top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | July 9, 2023





KATANUNGAN

  1. Paano ba malalaman sa pamamagitan ng guhit ng aking palad kung kailan ako magkakaroon ng boyfriend?

  2. Sa edad ko kasing 31-anyos, hanggang ngayon ay ‘di pa rin ako nagkaka-boyfriend. Hindi naman sa naiinip ako, naisip ko lang na parang hindi na yata ito normal. Samantala, ang ibang mga kasabayan ko ay may kani-kanya ng boyfriend at ang iba ay may mga asawa’t anak na.

  3. Maestro, sa palagay mo ba kailan ako magkaka-boyfriend at kailan din kaya ako makakapag-asawa?

KASAGUTAN

  1. Dalawang klase ang tinitingnan sa guhit ng iyong palad. Una ay ang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) kung saan, sa kaso mo may namataang kaisa-isang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  2. Tanda na isang beses ka lang iibig ng tapat na sa bandang huli ang boyfriend mong iniibig ay siya na ring iyong mapapangasawa at makakatuluyan.

  3. Habang bukod sa Marriage Line (arrow a.) may tinatawag pang guhit ng fling na relasyon (Drawing A. at B. f-f arrow b.) na matatagpuan sa ilalim ng daliring hinlalaki sa gilid ng iyong palad.

  4. Sa kaso mo, may isang guhit ng fling na relasyon (arrow b.) na magaganap bago ka tuluyang makapag-asawa. Ibig sabihin, bago ka magka-boyfriend magkakaroon ka muna ng karelasyon, pero hindi naman ito seryosong relasyon o hindi naman gaanong magtatagal at pagkatapos nga ng nasabing relasyon na hindi gaanong magtatagal, sa ikalawang pakikipagrelasyon mo, ito na ang kaisa-isang iginuhit sa Marriage Line (Drawing A. at B. 1- M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad na sa bandang huli ay mauuwi rin sa isang maligaya at panghabambuhay na pag-aasawa.

DAPAT GAWIN

Ayon sa iyong mga datos, Elvira, ang umusbong at kusang tumubo na Marriage Line sa kaliwa at kanan mong palad (1-M arrow a.) humigit kumulang sa edad mong 32 hanggang 33 pataas, magkakaroon ka ng seryoso at pangmatagalang relasyon na siya na ring magiging asawa mo, pero bago dumating ang lalaking nabanggit, tulad ng naipaliwanag na, magkakaroon ka muna ng fling na relasyon (arrow b.) at ang lalaking ito ay darating sa taon ding ito ng 2023, sa edad mong 31 ngunit makalipas ang mga ilang buwan ay tuluyan din itong maglalaho, sa pagsapit ng susunod na taong 2024 sa edad mong 32 pataas mami-meet mo na ang lalaking itinakda sa iyo ng kapalaran na nagtataglay ng zodiac sign na Capricorn na siya na ring makakasama mo sa pagbuo ng isang maligaya at panghabambuhay na pamilya.


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | July 7, 2023





KATANUNGAN

  1. Kung tutuusin masaya naman ang pamilya namin, kasi mayroon akong mabait at responsableng mister. Ang problema lang talaga namin ay ang tungkol sa pera. Mahina ang kita niya sa pinapasukan n’yang kumpanya habang ako naman ay nasa bahay lang.

  2. May tatlo kaming mga anak at ang panganay ay gradweyt na ng senior high school. Ang pinoproblema ko ngayon ay kung saan kami kukuha ng pera pangkolehiyo niya.

  3. Binabalak ko ngayong mag-abroad kaya lang ayaw naman akong payagan ng mister ko. Malungkutin at mahina kasi ang loob niya. Parehong mahina ang loob namin kaya walang mangyayari sa buhay namin.

  4. Kaya naisipan kong sumangguni sa inyo, Maestro, upang itanong kung ano kaya ang maganda naming gawin para umunlad ang aming kabuhayan at mapag-aral namin ang aming mga anak sa kolehiyo upang hindi sila matulad sa amin na hindi nakatapos ng pag-aaral.

KASAGUTAN

  1. Tama ang iniisip mo, Reyna Lyn, kailangang n’yong magsikap dahil kung walang magsisikap sa inyong dalawa, tama ka, tulad n’yo lalaki rin ang mga bata na ‘di makakapagkolehiyo, kaya ang ending wala rin silang magiging future.

  2. Samantala buti na lang at kinakitaan ng malinaw at malawak na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) ang kaliwa at kanan mong palad, nangangahulugang kahit na ngayon ay medyo kontrabida pa si mister sa binabalak mong pangingibang-bansa, ‘wag kang mag-alala, darating at darating din ang panahon na mapapahinuhod mo si mister hanggang sa bandang huli mapilitan na rin siyang pumayag sa gusto mong pangingibang-bansa.

  3. Ang pag-aanalisang magkakasundo naman kayo sa bandang huli at papayagan ka rin ni mister na mag-abroad ay madali namang kinumpirma ng hiwalay na Life Line at Head Line (Drawing A. at B. L-L at H-H arrow b.) sa kaliwa at kanan mon palad. Tanda na sa sandaling nakita ng iyong asawa na pursigidung-pursigido ka makapag-abroad upang umunlad ang inyong buhay, hindi na rin siya makakakontra sa sandaling nalalapit na ang iyong pag-alis na tinatayang magaganap sa second quarter ng taong 2024.

DAPAT GAWIN

Tulad ng nasabi na Reyna Lyn tama ang iniisip mo, kung saan, ayon sa iyong datos basta’t magsikap ka lang mag-apply sa abroad, sa buwan ng Mayo hanggang Hunyo, sa susunod na taong 2024 edad mong 34 pataas, may isang mabunga at mabiyayang pangingibang-bansa ang itatala sa iyong kapalaran na magiging simula upang makaahon sa kahirapan ang inyong pamilya hanggang sa mapag-aral n’yo na sa kolehiyo ang inyong mga anak at tuluyan na rin silang magkaroon ng isang asensado at maunlad pamumuhay ang inyong pamilya.



 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | July 5, 2023





KATANUNGAN

1. May boyfriend ako at siya ang first boyfriend ko. May nangyari na sa amin. Nais ko sanang malaman kung siya na kaya ang makakatuluyan ko, kahit na dalawa ang Marriage Line sa kaliwa at kanan kong palad?

2. Kung hindi pa siya ang makakatuluyan ko, may lalaki pa kayang darating na magmamahal at magpapakasal sa akin kahit hindi na ako virgin?

KASAGUTAN

1. Wala namang kaugnayan ang virginity sa itinakdang tadhana o kapalaran ng isang babae lalo na sa katulad mong maganda at bata pa. Minsan kung ano pa ang nakatakda, ‘yun pa ang hindi nagaganap.

2. Kapansin-pansin ding maraming mga babae na dati ng may asawa ang naghihiwalay at nakakapag-asawang muli, ang iba naman ay paulit-ulit pa ngang nakapag-asawa ng maraming beses, ‘yun pa kayang nawalan lang ng virginity ang hindi na makapag-aasawa?

3. Ibig sabihin, kahit hindi ka na virgin, walang dahilan o hindi hadlang ‘yun para ikaw ay hindi makapag-asawa at magkaroon ng isang masaya at panghabambuhay na pamilya as long as may matino at maganda ka namang Marriage Line sa kaliwa at kanan mong palad.

4. Sa kaso mo, Jasmine, kapansin-pansing nabiyak o pumangit ang unang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad, na nangangahulugang hindi ang una mong boyfriend o ang una mong nakarelasyon ang iyong makakatuluyan.

5. Bagama’t magiging meaningful at mahalaga ang kasalukuyang relasyon sa bandang huli ay mauuwi rin ang nabanggit na samahan sa paghihiwalay upang bigyang daan ang pagdating ng ikalawang mas maganda at mas malinaw na Marriage Line (Drawing A. at B. 2-M. arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad na nagpapahiwatig ng isang mas masaya at mas tagumpay na relasyon na hahantong sa isang panghabambuhay na pagpapamilya.

DAPAT GAWIN

Ayon sa iyong mga datos, Jasmine, bagama’t sa kasalukuyan ay iinit pang lalo ang relasyon n’yo ng boyfriend mo, sa bandang huli ay mauuwi rin ito sa biglaang paghihiwalay, upang pagpasok ng susunod na taong 2024, sa edad mong 25 pataas, isang bagong pag-ibig at pakikipagrelasyon ang darating na hatid ng isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Gemini. Hindi mapapasubalin ang nakakda, ang ikalawang pakikipagrelasyong ito (Drawing A. at B. 2-M arrow b.) ang siya na ngang mapapangasawa mo at makakasama sa pagbuo ng isang maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya, na nakatakdang mangyari at maganap sa taong 2026 sa edad mong 27 pataas.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page