top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 26, 2020


ree


Epekto ng bullying (sa taong nambu-bully at nabu-bully) — bagay na binigyang-diin sa Japanese anime na “A Silent Voice.” Sadyang mabigat ang palabas na ito na tumatalakay sa mapait na katotohan sa lipunan habang ipinakikita rin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng tunay na kaibigan, gayundin ang halaga ng suporta ng pamilya sa bawat indibidwal na humaharap sa mga mabibigat na problema.


Ang “A Silent Voice” ay produced ng Kyoto Animation sa direksiyon ni Naoko Yamada at sa panulat ni Reiko Yoshida. Ito ay base sa manga na written and illustrated by Yoshitoki Ōima.


Sa simula ng istorya ay isang teenager na nagngangalang Shoya Ishida ang nagtangkang mag-suicide dahil sa bangungot ng kahapong dulot ng kanyang pambu-bully sa elementary classmate niyang may kapansanan sa pandinig (deaf) na si Shoko Nishimiya. Sa pamamagitan ng pagsulat sa notebook, sinusubukang makipag-usap ni Shoko sa kanyang mga kamag-aral at ginawa niya ang lahat para makipagkaibigan sa kanila ngunit paulit-ulit lang siyang pinag-trip-an at binully-bully ng mga ito sa pangunguna ni Shoya. Lumala ng lumala ang pambu-bully nila kay Shoko kaya nakarating ito sa principal ng kanilang paaralan at si Shoya ang sinisi ng lahat ng kamag-aral nila. Binully din ng buong klase si Shoya katulad ng ginawa niya kay Shoko.


Dahil bumalik kay Shoya ang lahat ng pambu-bully na ginawa niya kay Shoko, nagkaroon siya ng social rejection at naging loner. Ito rin ang dahilan kung bakit niya naisipang mag-suicide ngunit sa huli ay pinili niyang subukang makipag-ayos kay Shoko.


Nang makita niya ang isa pa nilang kamag-aral na si Tomohiro Nagatsuka, isa ring loner na binu-bully ng isang lalaki sa daan, tinulungan niya ito at naging magkaibigan sila. Tinulungan siya ni Nagatsuka para makipagkaibigan kay Shoko.


Dahil sa pagkakaroon ng kapansanan, nagtangka ring magpakamatay si Shoko dahil sa self-hatred na dulot pa rin ng pambu-bully sa kanya noon pero nailigtas siya ni Shoya at ang huli ang nalaglag sa building pero sa kabutihang-palad ay naligtas naman ang kanyang buhay.


Mga ka-BULGAR, hindi biro ang pinsalang naidudulot ng bullying. Malinaw na naipakita sa “A Silent Voice” na mayroong psychological effect na naidudulot ang bullying sa taong nabiktima nito at sa taong gumagawa nito na maaaring humantong sa depression at pagpapakamatay. Ang bullying ay parang cancer na hindi kaagad nade-detect o nakikita ang epekto. Ang sugat na nagagawa nito ay tahimik na sumisira sa ating psychological at mental health.


Nang sinabi ni Shoko na: “I want to restore what I destroyed,” ipinauunawa ng “A Silent Voice” na hindi solusyon ang pagpapakamatay at pagtakas sa damages na naidulot natin sa ibang tao at sa sarili natin. Sa tulong ng mga taong nagmamahal sa atin, malalabanan natin ang masasamang epektong dulot nito.

 
 

ni Thea Janica Teh | June 26, 2020


ree


Mark your calendars dahil ito na ang list na mga dapat abangan sa Netflix ngayong July 2020!


Movies:

July 3 - Desperados

July 5 - On Vodka, Beers, and Regrets

July 7 - Truth or Dare: Extended Director's Cut

July 9 - Little Women

July 9 - The Maid

July 10 - The Epic Tales of Captain Underpants in Space

July 16 - Fatal Affair

July 23 - Bad Boys for Life

July 23 - The Larva Island Movie

July 24 - Dragons: Rescue Riders: Secrets of the Songwing


NETFLIX ORIGINALS:

July 1 - Unsolved Mysteries (Documentary)

July 10 - The Claudia Kishi Club (Documentary)

July 10 - The Old Guard

July 21 -Jack Whitehall: I'm Only Joking (Comedy Special)

July 24 - The Kissing Booth 2


SERIES:

July 2 - Warrior Nun

July 3 - Ju-On: Origins

July 3 - The Baby-Sitters Club

July 8 – Stateless

July 8 - Was It Love?

July 11 - About Time

July 17 - Cursed

July 25 - New Girl: All Seasons

July 25 - Grey's Anatomy: Seasons 1-15

July 26 - Good Girls: Season 3

July 31 - Get Even

July 31 - The Umbrella Academy: Season 2


ANIME:

July 1 - Kabaneri of the Iron Fortress

July 9 - Japan Sinks: 2020

July 30 - Transformers: War for Cybertron Trilogy


I-alarm na ang cellphone at i-on ang notification ng Netflix para hindi mapalagpag ang mga favorite nating movies at series! Sabi nga, “Netflix and chill”

 
 

ni Thea Janica Teh | June 25, 2020


ree

Good news para sa mahilig sa Pokémon! Inanunsiyo noong Wednesday ang bagong laro na Pokémon Unite na kapareho umano ng MOBA (multiplayer online battle arena) tulad ng League of Legends o DOTA 2.



Ito ay binuo ng Tencent’s TiMi Studios na katulad ng studio ng Call of Duty: Mobile. Ito rin ang kauna-unahang strategic team-based Pokémon battle game na magiging available sa Nintendo Switch at mobile ng libre. Hindi lang ‘yan, puwede rin itong laruin ng cross-play for multiplayer.


Sa ngayon, hindi pa inaanunsiyo kung kailan ang release date ng Pokémon Unite.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page