top of page
Search

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | December 27, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Norma ng Pangasinan.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na pinatungan ako ng korona dahil ako ang nagwagi sa beauty contest sa barangay namin. Ang suot kong damit noon ay luma at mukhang basahan na. 


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Norma


Sa iyo, Norma,


Ang ibig sabihin ng pinatungan ka ng korona dahil ikaw ang nagwagi sa beauty contest ng barangay n’yo ay mapo-promote ka sa pinakamataas na posisyon. Samantala, kabaligtaran ang ibig ipahiwatig ng suot mong damit na luma at mukhang basahan ay magiging milyonaryo ka na sa darating na panahon. Susuwertehin ka sa iyong buhay hanggang sa tuluyan ka ng yumaman.



Matapat na sumasaiyo, 

Maestra Estrellia de Luna


 
 

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | December 24, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Renato ng Bulacan.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nahulog ako sa kanal.  Halos buong katawan ko ay nabalutan ng putik, maski ang damit ko ay sobrang dumi rin.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Renato


Sa iyo, Renato,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nahulog ka sa kanal ay dapat mong planuhing mabuti ang susunod na hakbang na gagawin mo tungkol sa iyong negosyo. 


Ang naputikan ang buo mong katawan, ito ay nagpapahiwatig na magagapi mo ang iyong mga kaaway. Hindi sila magtatagumpay anuman ang kanilang gawin laban sa iyo. 


Samantala, ang damit mo ay sobrang dumi rin, ito ay may kaugnayan sa reputasyon mo. Maaaring pumangit ang impression sa iyo ng mga kapitbahay mo dahil na rin sa pagbabago ng iyong ugali, sosobra kasi ang iyong kayabangan. Hindi gaya dati na mapagpakumbaba ka.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | December 23, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jessica ng Davao.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na pilit kong inalis ‘yung mantsa sa damit na nilalabhan ko.


Kinuskos ko ito nang kinuskos ng sabon para mawala ang mantsa. 


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Jessica


Dear Jessica,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na pilit mong inaalis ang mantsa sa damit na nilalabhan mo ay may sagabal sa kaligayahan mo. May mga pangyayaring hindi mo inaasahang magaganap na siyang magdudulot sa iyo ng kalungkutan. 


Samantala, ang kinuskos mo nang kinuskos ang mantsa para mawala ito ay nagpapahiwatig na madadamay ka sa ‘di inaasahang gulo sa pamilya mo, pero huwag kang mag-alala, matatapos naman ito agad kung haharapin mo ito ng buong hinahon. 



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 
RECOMMENDED
bottom of page