top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

ni Green Lantern @Renda at Latigo | September 18, 2023


Napa-wow ang mga karerista matapos silatin ni Palauig ang liyamadong si Don Julio sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na inilarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas, kahapon.


Humarurot sa arangkadahan si Palauig upang hawakan ang bandera ng walang kahirap-hirap.


Nirendahan ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Jockey of the Year awardee Patty Ramos Dilema, inirehistro ni Palauig ang 1:23.6 minuto sa 1,400 meter race sapat upang sikwatin ng horse owner na si Benjamin Abalos Jr. ang P10,000 karagdagang premyo.


Dumating na segundo si Don Julio habang tersero si Main Event.


Samantala, nakitaan ng husay si Raxa Bago nang manalo sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na inilarga sa sa parehong lugar noong Sabado ng hapon.


Pumuwesto sa pang-apat si Raxa Bago para panoorin ang mga nasa unahan na kabayo na nagtatagisan ng bilis.


Parang sibat na lumabas ng aparato sina Steady Cat at Noh Sen Young Yana upang dominahin ang unahan habang nasa tersero puwesto si Iris at pang-apat si Raxa Bago.


Ubusan ng lakas ang bakbakan sa unahan sa pagitan nina Steady Cat at Noh Sen Young Yana at habang papalapit sila sa far turn ay kumukuha na ng tersero si Raxa Bago.


Dahil sa tindi ng pagod nina Steady Cat at Noh Sen Young Yana ay sinamantala na ito ni Raxa Bago, dumaan siya sa balya upang kapitan ang dalawang kabayong nabanggit sa unahan.


Umagaw ng unahan sa rektahan si Raxa Bago at dahil galing sa hirap si Noh Sen Young Yana ay hindi na nito nasabayan ang winning horse.


Sinakyan ni Lester De Jesus, inirehistro ni Raxa Bago ang tiyempong 1:00.8 minuto sa 1,000 meter race sapat upang hamigin ang P10,000 added prize.


Ang nasabing event ay suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ni Chairman Reli de Leon.

 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | September 17, 2023


Makakapanood muli ng magandang laban ang mga karerista pagsalang ng limang tigasing kabayo sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na ilalarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas ngayong araw.


Kabilang sa mga kalahok sa distansiyang 1,400 meter race ay si Don Julio na sasakyan ni jockey Rico Suson.


Nakalaan ang karagdagang premyo na P40,000 na ikakalat sa unang tatlong kabayong tatawid sa meta sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ni Chairman Reli de Leon.


May added prize pa na P10,000 sa mananalong kabayo, ang ibang kasali ay sina Top Czar, Main event, Palauig at Agidaw.


Tiyak na aabangan din ng mga karerista ang 3-Year-Old Maiden race na pakakawalan sa pangatlong karera. Anim naman ang magtatagisan ng bilis sa distansiyang 1,000 meter race, inaasahang harurutan at kayugan agad paglabas ng aparato.


Mag-uunahan sa meta sina Galactus, Red Robin, Top Tiger, Pay D Lady, Best Shot at Moon Island para paglabanan ang P20,000 bonus sa mananalo kabayo.


Samantala, may walong karera ang inihanda ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong araw ng Linggo kaya paniguradong masaya ang mga karerista sa kanilang paglilibang.


Mga pili ni Green Lantern:


Race 1 - Don Julio (1), Top Czar (4)

Race 2 - Danueis Son (9), Red Sole/Vavavoom (1/1A), Lucky Lea (7)

Race 3 - Pay D Lady (4), Red Robin (2)

Race 4 - Sun Moon Lake (7), Buwayang Bato (2), Ariana (8)

Race 5 - Electrify (5), Make Or Break (9), Kaboom (2), Colony Bell (7)

Race 6 - The Alpha Male (8), Atomic Bomb (1), Badboy MJ (5)

Race 7 - Blackburn (3), Kercharmer/Sir William (7/7A), Cat Bell (6)

Race 8 - Chrome Bell (1), Bravo (9), Pharaoh's Fairy (9), Sonic Clay (12)

 
 

ni Green Lantern @Renda at Latigo | September 16, 2023


Magsasagawa ang Philippine Racing Commission ng charity horse race, papangalanang "Philippine Sportswriters Association Cup" na ilalarga sa darating na Linggo sa Metro Turf sa Malvar, Batangas.


“The Commission has designated the Philippine Sportswriters Association to be the beneficiary of an industry-sponsored charity race on Sept. 17,” saad ni Philracom acting executive director Ronaldo Corpuz.


Ayon kay Corpuz ibibigay sa asosasyon ang kikitain sa gross betting ng nasabing race sa Metro Turf.


The proceeds of the race to be given to your association will depend on the race’s gross betting sales from the Metro Manila Turf Club, Inc.,” ani Corpuz.


Ilang taon na rin nagpapakarera ng charity race ang PHILRACOM at nakaraang taon ay naibigay ang kinita sa Philippine team na sasabak sa Southeast Asian Games sa Phnom Penh, Cambodia.


Nagalak naman si PSA president Nelson Beltran ng sa nasabing charity programs at pinasalamatan nito ang PHILRACOM.


Samantala, palaban si Charm Campaign sa magaganap na 2023 PHILRACOM "Sampaguita Stakes Race" na ilalarga sa Setyembre 24 sa parehong lugar.


Komento ng karerista sa social media, malaki ang tsansa na masikwat ni Charm Campaign ang korona dahil may husay din ang nabanggit na kabayo.


Gagabayan ni dating Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Jockey of the Year awardee, makakalaban ni Charm Campaign ang limang babaeng kabayo sa distansiyang 2,000 meter race.


Nakalaan ang P2-M guaranteed prize na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta, ang ibang kalahok ay sina Cam From Behind, Dambana, Enigma Uno, Flattering You at La Liga Filipina.


Kukubrahin ng mananalong kabayo ang P1.2M, mapupunta sa second placer ang P450,000 habang tig-P250,000 at P100,000 ang third at fourth ayon sa pagkakasunod.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page