- BULGAR
- Jan 10, 2024
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | January 10, 2024
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Norma ng Baguio.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na ginaw na ginaw ako. Nagkasipon na rin ako sa sobrang lamig sa bahay na tinitirhan ko sa Baguio. Maski ang mga paa ko ay pinupulikat na rin.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Norma
Sa iyo, Norma,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na ginaw na ginaw ka dahil sobrang lamig d’yan sa bahay na tinitirhan mo sa Baguio ay madami kang mga kaibigan na handa kang damayan. Tapat at maaasahan sila sa lahat ng oras. Ang nagkaroon ka ng sipon ay nagpapahiwatig na makakatanggap ka ng magandang balita, at magiging masaya ka dahil sa nasabing balita.
Samantala, ang pinulikat din ang mga paa mo dahil sa sobrang lamig, ito ay senyales na susuwertehin ka. Magbabago na ang buhay mo hanggang sa tuluyan kang umunlad.
Matapat na sumasaiyo,Maestra Estrellia de Luna




