top of page
Search

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | December 18, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Roberto ng Pampanga.

 

Dear Maestra,


May alaga akong lovebirds. Madalas kong mapanaginipan ang cage o kulungan ng mga ibon. Ano ang ipinahihiwatig ng panaginip ko?

 

Naghihintay,

Roberto

 

Sa iyo, Roberto,


Maraming kahulugan ang ipinahihiwatig ng cage o kulungan ng ibon. Kung sa panaginip mo nakita mo ang ibon na nakakulong sa cage, ang ibig sabihin nito ay mag-aasawa ka na sa lalong madaling panahon. Kung ang cage naman ay walang laman dahil nakawala ang ibon na nakakulong dito, ito ay senyales na ipagpapalit ka ng dyowa mo sa iba, lalayuan at tuluyang ka niyang iiwan dahil nakatagpo siya ng mas better sa iyo.


Samantala, kung pinakawalan mo ang alaga mong ibon, ito ay tanda na lihim mong iiwan ang parents mo para makapag-asawa at magkaroon ka ng sariling pamilya.

 

Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | December 17, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Lourdes ng Bataan.


Dear Maestra,


Wala akong salamin sa mata, pero kagabi napanaginipan ko na may suot akong eyeglass, at noong isang gabi, napanaginipan ko naman na nabasag umano ang suot kong salamin sa mata. Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,Lourdes


Sa iyo, Lourdes,


Ang panaginip mo na may suot kang eyeglass pero wala ka naman talagang salamin sa mata ay nagpapahiwatig na may posibilidad na mawasak ang iyong pamilya.


Magkakahiwalay din  kayo ng mister mo dahil sa matinding pagtatalo at hindi pagkakaunawaan sa maraming bagay.Samantala, ang nabasag ang eyeglass mo ay tanda na makararanas ka ng kabiguan sa buhay pero hindi naman ito gaanong makakaapekto sa iyo, malalampasan at mapagtatagumpayan mo pa rin ito.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna

 

 

 
 
  • BULGAR
  • Dec 16, 2023

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | December 16, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Raymond ng Malolos, Bulacan.

 

Dear Maestra,


Napanaginipan ko na ang daming daga sa likod ng aming bahay. Meron din akong nakitang mga ahas. Ano ang ibig ipahiwatig ng panaginip ko?

 

Naghihintay,

Raymond

 

Sa iyo, Raymond,


Ang ibig ipahiwatig ng panaginip mo na ang daming daga sa likod ng bahay n’yo ay

masasangkot ka sa gulo dahil sa kagagawan ng mga kaibigan mong matagal nang may pinaplanong hindi maganda laban sa inyo. Mabait sila kapag kaharap ka, pero lihim ka nilang sinisiraan. Talasan mo ang iyong isipan at maging mapagmasid ka.


Kung may asawa ka na, ito ay nagpapahiwatig na may magtatangkang wasakin ang pagsasama n’yo, maski ang kaligayahan mo sa piling ng iyong pamilya ay pagtatangkaan din nilang guluhin.


Samantala, hindi mo sinabi kung ano ang nangyari nang makita mo ang mga ahas.


Kung kinagat ka ng ahas, ito ay nangangahulugang umiwas ka sa gulo. May posibilidad na madamay ka sa kaguluhan d’yan sa paligid mo. Kung napatay mo ang ahas, ito ay senyales na matatalo mo na ang iyong mga kaaway, at hindi sila magtatagumpay sa masama niyang binabalak laban sa iyo.

 

Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna

 

 

 
 
RECOMMENDED
bottom of page