top of page
Search

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | September 8, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Larry ng Pasig City.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na bumaha sa loob ng bahay namin. Nabasa ang mga pocketbook ko, at wala akong ibang nagawa kundi ang magdasal para agad na humupa ang baha.

Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Larry



Sa iyo, Larry,


Ang panaginip mo na bumaha riyan sa loob ng bahay n’yo ay nangangahulugan na gaganda na ang takbo ng inyong kabuhayan. Mababayaran mo na ang mga utang mo, at hindi ka na muli pang magkakaproblema sa pera.


Ang nabasa ang mga pocketbook mo ay nagpapahiwatig na makakapag-asawa ka na. Mapapapayag mo na ang iyong dyowa na makipag-isang dibdib sa iyo. Ang inyong samahan ay hahantong sa isang maligaya at panghabambuhay na pagsasama. 


Samantala, ang wala kang ibang nagawa kundi ang magdasal ay senyales ng magandang kalusugan at kasaganahan. Ito rin ay nagpapahiwatig na ika’y isang tao na may malinis na kalooban, mabait, maawain at matulungin sa iyong kapwa.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna




 
 

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | September 7, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Dorothy ng Nueva Ecija.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nag-aayos ako ng kama, nang may biglang pumasok na bubuyog sa kuwarto ko. Nagpaikut-ikot ito sa akin, at para bang gusto akong kagatin. Mabuti na lang ay nagising ako.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Dorothy



Sa iyo, Dorothy,


Ang ibig sabihin ng nag-aayos ka ng kama mo ay mapipilitan kang maghanap ng ibang trabaho. Mag-a-apply ka sa ibang kumpanya na mas magbibigay sa iyo ng mas malaking suweldo.


Samantala, ang may pumasok na bubuyog sa kuwarto mo ay nagpapahiwatig na magiging mas mahirap ang trabaho mo. Pero, maghahatid naman ito sa iyo ng karangalan at kaligayahan.


Ang nagpaikut-ikot ang bubuyog, at para bang gusto kang kagatin ay nangangahulugan na marami kang pagsubok na kakaharapin, lalo na pagdating sa trabaho, darating ka rin sa puntong halos sumuko ka na. Subalit ‘wag kang mag-alala, dahil mapapansin din ng boss n’yo ang pagiging masipag mo, kaya naman agad kang mapo-promote at mabibigyan ng award. 


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna



 
 

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | September 6, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni George ng Malate, Manila.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na pumunta ako sa sabungan. May dalawang manok na maglalaban, isang kulay puti at isang itim. Pumusta ako sa manok na kulay puti, at nanalo ako ng P50,000. 


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

George



Sa iyo, George,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na pumunta ka sa sabungan. May dalawang manok na naglalaban, at pumusta ka sa manok na kulay puti ay madadamay ka sa isang transaksyon na maghahatid sa iyo sa kapahamakan, at maaaring malagay sa panganib ang iyong buhay. 


Ang kulay puti ay nagpapahiwatig na pagod na pagod ka na kumayod at gusto mo na sanang mamahinga, pero hindi naman puwede dahil doon nanggagaling ang inyong ikinabubuhay.


Ang itim na manok ay babala ng conflict. May mga magiging problema sa mga lakad at pagpapasya mo. 


Samantala, ang nanalo ka ay nangangahulugan na mawawalan ka ng malaking halaga. Ito ay senyales na malulugi ka sa negosyo mo o maloloko ka.


Ang P50,000 ay tanda na makakapaglakbay ka sa ibang bansa upang makipag-deal ng negosyo. Ito rin ay nagpapahiwatig na puwede kang magnegosyo ng mga bagay na may kaugnayan sa computer, agricultural products at communications and transportations.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna





 
 
RECOMMENDED
bottom of page