top of page
Search

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | September 26, 2020




Ang pasya mong manirahan abroad ay exciting ika nga. Naroon ang tuwa at kilig dahil sa ang matagal mo nang pangarap ay matutupad. Pero ang ganyan nga namang mga plano kahit sabihin pang pansamantala ay kailangan ng malaking gastusin, dahil unang-una kung doon mo planong mag-aral o magtrabaho ay magiging kakaiba na ang buhay, maging ang uri ng edukasyon ay mag-iiba pati na ang kulturang gagalawan.


Ang pag-aaral halimbawa sa Amerika, sa Paris o Tokyo o pagtatrabaho man ay may advantage at disadvantage.


1.KAKAIBANG KULTURA.


Ang pagkilala sa ibang uri ng kultura. Ang paninirahan abroad sa sandali ng panahon ay panibagong paghahantad mo sa kabuuan ng bagong mundong ginagalawan. Diyan mo makikita sa ibang bansa kung paano nila ginagamit ang kanilang oras, tamang ugali, pagturing at pagtingin sa nakatatanda o sa mas bata o kung paano sila uupo sa kanilang hapag kainan. Dito mo mapapansin at kulturang sadyang kaibang-kaiba sa ating nakasanayan bilang Filipino. Matutulungan ka rin sa paraang ito kung paano ka makikisalamuha at susunod sa bawat alituntunin ng ipinatutupad ng kanilang mga pinuno.

2. ANG PAGKAPA SA LENGGUWAHE.


Nakakatameme na marinig ang ibang lengguwahe ng isang bansa na iyong pupuntahan,halos iilang salita lang ang iyong naiintindihan. Pinakamainam na habang nariyan ka na rin lang sa naturang bansa ay bumili ng aklat o mag-google ng may translation halimbawa ng English to Japanese. Pag-aralang mabuti ang mga salitang dapat gamitin habang nakikipag-usap. Huwag mahihiyang makihalubilo sa kanila. Kahit baluktot ang iyong lengguwahe ay matutuwa pa rin sila sa iyong determinasyon na matuto. Kung nakapag-i-English ka naman ay gamitin na ito lalo na kung marami naman ang nakauunawa sa lengguwahe ng Ingles sa bansang iyan. Nariyan na rin ang iyong pagkakataon na makapagbasa, makapagsulat at makapagsalita ng dayuhang salita tulad ng French, German o Japanese nang mas madalas ayon sa gusto mo. Ito ang makatutulong sa iyo para tuluyan mong matutunan ang lengguwahe nang mabuti at makapagsalita ng tama.

Ang husay sa kaalaman sa dayuhang salita ang magbubukas sa iyo ng lahat ng uri ng kabuhayan at pakikipagkaibigan para sa marami. Ang pag-aaral sa kanilang salita ang unang hakbang mo para sa higit na malalim na kaalaman sa kanilang karakter at kultura.


3.BUWIS.


Kakaiba rin ang bayaran sa buwis kapag nanirahan ka sa ibang bansa. Walang ligtas ang kahit sino sa pagbabayad ng buwis. Gayunman, kung residente ka sa loob ng 330 araw o 12-buwan, obligado ka na magbayad ng halaga kada taon bilang income tax mo. May dagdag na pondo ang mag-asawa para sa isa pang tao sa kanilang income taxes. Kaya kailangan mong mag-file ng income tax para ma-claim ang benefits na ito. Tanging ang income na naipon mula sa pagtatrabaho ay ina-aplay sa exclusion na ito. Kumunsulta sa tax attorney para sa iba pang detalye.

4.MAGASTOS NA PAGBABALIK-BAYAN.


Isang disadvantage ng paninirahan abroad ay iyong kahirapan na makita ang pamilya at mga kaibigan sa sinilangang bansa.Ang pagbabalik-bayan madalas na magastos ang pasahe sa eroplano, pasahe sa barko o tren. Natural na gusto mong magbakasyon para makita ang sariling magulang at mga lolo at lola kada taon.


5. NAPAKATAGAL BAGO KA MAKA-ADJUST SA KONDISYON NG PAMUMUHAY.

Iyong mga naninirahan abroad ay una munang nahihirapan na humanap ng kanilang paboritong pagkain na nakasanayan sa sariling bansa noon. Hinahanap ang dating gustong crackers, palaman o tsokolate. Kung dati, maluwag at maliwanag ang iyong kuwarto sa Pilipinas, sa ibang bansa, masuwerte nang magkaroon ka ng kuwartong 4 meter by 4 meter ang laki. Ang inuming tubig ay puwedeng de gripo o poso ang iinumin at kung bibili ng bottled water ay napakamahal.

 
 

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | September 25, 2020




Hey, GIRL! ano ba?! Hindi pa end of the world kapag lampas ka na sa edad 35 at single ka pa rin.


Huwag kang mag-aalala kung magbi-birthday ka naman tapos ay ganun pa rin wala ka pa ring boyfriend. Heto ang tips ng mga eksperto para di ka maburyong sa edad mo.


1. JUST WANNA HAVE FUN. Burahin mo na ang iyong dating routine, gumawa ng isang bagay na kakaiba. Puwedeng mag-aral ng pagha-hardin, pagluluto, magnegosyo, mag-audio graphics editing, photography, scuba-diving, mag-pole dancing, pagkanta sa ibabaw ng stage, magtipa sa piano, mag-aral gumitara, baguhin ang kulay ng buhok etc.

Ibang bagay nga naman ang iyong gawin, kung halos 38 oras kang nagtatrabaho sa isang Linggo. Hindi na kasi healthy na pagkatapos ay agad kang mauupo sa sofa, manonood ng TV, paano ka pa magiging attractive sa iba niyan?


2. Makipag-usap sa matagal nang hindi nakakausap o nakikitang kaanak o ibang kaibigan, i-video call sila kahit napipilitan ka. Manamit ng maayos, ayusin ang hitsura at ngumiti. Sa sandaling masaya ka sa piling nila, ipaalala mo sa kuwentuhan ang mga dati ninyong pinagsamahan at mga ginagawa, iyong masasaya kayo noong bata pa. Pakinggan din ang sasabihin ng iyong mga tiyahin at tiyuhin, lolo at lola. Magiging masaya kayo lahat kapag nagkakuwentuhan.


3.Magboluntaryo sa isang charitable organization o non-profit institution. Maaring ito ay sa isang bahay-ampunan, elderly home, home for differently abled at magluto para sa kanila. Magsimula sa isang bagay na magagawa mo nang mabuti at maibahagi ang iyong talento. Hindi lang sa nakakatulong ka sa mga kapus-palad kundi malay mo dito mo makilala ang taong may ginintuang puso.


4. Ang iba ay nagagawa lang ang dating online at sa paraan na diyan sila kuntento. Huwag kang magmadali sa paghahanap ng iyong ka-date, ang iba ay nage-enjoy lang sa online dating. Konting tiyaga lang, malay mo siya na ang iyong makapalad sa dakong huli.


5. Huwag kang masyadong magpapadala sa mga tudyo na, “Hoy, tumatanda ka na, mag-asawa ka na, girl!” Basta’t alam mo sa iyong sarili na pakakasal ka rin sa tamang panahon at may tamang tao na nakalaan para sa iyo. Kaya sa susunod, kapag tinanong ka ng uncle o auntie mo kung bakit hindi ka pa rin ikinakasal, sabihin sa kanila na hindi pa kasi dumarating sa iyo ang taong ipinagkaloob ng Diyos o kaya ay saka sila tanungin kung mayroon ba silang gustong irekomenda at ipakilala sa iyo. Basta’t lagi kang may nakahandang ngiti sa kanila.


6. Ikinasal ka na, at last! Kung nagawa mo na ang lahat ng hakbangin na nabanggit at wala ka pa ring matagpuang Mr.Right o Ms. Right, tanggapin mo na ang blessing ng pagiging single at ikasiya ang damdamin ng ganyang status. Tandaan na ang mga kasal na ay may katuwang na sa kasiyahan, kalungkutan at tone-toneladang responsibilidad. Kung tagumpay at nagkakaedad nang masaya at pagkatapos ay nakatagpo ka nang iyong magiging partner, ayos na, kasalan na.


7. Panghuli, anuman ang iyong estado sa buhay, single, married, hiwalay at anuman ang iyong edad, huwag kalimutan na ingatan ang iyong sarili para sa iyong kinabukasan, matulog nang maaga, kumain ng masustansiya, naibigay mo na ang iyong magagawa at paglilingkod sa komunidad, anuman ang talento na mayroon ka. Lumabas at yakapin ang mundo nang masaya. Magpasalamat ka dahil sa ikaw ay malakas at buhay pa!

 
 

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | September 24, 2020




Mahal mo ba ang iyong kakambal na kapatid, pero gusto mo ba na magkaroon ka ng sariling pagkakakilanlan o identity? Basahin ito at tiyak na maging ang iyong kakambal ay ganyan din ang naisin niya para sa kanyang sarili.


1. MAGKAROON ng sariling estilo. Kung sakaling malayo man sa piling mo ang kakambal, hingin ang tulong ng iyong nanay. Ipaliwanag sa kanya na tanggap mo na mayroon kang kakambal pero gusto mong magpatuloy sa buhay na magkaroon ng sariling estilo, ito’y para hindi malito ang ibang tao kung halos parehong-pareho kayo ng hitsura.


2. Mahirap pero dapat na magkaroon ka na rin ng ibang bagay na mapagkakaabalahan na kakaiba sa iyong kakambal.


3. Sumama sa mas marami pang kaibigan kaysa sa kakambal.


4.Manamit nang kakaiba sa kakambal. Hindi mo kailangang magkaroon ng dramatikong pagkakaiba ng estilo sa kanya, basta’t huwag mong eksaktong gayahin ang estilo niya. Kung ang kakambal ay nagsusuot ng tight clothes, puwedeng ikaw ay magsuot ng maluwag na damit.


5.Tiyakin na ang iyong kakambal ay hindi mababalewala!


6.Magkaroon ng sariling lakas at galing halimbawa sa palakasan,sa pautakan sa pagluluto o pananahi, karamihan sa magkakambal ay mayroong magkaibang kalakasan, gamitin ito bilang magkaibang indibidwal.


7.Kausapin ang kakambal para malaman niya na gusto mong maging kumpiyansa at independiyente. Siyempre, hindi mo masasabing paglaki ninyo ay pareho kayong maging artista, singer o manunulat, pero kung gusto mong maging kakaiba sa kanya, ayos lamang.


8.Paalala sa magulang ng mga kambal, indibidwal man sila na pareho sa hitsura, pero may kaibahan din, hindi sila isang tao na sa iisang katawan. Paano n’yo ba gugustuhin ang isang tao na parating ginagaya ang iyong hitsura?


9. Hindi man umubra ito sa’yo, pero mainam na ring mangyari.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page