top of page
Search

Tips para 'di umabot sa sakitan ang pakikipagtalo.


ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | April 15, 2021




Tag-init na ngayon. Pati ulo ng tao, ang daling kumulo at mag-init. Konting kibo, naha-highblood na! Ang sigalot ay bahagi ng bawat isang relasyon. Gaano man kaayos ang relasyon ng dalawang tao dumarating ang sandali na mayroon din silang hindi napagkakasunduan at isang bagay ang kailangang lutasin sa pagitan nilang dalawa. Pag-aralan lamang kung paano makipagtalo nang hindi hahantong sa malalang away ay makatutulong na ito upang tagumpay ninyong maresolba ang lahat nang walang nasasaktang ibang tao at makasakit ng inyong relasyon.


1.Alamin ang isyu na kailangang lutasin. Gumawa ng mga plano para maresolba ito. Ang isang mainam na plano ay makatutulong upang malutas ang anumang alitan nang mapayapa.


2.Trabahuhing mabuti kung paano lulutasin ang problema, hindi ang magkonsentra sa pagkadismaya at magagalit. Kapag ang layunin ng isang argumento ay para isumbat ang dati nang sama ng loob, walang tiyak na mangyayaring magandang solusyon sa problema. Tiyakin na hindi mo magagawang mambato ng anumang maliit na problema sa gitna ng pagtatalo. Lutasin ang isang problema sa pagbibigay ng tamang panahon na ikalulutas nito.


3.Pigilan ang panggigigil na siraan ang karakter o pagkatao ng iba. Oo, talagang nakagigigil na idiin ang tao sa kanyang masamang ugali o kaya ay saktan ang loob niya sa mainitang pagtatalo, tiyak na wala namang kahahantungang resulta ang lahat kapag pinairal ang panunumbat at siraan ng ugali.

Siguradong kapag may nasaktan man sa bawat isa, matatanim pa rin sa damdamin ng isa ang sama ng loob sa mahabang panahon at iyan ngang mga salitang tumarak sa kanyang dibdib ay gawa ng away na naganap.


4. Oo, nangyari na ang pagtatalo. Sarado na ang mga isipan kung sino ang tama at mali sa bawat isa. Nararapat na bago pa lamang na uminit ang sitwasyon ay agad nang ayusin ang pinagtatalunan. Huwag makikipag-aaway kung ipipilit lamang ang sarili na lagi kang tama sa bandang huli.


5. Ihinto na rin ang pambabato ng akusasyon sa naturang tao. Ang mga pangungusap na gaya ng, “lagi ka na lang” at “hindi ka kahit kailan” ay dapat na mga salitang iiwasang masambit. Sa halip mas mabuti pang bitiwan ang mga salitang,” Nararamdaman ko,” sa halip na “Masyado mo akong…”


6. Magkaroon ng malayong pagitan sa bawat isa. Okey lang na habang nakikipagtalo ay lumalayu-layo ka ng hakbang para mapalamig ang sarili. Ito’y para mapigilan mo rin naman ang sarili na makapagbitaw ng masamang salita o makapanakit na maaaring ikasisi sa dakong huli.


7.Tapusin na lamang ang away na tiyaking walang nasira ang pagkatao ng bawat isa. Kung maaari, bigyan muna ng tsansa ang isa’t isa na makapagpalamig at saka mag-usap sa ibang araw at iyan ay kung kapwa na kayo nakapag-isip-isip ng inyong kamalian pareho at makahingi na rin ng tawad sa bawat isa.

 
 

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | April 14, 2021




Alam n’yo bang ayon sa mga siyentipiko, malaki ang naitutulong ng essential oils sa katawan at isipan? Ito iyong mga extracts o katas buhat sa buto, talulot ng bulaklak, dahon o prutas na kapag naamoy o nagpahid sa katawan ay naiiwasan ang sakit, pumapatay ng mikrobyo, nagpapakalma at gumaganda ang mood ng tao.


KUNG MASAKIT ANG ULO. Mabisa riyan ang lavender oil, nakapagpaparelaks at nagpapaalis ng sakit ng ulo – kahit migraine tanggal! Ang taglay na linalool at lavanduly acetate nito ay napatunayan nang nagpapakalma. Nilalabanan ang nai-stress at natetensiyong masel at mga ugat dahilan kaya sumasakit ang ulo. Subukan: Magpatak ng lavender oil sa cottonball at amuy-amuyin kapag masakit ang ulo.


KAPAG DI MAKA-CONCENTRATE. Mainam ang peppermint oil para madali kang umalerto at makapag-concentrate! Kahit ang mga atleta habang nasa treadmill na lumalanghap ng peppermint oil ay higit na lumalakas. Ang amoy ng peppermint oils ang nagpapakilos sa parte ng utak na responsable sa pagkaalerto. Subukan: Magpatak ng peppermint oil sa bulak at amuy-amuyin habang pagod o habang nage-exercise.


KUNG NAG-AALALA KA. Ilang-ilang oil ang sagot diyan. Ang amoy ng ilang-ilang ay nagpapababa ng blood pressure. Higit na nakare-relaks, sumasaya ang isang nalulungkot kapag nakaamoy nito. Subukan: Magpatak sa cotton ball at langhap-langhapin kapag sobra kang nag-aalala.


KAPAG BARADO ANG ILONG SA SIPON SANHI NG ALLERGY. Swak diyan ang amoy ng eucalyptus oil. Pinaluluwag ng extract na ito ang nasal at bronchial passages natin at ang mucus, pampatanggal din ng pamamaos, nababawasan ang plema at mabisang decongestants. Kaya ito rin ang pangunahing sangkap sa mga over-the-counter cold and cough medicines. Napatunayang nakatutulong sa asthma at sinusitis. Subukan: Maglagay ng ilang patak ng eucalyptus oil sa isang kalderong kumukulong tubig at ang usok nito ang siyang singhut-singhutin sa loob ng ilang minuto.


PAANO KUNG BAD MOOD? Kaya kang pangitiin ng chamomile oil. Kung ang chamomile tea ay nakarerelaks. Ang aroma at chemical compounds ng essential oil na ito ay nagpapaganda ng mood. Pinabababa ang stress hormones at inilalabas ang serotonin (pampakalma) sa utak. Subukan: Maglagay ng 5 patak ng chamomile oil sa maligamgam na pampaligo. Ang amoy nito ay nakapagpapakalma. Papasok sa balat ang chemical compound nito at tiyak agad kang marerelaks. TIP: Ang essential oils ay mabibili sa health food stores at sa ilang malalaking grocery stores.

 
 

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | April 13, 2021




Napakasarap pakinggan na mabigyan ka ng ikalawang pagkakataon at para itong mahika na muling iikot ang iyong mundo. Anuman ito, hinggil sa pagiging magulang man, personal, o relasyon sa trabaho. Kahit sino ay may karapatan na magkaroon ng 2nd chance, para patunayan niya ang kanyang halaga sa uri ng commitment na tutuparin.


1. GAWING MABUTI ANG TRABAHO. Napakahalaga na umiwas na makalikha ng isyu mula sa isang maliit na bagay kaya mainam na magtrabahong mabuti at ipakitang mas pokus ka sa iyong ginagawa para mas mapabilib siya.

2. MAGKAROON NG PANAKA-NAKANG SOUL-SEARCHING. Ang pinakamainam na magagawa ay bago konsiderahin ang ikalawang tsansa, maupo, mag-isip at mag-meditate sa mga unang dahilan ng hindi pagkakaunawaan.


3. GAWIN LANG KUNG ANO ANG TIYAK NA UUBRA. Huwag nang uulitin pa sa usapan ang dati nang naging isyu at asahan kung ano ang magagawa matapos bigyan ng tsansa.


4. KAILANGANG MALAMAN ANG ISYU. Ang mga magulang minsan iniisip nila na tayong mga anak nila ay hindi marunong magpatawad, pero hindi naman talaga mawawala sa ating kalooban na maghinanakit at para malaman nila na mali sila pero nananatili kang umasa na mabigyan sila ng tsansa na maayos ang lahat ng bagay etc.


5. BIGYAN ANG RELASYON NG ISA PANG TSANSA. Kung ikaw ay nasa isang relasyon na mahalaga ang pagmamahal, pero may nangyaring hindi pagkakaunawaan, isipin muli ang mga dapat gawin at hayaan sila na magkaroon ng ikalawang tsansa para mailagay sa tama ang lahat ng bagay lalo na't pagdating sa finals ay kayo pa rin ang magiging magkakampi.


6. HAYAANG ANG ORAS AT PANAHON AY MAHILOM. Kung ang anumang bagay ay nasisira na sa pagitan ninyo ng partner, medyo bigyan n’yo muna ang bawat isa ng space, tapos ay magbigay ng 2nd chance sa dakong huli.


7. MAGING RESPONSABLE. Kung sa tingin mo ikaw ang nagkamali, at alam mong totoo ito, ang mainam mong gawin ay “sarilinin” ang pagsisisi”.


8. MAGPALAMIG. Kung medyo sa tingin mo ay muling mag-iinit ang isyu, ikaw na rin ang medyo manahimik at palamigin ang sitwayon bago muling mapag-usapan ito sa dakong huli.


9. Kailangan mong maging mabuting tagapakinig at bigyan ang iba pa ng oras.Gayunman, kung parehong nagtatalo, walang magandang kalalabasan ito.


10. Huwag na huwag mong susundin ang sasabihin ng ibang tao, maaaring makaapekto sa iyong paghuhusga, positibo man o negatibo, maaari kang makinig sa kanila pero hindi mo kailangang gawin anuman ang sasabihin nila kung makakaapekto sa relasyon ninyo ng mahal mo sa buhay.


11. Sundin ang kutob. Kung dama mo na anumang hakbang ay uubra, huwag mag-alinlangan na gawin ito.


12. Huwag nang maghintay ng matagal kung mahuhuli na, ngayon pa lang ay umaksiyon ka na.


13. Bigyang tsansa mo kung ano ang sinasabi ng iyong puso na tama, huwag mo nang kuwestiyunin ang iyong kutob o damdamin, lapitan na siya.


14. Kung ang mga bagay ay nakadidismaya pa rin, medyo dumistansiya ka muna. Magpalamig kumbaga.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page