top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | Enero 24, 2024



KATANUNGAN

  1. Last year, nag-training ako bilang caregiver. Aalis na sana ako nang bigla akong nagkasakit, kaya hindi natuloy ang pag-alis ko patungong abroad. Nawawalan na tuloy ako ng pag-asa, at mag-iisang taon na rin akong walang trabaho.

  2. Sa tingin n’yo, Maestro, makakaalis pa kaya ako rito? Matagal na kasi akong walang trabaho, hanggang sa naisip kong bumalik na lang sa dati kong pinapasukang amo bilang kasambahay, doon kasi libre pa ang lahat, kaya nakakapag-ipon pa ako, ‘yun nga lang ay stay-in ako roon.

  3. Maestro, may Travel Line ba ang aking palad o wala lang talaga akong pag-asang makapag-abroad, kaya ibinabalik na lang ako sa dati kong trabaho? 


KASAGUTAN

  1. Tama ang desisyon mong bumalik na lang sa dati mong amo, nangyaring ganu’n dahil sa kasalukuyan ay wala namang malinaw na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad, kung kaya’t tama ang binabalak mong bumalik sa dati mong trabaho kaysa patambay-tambay ka lang ngayon at walang ginagawa.

  2. At tulad ng nasabi na, bumalik ka sa dati mong trabaho, ang pinakamaganda mong dapat gawin ay habang nagtatrabaho ka, mag-ipon ka nang mag-ipon dahil sabi mo nga nakakapag-ipon ka naman du’n. At sa sandaling nakapag-ipon ka na, ang una mong dapat gawin ay magnegosyo, sapagkat mas nagtataglay ka ng malinaw at makapal na Business Line (Drawing A. at B. N-N arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  3. Ibig sabihin, higit kang aasenso sa pagnenegosyo ng mga produktong may kaugnayan sa butil, at basic needs na pang-araw-araw na pangangailangan ng mga tao, tulad ng bigas, asukal, kape, mantika, delata, at iba pang uri nito. Kaya tama na magnegosyo ka, kaysa ipagpilitan mo ang iyong sarili sa pangingibang-bansa na malabo namang mangyari sa kapalaran mo dahil nga wala pa namang nakikitang malinaw na Travel Line sa iyong palad, (t-t arrow 1.)


DAPAT GAWIN

  1. Kaya nga ayon sa iyong mga datos, Daisy, huwag mo na munang asahan o isipin ang pangingibang-bansa. Sa halip, pumasyal ka na sa dati mong amo at muli kang bumalik sa dati mong trabaho.

  2. Sa ganyang paraan sa pamamagitan ng muling pamamasukan bilang kasambahay at sa pag-iipon, darating din ang panahon na kapag may sapat ka ng puhunan, tuluy-tuloy nang lalago ang inyong kabuhayan hanggang sa yumaman ka, na magsisimulang mangyari sa taong 2036, sa edad mong 41 pataas, (Drawing A. at B. H-H arrow c.).



 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | Enero 21, 2024



KATANUNGAN

  1. Ang problema ko ay tungkol sa trabaho. Ang nangyari kasi sa pinapasukan ko, mula nang mapalitan ang aming manager, sinisiraan na ako ng bago naming manager sa may-ari ng kumpanya dahil matagal na ako rito, samantalang siya ay kadarating palang. Ang lamang niya sa akin ay kamag-anak niya ang may-ari. Madalas tuloy kaming magkasagutan at ang dati kong kasamahan na dati ring loyal sa akin, ngayon ay sa kanya na sumisipsip.

  2. Kaya tinatamad na akong magtrabaho. Sa totoo lang, hindi na ako masaya rito, balak ko na sanang mag-resign at magpatayo na lang ng sarili kong business na bakery o bake shop.

  3. Maestro, tama ba ang desisyon ko na mag-resign? More than six years na ako rito pero ‘di man lang ako umaasenso at wala rin akong naipon dahil ‘di rin naman kalakihan ang sinusuweldo ko. 

  4. Kung sakaling magnegosyo na lang ako, may pag-asa kaya akong yumaman na siya talagang pangarap ko?


KASAGUTAN

  1. Kung inaasar ka ng mga kasamahan mo r’yan sa opisina na pinaglilingkuran mo, at ang sabi mo pa ay madalas mong makabangga ang bago n’yong manager na kamag-anak pala ng may-ari, tama lang ang desisyon mo na mag-resign at magpatayo ng sarili mong negosyo na siya namang nais ipahiwatig at ipagawa sa iyo ng mas malinaw at makapal na Business Line (Drawing A. at B. N-N arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad, kung ikukumpara sa maganda rin naman pero hindi masyadong makapal na Fate Line or Career Line (Drawing A. at B. F-F arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ito ay malinaw na tanda na higit ka ngang aasenso sa pagbubukas ng sarili mong business na may kaugnayan din sa kasalukuyan mong trabaho at larangan na may kaugnayan sa pagkain. 

  2. Ang pag-aanalisang sa produkto o kalakal na pagkain ka aasenso ay madali namang kinumpirma ng zodiac sign mong Libra sa birth date na 6 kung saan, bagay na bagay nga sa isang “Venusian personality” na tulad mo, lalo na’t kung may pagka-chubby ka, ang mga gawaing may kaugnayan sa pagluluto, pagbe-bake at sa pagma-manage ng masasarap, makulay, matamis at masusustansiyang pagkain, tiyak na uunlad at aasenso ang itatayo mong bagong negosyo.


MGA DAPAT GAWIN

  1. Kung ikaw ay isang babaeng maputi, mahaba ang buhok, bilugan ang mukha, sexy at maganda, tulad ng nasabi na, under ka ng tinatawag na “Venusian type of personality”. Dahil dito, susuwertehin ka sa negosyong may kaugnayan sa pagkain na nagkataon pang ika’y isang Libra na may birth date na 6 sa destiny number na 9.

  2. Samantala, sa pagpapatayo ng sariling business, isaalang-alang mo ang kulay na pink o pula at iba pang kulay na hinango sa pula. Gayundin ang pagdidispley ng mga sariwang halaman at mga bulaklak sa paligid ng iyong bakery.

  3. Sa ganyang paraan, ayon sa iyong mga datos, Jhie. Sa buwan ng Setyembre o Oktubre ay magsisimula ka na ng sarili mong business, humigit kumulang mga 6-7 years from now, aasenso na ang sarili mong negosyo at sa nasabing panahon, pagtuntong mo naman sa edad na 42 pataas, magsisimula ka na ring umunlad nang umunlad hanggang sa tuluyan mo na ring matupad ang pangarap mong yumaman, (Drawing A. at B. H-H

 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | Enero 20, 2024



KATANUNGAN

  1. May boyfriend ako, pero parang ayaw niya pang mag-asawa, samantalang ako ay gusto ko nang mag-asawa. 33-anyos na ako habang 29 palang ang boyfriend ko at parang marami pa siyang pangarap at gustong gawin sa buhay. 

  2. Pero sabi ko sa kanya, kahit mag-asawa na kami, hangga’t hindi pa kami nagkakaanak ay magagawa pa rin naman niyang tapusin ang kanyang masteral at mag-review o mag-take ng board exam, pero tengang-kawali siya sa sinasabi kong ‘yun. 

  3. Kaya ang balak ko ay pilitin siya para maikasal na kami. What I mean is, gagawa ako ng paraan na hindi na siya makakaatras pa na pakasalan ako. Tama ba ang balak kong ito?

  4. Gusto ko ring malaman kung siya na ba ang mapapangasawa at makakasama ko sa pagbuo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya? 


KASAGUTAN

  1. Hindi mo dapat pilitin ang iyong boyfriend sa isang bagay na hindi naman talaga niya gusto, lalo na kung ito ay may kaugnayan sa pag-aasawa o pagpapakasal. Dahil sa bandang huli, ang relasyon o buhay pag-aasawang papasukin n’yo, gayundin ang itatayo n’yong pamilya ang maaaring magdusa. 

  2. Kaya ang pinakamabuti mong magagawa ngayon ay hayaan mong magkusa ang iyong boyfriend na pakasalan ka dahil ito ang pinakamagandang relasyon o pag-aasawang gagawin ng isang lalaki. Kumbaga, ‘yung siya mismo ang nagpasya sa gusto na. Sa ganitong sitwasyon, tulad ng naipaliwanag na, higit na magiging matatag, maunlad at maligaya ang itatayo n’yong pamilya.

  3. Ganundin ang posibilidad na maaaring mangyari sa hinaharap basta’t ‘wag kang magmadali sa kasalukuyan n’yong relasyon. Ito ang nais sabihin ng kaisa-isang maganda na Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na sa pag-aasawa, ‘pag hindi ka nagpadalus-dalos ng pagpapasya, tiyak ang magaganap — sa piling ng iyong boyfriend, magtatagumpay ang papasukin n’yong pag-aasawa at habambuhay nang magiging maligaya ang itatayo n’yong pamilya.

 

DAPAT GAWIN

Ayon sa iyong mga datos, Rachelle, ang inyong pagpapakasal ay nakatakdang mangyari sa susunod na taong 2025, sa edad mong 34 at 30 naman ang boyfriend mo. Ang nasabing pag-aasawa ay may pangako ng maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya, (Drawing A. at B. 1-M arrow a. at h-h arrow b.).  


 
 
RECOMMENDED
bottom of page