top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Palad | June 5, 2023





KATANUNGAN

1. Sa palagay mo ba, Maestro, may chance akong makapag-abroad kahit na mahina ang aking loob, at walang pang-ayos ng mga papeles?

2. Kung susubukan kong mag-apply, susuwertehin kaya ako sa ngayong 2023 o sa susunod na taong 2024?

3. Nais ko rin sana malaman kung may suwerte ako sa aking love life, hanggang ngayon kasi ay wala pa akong nagiging boyfriend. Ang birthday ko ay September 10, 1996

KASAGUTAN

1. Tama ka, Anne, kahit mahina ang iyong loob, kinakitaan naman ng malawak at malinaw na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) ang kaliwa at kanan mong palad, walang duda, sa inilaan ng kapalaran, sa ayaw at sa gusto mo, naduduwag ka man o natatakot. May itatalang pangingibang-bansa sa iyong kapalaran at ito ay inaasahang magaganap sa panahon ding ito, bago matapos ang 2023.

2. Ibig sabihin, kahit na panghinaan ka pa ng loob at marami kang dahilan. Sa takdang panahon ang kapalaran ang gagawa ng paraan, upang ikaw ay matuloy sa pag-a-abroad.

3. Habang kapansin-pansin din ang isa at malinaw na Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ito ay tanda na kahit na wala kang boyfriend ngayon, tulad din na pangingibang-bansa, walang duda, kusa kang magkaka-boyfriend at sa bandang huli ay tuluyan mo na rin itong mapapangasawa at magkakaroon kayo ng isang masaya at panghabambuhay na pagpapamilya. Ang iyong makakatuluyan ay ang lalaking maliit ang height o medyo mababa sa pangkaraniwan ang kanyang asta o taas.

MGA DAPAT GAWIN

1. Anne, ayon sa iyong datos sa taon ding ito, kung sisimulan mo nang mag-ayos ng mga papeles, aabot sa last quarter ng 2023 at pinakamatagal na sa unang hati ng taong 2024, kahit sabihin pang mahina ang iyong loob at marami kang dahilan, wala kang magagawa sa nakatakda. Kung saan, sa nasabi ng panahon, itatala sa iyong kapalaran ang isang mabunga at mabiyayang pangingibang-bansa.

2.Pagkalipas ng tatlo o apat na taon, sa taong 2026 hanggang 2027, kusa ka namang magkakanoby. Hindi ka makakatanggi sa kapalaran kung saan, sa nasabing panahon sa edad mong 30 hanggang 31 pataas, magaganap ang iyong pag-aasawa na hahantong sa isang simple pero maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.

 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Palad | June 3, 2023





KATANUNGAN


  1. Inaaya akong magpakasal ng boyfriend ko. Wala namang problema ro’n dahil nasa tamang edad na kami at mayroon na din stable job, pero nang makita ko ang aking Heart Line na putol, habang pabaluktot at pababa naman ang unang Marriage Line sa aking palad. Sa pagkakaalam ko at base sa inyong mga artikulo, ang ganu’ng guhit sa mga palad ay nangangahulugan na mahihiwalay sa asawa o mababalo. Tama ba?

  2. Ito ang gumugulo sa isip ko ngayon, kaya parang natatakot akong mag-asawa. Pinangangambahan ko kasing baka hindi rin maging maligaya ang papasukin naming pagpapamilya.

  3. Kung totoo na ganu’n ang mangyayari sa aking kapalaran, tama ba ang iniisip kong ‘wag na lang mag-asawa upang hindi ako makaranas ng kalungkutan?


KASAGUTAN


  1. Sa totoo lang, wala namang permanenteng masaya. Sabi nga ng sikat na pintor na si Leonardo Da Vinci, “There is no perfect gift without great suffering,” ibig sabihin, bahagi ng buhay ang pagdurusa at pagkatapos nito, ikaw naman ay magiging maligaya.

  2. Kaya kung ang itinakda sa iyo ng kapalaran ay mawalan ng asawa o magkaroon ng malungkot na love life, ‘wag kang matakot na danasin ‘yun dahil hindi porke nawala ang iyong asawa ay tapos na ang istorya ng iyong buhay. Sa totoo lang, hindi matatapos ang kuwento ng buhay ‘pag namatay ang bida, bagkus, kapag itinuloy ang istorya.

  3. Bagama’t maaaring tama ka, Althea, na medyo negatibo nga ang nais ipahiwatig ng nabiyak o naputol na Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow a.), na sinuportahan pa ng dumausdos na unang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad, na nagsasabing may tendency na sa iyong pag-aasawa, ikaw ay mabalo o mahiwalay sa kanya.

  4. Subalit tulad ng naipaliwanag na, hindi naman sa pagkawala ng iyong asawa natatapos ang kuwento ng iyong buhay. Sa halip, simula pa lang ito ng susunod na kabanata, kung saan ayon sa ikalawang mas malinaw, tuwid at makapal na Marriage Line (Drawing A. at B. 2-M arrow c.) at sa ikalawang pag-aasawa, walang duda na habambuhay ka nang liligaya.

MGA DAPAT GAWIN


  1. Habang ayon sa iyong datos, Althea, huwag kang matakot na harapin ang anumang hamon ng iyong kapalaran, mahirap man ito o masarap. ‘Ika nga nila, “Maganda ang bangka sa pampang lang, dahil hindi ito nababasa at nasisira, pero alalahanin mong ginawa ang bangka, para pumalaot sa dagat ng karanasan at para mabasa.”

  2. Kaya nga, mabalo ka man o hindi, ang maganda mo pa ring magagawa ay ang mag-asawa, upang matapos ang mga kabiguan sa unang pag-aasawa, hindi ro’n matatapos ang istorya ng iyong buhay, sapagkat sa ikalawang pag-aasawa, magbubukas ang panibagong chapter ng iyong lovelife, isang maligaya at pang habambuhay na pagpapamilya ang sa iyo mag-aantay, (Drawing A. at B. 2-M arrow c.) sa piling ng isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Libra.




 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Palad | June 1, 2023





KATANUNGAN

  1. Maestro, may gusto akong malaman tungkol sa pag-ibig. Kapag ba may minamahal ka at alam mong hindi ka niya mahal, dapat pa ba itong ipaglaban? Ibig kong sabihin, may pag-asa bang mahalin ka rin ng taong mahal mo kahit hindi ka niya mahal?

  2. May crush kasi ako, mahal na mahal ko siya, pero pakiramdam ko ay ‘yung bestfriend ko ang gusto niya, pero hindi naman siya nito gusto at hindi rin siya pinapansin.

  3. May pag-asa bang maging boyfriend ko siya kahit hindi naman niya ako gusto? Hindi pa kasi ako nagkaka-boyfriend at siya ang gusto kong maging boyfriend na dinasal-dasal ko tuwing gabi bago ako matulog. Sa tingin n’yo, matutupad ba ang prayer kong ito at kailan ako magkaka-boyfriend?

KASAGUTAN

  1. Kung hindi ka mahal ng isang tao at nagkataong babae ka, sa ating kultura, parang mali na ligawan mo siya. Pero kung nagkataong hindi ka mahal ng isang tao, pero ikaw ay lalaki, hindi ba’t natural na kaya mo siya nililigawan ay para mahalin ka niya?

  2. Ganundin dapat sa mga babae, hindi kailangang maging double-standard ang pananaw ng lipunan. Tandaan na maraming bagay na puwedeng gawin ang lalaki na hindi naman puwedeng gawin ng babae. Halimbawa nito ang panliligaw kung saan lumalabas na parang hindi patas ang mundo o kultura na ating kinalakihan sa pagtingin sa babae at lalaki pagdating sa usapang ligawan.

  3. Hindi mo naman dapat ligawan ang crush mo na walang pagtingin sa iyo, pero best friend o kaibigan mo ba siya? Magparamdam ka lang ay ayos at sapat na, ganun ‘yun! Kung hindi mo man tahasang maligawan ang isang lalaki, sapat nang maging kaibigan mo siya at magparamdam ka. Dahil sa sandaling compatible pala kayo, samantalang hindi niya naman ka-compatible ang kaibigan mong crush niya, maghihiwalay sila at sa iyo magkakagusto ang nasabing lalaki.

  4. Ganundin ang nais sabihin ng maliit na sangang tumaas o sangang pataas mula sa Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na sa larangan ng pag-ibig at pakikipagrelasyon, hindi ka mabibigo, basta’t panatiliin mo ang pagkakaibigan niyo kahit may iba siyang gustong babae o may iba siyang nililigawan. Ito ay dahil magkakagusto rin siya sa iyo dahil ang nakatakda sa iyong palad ay palaging suwerte pagdating sa pag-ibig o pakikipagrelasyon.

DAPAT GAWIN

Habang, ayon sa iyong mga datos, Sophia, wala kang dapat gawin ngayon kundi kaibiganin ang nasabing lalaki. Kapag malapit na siya sa iyo, dahil compatible kayo at ipinanganak kang likas na suwerte sa pag-ibig, kusang matutupad ang dalangin mo kay Lord — magkakagusto rin sa iyo. Gayundin, liligawan ka niya hanggang makabuo kayo ng maligaya at nakakakilig na relasyon, na nakatakdang maganap sa taong ito ng 2023, sa buwan ng Setyembre o kaya’y Oktubre, sa edad mong 23 pataas.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page