top of page
Search

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | September 5, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Dolores ng Laguna.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na namasyal ako sa Laguna de Bay. 


Ang ganda pagmasdan ng mga sariwang halaman, berdeng-berde ang mga dahon roon, at maski ang mga damo ay basa pa ng hamog.


Habang naglalakad ako, sa‘di kalayuan, may natanaw akong maruming tubig at puro putik. 

Maya-maya ay nakakita naman ako ng mga tupa sa paligid.


Ano ang ibig ipahiwatig ng panaginip ko?


Naghihintay,

Dolores 



Sa iyo, Dolores,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na namasyal ka sa Laguna de Bay ay kaligayahan at tagumpay sa iyong buhay. Susuwertehin ka sa negosyo at igagalang ka sa inyong lugar.


Magiging masaya rin ang iyong love life, may tsansa ka pang pakasalan ng lalaking itinitibok ng iyong puso. 


Subalit ang sabi mo ay naglakad ka, at nakakita ka ng maruming tubig, ito ay babala ng kaguluhan at ‘di pagkakasundu-sundo.


Samantala, ang may nakita kang mga tupa sa paligid ay nangangahulugan na ang mapapangasawa mo ang isang lalaking mabait, mahinahon magsalita, may pagtitimpi sa sarili at malawak ang pananaw sa buhay. Ito rin ay tanda na magiging malusog ang mga anak n’yo at sila rin ang magbibigay sa inyo ng karangalan.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna






 
 

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | September 4, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Efren ng Masbate.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na umakyat ako sa hagdan. Nang marating ako sa huling baitang, bigla akong nahilo. Nasira ang hagdan, at tuluyan akong nahulog.

Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Efren



Sa iyo, Efren,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na umakyat ka sa hagdan ay magiging maganda ang future mo. 


Kung may karelasyon ka, ito ay tanda na matutupad n’yo na ang inyong mga pangarap. 

Kung may negosyo ka naman, ito senyales na uunlad ito nang uunlad hanggang sa yumaman, at tingalain ka sa lugar n’yo. 


Samantala, ang bigla kang nahilo nang makarating ka sa huling baitang ay nagpapahiwatig na magiging isa ka sa pinakamayaman. Dahil sa sobrang yaman, maaadik ka sa bisyo, at darating sa puntong wawaldasin mo lang ang iyong kayamanan hanggang sa maubos ito, at bumalik ka muli sa dati mong kalagayan. 


Ang nasira ang hagdan, at nahulog ka ay nangangahulugan na tuluyan kang mawawalan ng pag-asa sa buhay, at mahihirapan kang abutin ang iyong mga pangarap. 


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna





 
 

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | September 3, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni David ng Eastern Samar.


Dear Maestra,


Madalas kong mapanaginipan ang alahas at bisikleta. Ano ang ibig sabihin ng mga panaginip ko?

Naghihintay,

David



Sa iyo, David,


Maganda ang ibig sabihin kung madalas kang managinip ng alahas. Kung sa panaginip mo may nagbigay sa iyo ng alahas, ito ay nangangahulugan na makakaramdam ka ng matinding pagnanasa sa isang babae. Maiinlab ka nang todo sa kanya, hanggang sa mauwi ito sa kasalan. ‘Wag kang mag-alala dahil magiging maligaya ang pagsasama n’yo.


Samantala, kung kampante kang nakasakay sa bisikleta, ito ay tanda na malalampasan mo ang papadating na problema sa iyong buhay.


Pero kung hirap na hirap ka sa pagpipidal ng bisikleta, ito ay babala na may magtatangkang sirain ang reputasyon mo. Hindi siya titigil hangga’t di ka niya napapabagsak. 

Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna




 
 
RECOMMENDED
bottom of page