top of page
Search

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | May 25, 2021



ree

Puspusan na ang paghahanda ng bumubuo ng highly-anticipated live-action TV series ng Kapuso Network na Voltes V: Legacy para sa first leg ng kanilang locked-in taping.


Sa isang Instagram post ay ibinahagi ni Direk Mark Reyes na nakapag-check-in na sa hotel ang ilang cast members ng series nitong Biyernes (May 21) upang sumailalim sa quarantine bago opisyal na simulan ang kanilang taping.


Kasama sa post ang kakalaban sa team Voltes V na Boazanian gang na kinabibilangan nina Prince Zardos (Martin del Rosario), Zuhl (Epy Quizon), at Draco (Carlo Gonzalez), kasama rin ang executive producer ng series na si Darling Torres.


Ani Direk Mark, "We start our hotel quarantine today. In a few days, we'll finally start production on Voltes V: Legacy! #newnormal #safetyprotocols #letsvtogether #theboazaniansarecoming.”


Iikot ang kuwento ng Voltes V: Legacy sa tatlong magkakapatid na sina Steve (Miguel Tanfelix), Big Bert (Matt Lozano), at Little Jon Armstrong (Raphael Landicho) kasama ang kanilang mga kaibigan na sina Jamie Robinson (Ysabel Ortega) at Mark Gordon (Radson Flores) na may misyong labanan ang humanoid aliens na Boazanians na planong sakupin ang mundo.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | November 9, 2020


ree


Pumanaw na ang host ng quiz show na “Jeopardy!” na si Alex Trebek noong Linggo, sa edad na 80. Dalawang taong pinaglabanan ni Trebek ang kanyang pancreatic cancer habang ipinagpapatuloy ang pagte-taping sa naturang programa.


Inanunsiyo ng “Jeopardy!” sa kanilang Twitter account ang malungkot na balitang pagkamatay ni Trebek. Anila, “‘Jeopardy!’ is saddened to share that Alex Trebek passed away peacefully at home early this morning, surrounded by family and friends. Thank you, Alex.”


Nagpahayag naman ng pakikiramay si Canadian Prime Minister Justin Trudeau sa naulilang pamilya ni Trebek. Aniya, "We have lost an icon. Almost every night for more than three decades, Alex Trebek entertained and educated millions around the world, instilling in so many of us a love for trivia.


“My deepest condolences to his family, friends, and all who are mourning this tremendous loss.” Sa Canada ipinanganak si Trebek at naging US citizen noong 1998.


Bukod sa "Jeopardy!” ay naging host din siya ng game shows na "Double Dare" at "Classic Concentration.”

 
 

ni Thea Janica Teh | September 4, 2020


ree

Kumalat sa Britain ang isang report na positibo sa COVID-19 ang bagong Batman actor na si Robert Pattinson.


Sa inilabas na statement ng Warner Bros., isang miyembro ng production ang nagpositibo sa COVID-19 kaya naman pansamantala nitong ititigil ang filming. Walang binanggit na pangalan ang Warner Bros. kung sino sa mga ito ang nagpositibo.


Ngunit ayon sa Variety, Hollywood Reporter at Vanity Fair magazine, ang taong tinutukoy

sa pahayag ay si Robert Pattinson. Nakumpirma umano nila ito mula sa “highly place

sources” sa bansa.


Wala namang inilabas na komento si Pattinson pati na rin ang Warner Bros. tungkol dito. Kaya naman hindi pa rin malinaw kung ang 34-anyos na aktor ang nagpositibo sa COVID-19.


Kababalik lamang ng produksiyon ng Batman ngayong buwan matapos itong ipatigil noong Marso kasabay ng iba pang pelikula at TV shows dahil sa COVID-19 pandemic.


May 3 buwan na lang bago matapos ang pelikula. Una nang inanunsiyo na ipapalabas ito sa June 2021 ngunit naurong sa October 2021.


Noong Agosto, ipinasilip ng Warner Bros. ang bagong Batman movie sa inilabas na trailer.


Isa lamang ang produksiyong ito sa mga nahihirapang bumalik sa trabaho dahil sa

nararanasang pandemic.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page