng husay sa pag-arte si Arjo na kinilala sa international scene dahil sa pagganap niya sa Bagman at Cattleya Killer.

Kaya tiyak na malakas ang laban ng representative ng District 1, QC, ganu’n din ang mga co-stars niya.


Sey naman ni Ibyang, “Actually, hindi ako umaasa. Hindi kami nag-iisip na Best Actor dito si Arjo. Ang sa ‘min, kung anuman ang mangyayari, pero sana kumita, kasi lahat naman ng producers, ‘yun ang wish na kumita ang pelikula at magustuhan ng mga manonood.”

Dagdag pa niya, “Kung manalo man ang cast ko, si Arjo, si Julia, si Sid, si Kokoy o si Enchong, bonus na lang ‘yun sa amin.”


Magiging abala nga ngayon ang Nathan Studios, dahil bukod sa promo ng movie ay sa November 29 na ang Juan Karlos LIVE sa SM MOA Arena, ang first concert na produced nila.


Magiging abala rin sila sa Christmas Day sa pag-iikot sa mga sinehan, kaya malamang next year na makapagbabakasyon ang pamilya ni Sylvia.


 
 

ni Rohn Romulo @Run Wild | Oct. 7, 2024



Showbiz News

Sa latest post sa Lefty website na isang influencer marketing platform, kasama ang global fashion at style icon na si Heart Evangelista sa Top 10 influencers sa Paris Fashion Week (PFW) together with other famous celebrities tulad nina Kylie Jenner, Rosie & Lisa (of Blackpink), Cardi B at Cha Eunwoo. 


Ayon sa naturang post, nakakuha si Heart ng $5.1 million worth of EMV (estimated media value) sa 15 shows na kanyang dinaluhan sa katatapos lang na PFW.  


Nag-create nga si Heart (na may 16.2M followers) ng multiple Instagram (IG) posts sa PFW, kung saan ang isa sa mga ito ay paghahanda niya sa Hôtel Lutetia para sa unang nirampahan, ang Dior fashion show.


Matatandaang last June lang, pinangalanan ng Launchmetrics, isang data and technology company, si Heart bilang isa sa Top 5 names para sa segment ng fashion at sportswear, kung saan nagtala siya ng $85 milyon na halaga ng media impact value (MIV).


Pinangalanan din ng Launchmetrics si Heart bilang isa sa Top 5 ambassadors mula sa rehiyon ng Asia-Pacific (APAC), na nagdala ng $3.6 milyong dolyar sa MIV.

Last October 2023, isinama rin siya ng Launchmetrics bilang top influencer sa Milan


Fashion Week, na nagdala ng $1.4 milyon na halaga ng MIV.


Sa Paris Haute Couture Week (PHCW) naman noong Hulyo, 2023, nakakuha si Heart ng $1.27 milyon na halaga ng MIV at noong 2022, naghatid din siya ng $1.4 million worth ng MIV sa PHCW din.


Bukod dito, napasama rin si Heart sa list ng Launchmetrics bilang isa sa Top 10 faces that “drove the highest Media Impact Value", partikular para sa New York at PFW noong 2022. 

Ayon sa company, nagtala si Heart ng $429,000 worth ng MIV sa New York Fashion Week (NYFW). 

Samantala, ang mga posts ni Heart sa PFW ay nagkakahalaga ng $1.5 milyon MIV.

Ganu’n pala talaga kabongga ang influence ni Heart Evangelista at patuloy niyang pinatutunayan na worth siyang imbitahin sa international fashion events dahil nakaka-deliver nga siya ng multi-million dollars-worth ng media mileage.



Samantala, base rin sa naunang post ng fashion platform na Lefty, naungusan pala ni Pia Wurtzbach-Jauncey (with 14.8M followers) si Heart base sa laki ng nakuha nilang MIV na tinatawag ding EMV (estimated media value).


Pasok sa 4th spot si 2015 Miss Universe, na kumita raw ng $7.59 million (MIV) mula sa 11 runway shows. Kabilang dito ang pagrampa ni Pia sa Dolce & Gabbana, Boss, at Gucci.


Habang nasa 13th spot naman ang asawa ni Sen. Chiz Escudero, na humamig naman ng $2.99 million (MIV) from 16 shows tulad ng Fendi, Diesel, at Gucci.


Kasama sa list sa Top 15 influencers sa Milan Fashion Week (MFW) Spring/Summer 2025 ang mga K-pop stars na Enhypen (1st), Karina ng aespa (2nd), Jin ng BTS (3rd), Jaehyun ng NCT (7th), at Momo ng Twice (10th).


Pasok sa 11th spot ang South Korean actress na si Moon Ga-young at ang Thai actor na si Gulf Kanawut ang nakakuha ng 12th position.


Dahil dito, lalo pa ngang tumindi ang labanan nina Heart Evangelista at Pia Wurtzbach sa pabonggahan sa pagrampa sa international fashion shows.



MAY special treat ang GMA Pictures para sa mga teachers and students, dahil makakakuha sila ng discounted ticket sa mga sinehan, kung saan ipapalabas ang Balota na pinagbibidahan ni Marian Rivera.  


Ang kailangan lang nilang gawin ay dalhin ang kanilang valid school ID.

Ang Balota ay isa sa mga box office hits sa Cinemalaya 2024, kaya aabangan kung magiging blockbuster din ito sa muling pagpapalabas simula Oktubre 16 sa bago nitong bersiyon.


Dahil sa mahusay na pagganap ni Marian bilang ‘Teacher Emmy’ sa pelikula ay nagbigay ito sa kanya ng Best Actress award sa XX Cinemalaya Film Festival noong Agosto, na kung saan ka-tie niya si Gabby Padilla (para sa Kono Basho).


Ang Balota ay mula sa direksiyon ni Kip Oebanda. Magkakaroon din ito ng international premiere sa Hawaii International Film Festival (HIFF) sa buwang ito.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page