top of page
Search

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | August 1, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Glenda ng Ilocos Sur.

 

Dear Maestra,


Ano kaya ang ibig sabihin kapag madalas kang managinip ng taxi? Napanaginipan ko rin na nagtatrabaho ako sa isang tindahan. 

Ano ang ibig ipahiwatig ng mga panaginip ko?


Naghihintay,Glenda



Sa iyo, Glenda,


Kung sa panaginip mo ay nag-aabang ka ng taxi, at ikaw ay hinintuan, ito ay nangangahulugan na makakapaglakbay ka sa malayong lugar. Makakaranas ka ng pagkabagot, at maiinip ka dahil bago ka makarating sa iyong pupuntahan, marami kang pagsubok at hamon na pagdaraanan. 


Kung ikaw naman mismo ang nag-hire ng taxi, o ‘di naman kaya ay ikaw ang nagmamaneho nito, ito ay senyales na maaari kang magkaroon ng isang magandang trabaho. Ito rin ay pahiwatig na may makikilala kang lalaking guwapo at mayaman. Darating ang araw na liligawan ka niya. Magkakatuluyan kayo at magkakaroon kayo ng dalawang anak.


Samantala, ang nagtrabaho ka sa isang tindahan ay simbolo ng kaginhawaan sa buhay. Giginhawa na ang buhay mo, ‘yun bang sakto lang para sa buhay na pinapangarap mo.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna






 
 

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | July 31, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Cristy ng Bataan.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nakatingin ako sa langit, at sa mga bituin na nagniningningan. 

Ilang saglit lang, pumasok ako sa aking kuwarto, at may nakita akong malaking gagamba. 


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Cristy



Sa iyo, Cristy,


Napakaganda ng ibig sabihin ng panaginip mo na nakatingin ka sa langit, lalo na dahil nagniningning ang mga bituin sa langit, ito ay nangangahulugan ng kaligayahan. Mas magniningning ang mga mararanasan mo sa darating na mga araw.


Samantala, ang malaking gagamba na nakita mo sa iyong kuwarto ay nagpapahiwatig ng suwerte. Susuwertehin ka sa lahat ng bagay, at labis-labis na kaligayahan ang mararanasan mo dahil sa sunud-sunod na magagandang pangyayari na darating sa buhay mo.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna






 
 
  • BULGAR
  • Jul 30, 2024

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | July 30, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Rene ng Catanduanes.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na pumunta ako sa kusina nang bigla kong mapansin ang bote ng suka sa ibabaw ng lamesa. Kung titingnan parang napakaasim nito, at maitim na ang kulay. Samantala, napansin ko rin ‘yung tsaa. Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko? 


Naghihintay,

Rene



Sa iyo, Rene,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na pumunta ka sa kusina, at bigla mong napansin ang bote ng suka na parang napakaasim ay makakarinig ka ng maaasim at maaanghang na salita mula sa taong nakapaligid sa iyo. Mas makakabuting huwag mo na lang sila pansinin kung ayaw mong mauwi sa matinding argumento ang usapan n’yo. Maliban na lang kung gusto mo talagang makipag-debate sa kanila upang mapatunayan na mali sila sa panghuhusga sa iyo.


Samantala, ang ibig sabihin ng tsaa ay makakaranas ka ng mga pangyayari na magdudulot sa iyo ng labis na pag-aalala at  pagkabalisa, subalit kung mag-iingat at magiging alerto ka, maiiwasan mo ito. Maging mapagmatyag at mahinahon upang maiwasan ang mga pangyayaring magdudulot sa iyo ng negatibong epekto.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna





 
 
RECOMMENDED
bottom of page