top of page
Search

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | August 26, 2024


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Roy ng Bataan.


Dear Maestra,


Madalas kong mapanaginipan na nasa loob ako ng elevator. 


Napanaginipan ko rin na inggit na inggit ako sa kapitbahay namin. 


Noong nakaraang gabi naman, napanaginipan ko na naiinggit umano sa akin ang best friend ko.


Ano ang ibig sabihin ng mga panaginip ko?


Naghihintay,

Roy



Sa iyo, Roy,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nasa loob ka ng elevator ay depende kung paakyat o pababa ito.


Kung paakyat ang elevator, ito ay nangangahulugan na pararangalan ka sa lugar n’yo, at makakatanggap ka ng award. Subalit kung pababa naman ang elevator, ito ay babala na may kapahamakang darating sa buhay mo. May posibilidad na masangkot ka sa gulo.


Samantala, ang inggit na inggit ka sa kapitbahay mo ay senyales na matatalo mo ang karibal mo sa puso ng iyong  minamahal, dahil ikaw ang pipiliin niyang maging karelasyon.


Pero ang kinainggitan ka ng best friend mo ay pahiwatig na maraming hahanga sa iyo. Bibilib silang lahat sa kakayahan at katalinuhan mo.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna



 
 

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | August 25, 2024


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Joanne ng Mandaluyong.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na namamalimos ako na para ba akong isang pulubi. 


Nu’ng sumunod na araw naman, napanaginipan ko na naawa ako sa pulubi na nakita ko sa daan. Kaya naman binigyan ko siya ng P20. 


Madalas ko ring mapanaginipan ang mga bell. Ano ang ibig sabihin ng mga panaginip ko?


Naghihintay,

Joanne



Sa iyo, Joanne,


Kabaligtaran ang ibig sabihin ng panaginip mo na namamalimos ka na para bang isa kang pulubi, ito ay nangangahulugang  kailanman ay hindi ka kakapusin sa buhay. Hindi ka mauubusan ng pagkain at pera.


Ang binigyan mo ang pulubing nakita mo sa daan ay nagpapahiwatig na may kaibigan ka na nagkukunwaring kaibigan, pero may balak pa lang siyang ‘di maganda sa iyo. Tatangkain niyang sirain ang iyong pangalan, subalit hindi siya magtatagumpay, dahil mas paniniwalaan ka ng ibang tao kaysa kanya.


Ang P20 ay senyales na pabagu-bago ang desisyon mo. Madali kang magpalit ng pasya, at ito rin ay nagpapahiwatig na tuwing kabilugan ng buwan, hindi mo maintindihan ang kinikilos mo, at mawawala ka sa sarili mo. 


Samantala, ang ibig sabihin ng mga bell na madalas mong mapanaginipan ay depende sa bell. 


Kung masaya ang tunog nito, ito ay magandang balita na susuwertehin ka. Sasaiyo ang magagandang kapalaran, magtatagumpay ka sa negosyo, at susuwertehin ka rin sa pagpili ng iyong mapapangasawa. 


Kung alarm bell naman ang napanaginipan mo, ito ay paalala na mag-isip ka muna bago ka magpasya. Huwag kang magpabigla-bigla sa iyong pagdedesisyon.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna



 
 

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | August 24, 2024


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Lorenzo ng Lucban, Quezon.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na sobrang init, kaya naman naisipan kong tumalon sa swimming pool para maligo. Noong una, malinaw pa ang tubig sa pool, subalit habang tumatagal ay lumalabo na ang tubig hanggang sa tuluyan na itong naging marumi, at makati sa balat. 


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Lorenzo




Sa iyo, Lorenzo,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na naisipan mong tumalon sa swimming pool para maligo ay may mga hahadlang sa mga plano mo na dapat mong malampasan para makamit mo ang iyong tagumpay. 


Kung may karelasyon ka na, makakaranas ka ng ‘di pagsang-ayon ng mga mahal mo sa iyong nobya. Tututol sila na siya ang iyong mapangasawa. 


Ang malinaw na tubig ay nangangahulugan ng kasaganahan at kaligayahan, habang ang malabong tubig naman ay nagpapahiwatig ng karamdaman at kalungkutan sa buhay.


Kung lumangoy ka, at nakaangat ang ulo mo, ito ay nangangahulugan na malalampasan mo ang lahat ng pagsubok mo sa buhay. 


Pero kung nakalubog ang ulo mo, ito ay paalala na mag-ingat ka. Dahil may posibilidad na madamay ka sa gulo.


Samantala, ang kumati ang balat mo dahil sa maruming tubig sa swimming pool ay simbolo ng kalungkutan at pabagu-bagong kalagayan sa iyong buhay. 


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna



 
 
RECOMMENDED
bottom of page