top of page
Search

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | November 28, 2020

Panahon na para ibalik natin ang lupang kinatitirikan ng ating tahanan sa mga halaman at punongkahoy na lingid sa ating kaalaman na dating lugar na madawag o magubat. Sinasabing ang pagbabago ay nagsisimula sa tahanan, pero paano kung may magagawa ka palang napakahalagang pagbabago bilang bahagi ng isang pamilya sa komunidad? Ano ba ang kailangan? Lahat tayo ay nabubuhay sa iisang mundo, responsable para sa kalusugan at kalinisan ng ating kapaligiran.

Kung isa ka sa mga taong nais na magkaroon ng malinis, maayos, luntian, mahalaman at mapuno ang kapaligiran ay dapat nagkakasundo ang bawat isa, maiwasan ang masamang polusyon at mabigyan ng malinis na hangin ang mga bata, bakit hindi pairalin ang tamang eco-friendly attitude o ang mapangalagaan ang kapaligiran sa pamamagitan ng pagtatanim ng tamang mga halaman at gawing luntian ang buong komunidad.

Kapag naging aktibo ka sa ganitong pagkilos, matuturuan mo kung paano palawakin pa ang kampanya at mabanggit ito sa iyong mga kaibigan.

  1. Kung hindi gaanong makalabas, bigyan na ng oras na makausap ang mga kapitbahay sa online chat at matutunan kung anu-ano ang kanilang mga kailangan at kagustuhan para sa kapaligiran. Alam natin na sa panahon ngayon ay nauuso ang paghahalaman ng mga nasa urban areas tulad ng Metro Manila. Magandang simulain iyan. Kung noon, marami ang wala nang panahon dahil busy na sa trabaho at sa gabi para makipagkapitbahay pa, nagmamadali pa para magluto ng hapunan o almusal. Ngayon ay magkaroon ng oras na makausap ang mga kapitbahay at maging alisto sa mga taong interesado sa kanyang kapaligiran.

  2. Magtanong. Makipag-usap sa kapitbahay hinggil sa mga unang hakbangin na dapat gawin upang gawing luntian ang kapaligiran. Tingnan kung ano ang kanilang opinyon kung ano ang kanilang maitutulong para sa kapaligiran. Sa totoo lang marami naman ang gustong magkaroon ng luntian at maberdeng kapaligiran, lamang ay wala silang paraan para maumpisahan ito.

  3. Makipagkompetensiya. Gawing ekstrang malusog ang kompetisyon lalo na kung kailangang makakompetensiya ang ibang barangay para sa luntiang kapaligiran. Kung minsan sa ganitong mga aktibidad ay may kaunting insentibo at premyo para sa mananalo. Kaya naman ang lahat ay maaari nang maging interesado.

  4. Bumili ng mga inaning sariwang gulay at prutas mula sa bakuran ng kapitbahay. Sa paraang ito ay makatutulong ka sa kanila, hindi ka na mamamasahe pa at magsasayang ng mahabang oras para mamalengke.

  5. Lumahok. Magsaliksik at alamin kung anong mga komunidad sa lugar ninyo ang aktibo para sa luntiang kampanya. Marami namang mga organisasyon o pulitikal na grupo ang may layunin sa ganitong uri ng kampanya. Dahil mayroon silang tulong na nakukuha mula sa gobyerno.

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | November 27, 2020

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | November 26, 2020

Hindi na mahalaga kung siya man ang iyong nanay, ama, asawa, anak, kapatid, bayaw, hipag, kaibigan, pinsan at iba pang mahal sa buhay, ang mahalaga kung nais mong higit na masaya at malusog ang relasyon, mahalaga na bawat isa sa inyo ay malaman mong napakahalaga para sa iyo, kahit na alam mong parang hindi ka nila mahal dahil pasaway ka raw.

Heto ang ilang ideya para hindi ka na nila kamuhian o mamuhi sa kanila:

1. Maging mabuting tagapakinig. Kapag gusto nilang makipag-usap sa iyo, bigyan sila ng oras. Ihinto ang anumang ginagawa at makinig nang mabuti sa kanila. Tingnan sila sa kanilang mga mata at tingnan ang kanilang facial expressions. Makinig sa tono ng kanilang boses. Damhin din ang kanilang malasakit para sa iyo. Tumugon sa mga katanungan nila at gumawa ng makatutulong na komento hinggil sa sinasabi ng minamahal sa buhay. Higit sa lahat, huwag kang mambara, hayaan silang matapos nila ang kanilang sinasabi at kanilang ipinahayag para sa iyo na ring kapakanan. Hindi ka man sang-ayon sa lahat ng bagay na kanilang sinasabi, pero dapat mong irespeto ang tumpak sa ibang tao na may opinyon na kaiba naman sa iyo. Bigyang halaga ang iniisip at damdamin ng tao na iyong minamahal.

2. Maging mabait at mabuti sa mga minamahal. Bago ka magsalita o gawin ang anumang bagay na magpapaapekto sa iba, isipin kung ano ang iyong madarama kung ang sitwasyon ay baligtad. Halimbawa ay ang panghihiram ng isang bagay nang hindi nagpapaalam, o ang pagpapakita ng pagtanggap sa mga bagay na ginawa nila sa iyo. Gumawa ng bagay para sa kanila na makikitang makakabawi ka. Sorpresahin sila sa isang espesyal na blowout mo kahit wala namang okasyon. Puwede mo silang bigyan ng bulaklak o isang bagay na alam mong ikatutuwa nila.

3. Hayaan mo lang na maging totoo sila sa iyo. Huwag kang magpilit na magbago o kontrolin (dahil ang isang tao ay walang karapatan o talino na alamin ang tunay na pagbabagong dapat gawin ng sinuman.) Gawin ang makakaya para tulungan at samahan sila sa kanilang ginagawa. Tulungan ang sinuman na iyong naging close sa kanila kahit na ang kanyang interes ay kaiba sa iyo. Matuto na pagyamanin ang kaibhan ng pagkatao dahil maganda pa rin ang may konting kontrahan para may flavor ang samahan at para mas interesting ang lahat. Maging proud sa kanilang mga naging accomplishments at ipadama ito sa kanila.

4. Magsalita ng totoo kapag ang loveones ay gusto kang pagsalitain, pero sikaping gumamit ng salitang may pagmamahal at tapatan kung gusto mo mang marinig din ang totoo hinggil sa iyo. Huwag magsinungaling o magbunyag ng anumang sikreto na ipinagkatiwala sa iyo ng iba. Kung nais nila na magbago ka na sa iyong masamang gawi tulad ng pagkalulong sa sugal ay sikapin nang magbago.

5. Huwag nang idaldal o itsismis pa ang pagkakamali ng isa sa isa pa. Maging tahimik lang. Kung ito ay isang seryosong bagay na kailangang lutasin, kailangan mong magsalita sa mga minamahal muna. Kung hindi iyan umubra, puwede silang magsalita sila sa iba na pareho ninyong pinagkakatiwalaan at siyang tunay na makatutulong.

6. Kung magbibigay ng regalo sa isang miyembro ng pamilya, isipin kung anong klase ng gamit ang kailangan ng mga mahal sa buhay na nasira o kailangan nang palitan. Isipin din ang kanilang paboritong hobbies, goals, kulay, bagay na gagawin etc. Bigyang atensiyon kung anuman ang gusto ng mahal sa buhay at samahan sila o suportahan. May nangantiyaw ba na gusto niyang maghanda ng isang espesyal na pagkain? Kailangang gabayan ka ng iyong puso at makikita mo ang tamang gift idea na maiisip mo at baka makagawa ka pa ng kakaibang gift na hindi pa naisip ng iba para sa kanya. Gumamit ng anumang espesyal na talino na mayroon ka at habang lumilikha ka, may kopya ka rin dapat na larawan niya at puwede kang mag-drawing nito at iregalo sa kanya.

7. Maglaan ng oras para sa love na makagawa ng isang bagay na gusto niya habang kasama siya. Mag-enjoy, at magsaya. Magkaroon ng magandang alaala.

RECOMMENDED
bottom of page