top of page
Search

ni Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | June 15, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Norma ng Ilocos Sur.


Dear Maestra,


Madalas kong mapanaginipan ang train, at naglalakbay umano ako sa iba't ibang lugar. Ano ang ibig sabihin nito?


Naghihintay,

Norma



Sa iyo, Norma, 


Kung sa panaginip mo ay nakasakay ka sa train, ang ibig sabihin nito ay hindi ka na makakaalis sa kasalukuyan mong kalagayan sa buhay. Mananatili kang nakatali sa mga gawaing bahay kasama ang iyong asawa.


Kung ikaw naman ay single pa, maoobliga ka na maging breadwinner. Mawawalan ka na rin ng time maglibang at mamasyal. 


Subalit, kung sa panaginip mo ay nakita mo ang train, ngunit hindi ka sumakay, ito ay senyales na maglalakbay ka sa malayong lugar o kaya naman ay lilipat ka ng bagong tirahan.


Samantala, ang madalas kang managinip ng naglalakbay sa iba't ibang lugar ay pahiwatig na may panibago kang negosyong papasukin, at bibitawan mo na ang dati mong negosyo.


Pero, kung maganda at kalugud-lugod ang paglalakbay mo, ang panibagong negosyong ay magiging tagumpay.


Kung pangit at nakakainip ang paglalakbay mo, ito ay babala na ang negosyo mong papasukin ay hindi magiging maayos, at marami kang magiging problema rito.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna




 
 
  • BULGAR
  • Jun 14, 2024

ni Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | June 14, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Lolit ng Candaba, Pampanga.


Dear Maestra,


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko na kumakain ako ng ham? Isa pa, madalas ko ring mapanaginipan ang beans.


Ano kaya ang ipinahihiwatig nito?

Naghihintay,

Lolit



Sa iyo, Lolit,


Hindi maganda ang ipinahihiwatig ng panaginip mo na kumakain ka ng ham, ito ay makakaranas ka ng kalungkutan ngunit huwag ka mag-alala dahil pansamantala lamang ito.


Gayunman, hindi rin maganda ang ipinahihiwatig ng beans. Kung kinakain mo ito sa iyong panaginip, ito ay babala na masasangkot ka sa gulo. Pero, kung ang beans naman ay nakatanim, ito ay paalala na madadamay ka sa gulo dahil sa mga kaibigan mo.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna



 
 

ni Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | June 13, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Robert ng Cebu.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na minalas ako. Nagkasakit na ako, tinubuan pa ako ng tigdas.

Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Robert



Sa iyo, Robert,


Kabaligtaran ang kahulugan ng panaginip mo na minalas ka, ito ay nangangahulugan na susuwertehin at yayaman ka. Lahat ng luho sa buhay ay matitikman mo na rin. Isa pa, mabibili mo na rin ngayon ang pinapangarap mong kotse. Lahat ng gusto mong bilhin ay mapapasaiyo na.


Samantala, ang nagkasakit ka ng tigdas ay senyales na magiging maganda na ang kalusugan mo. Magtatagumpay ka na rin sa negosyong bubuksan mo, at may darating pang pera na ‘di mo inaasahan. 

Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 
RECOMMENDED
bottom of page