ni Nitz Miralles @Bida | Apr. 2, 2025
Muling nag-guest sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) si Rhian Ramos para i-promote ang Sinagtala The Movie na showing simula this Wednesday at isa siya sa mga bida.
Ang daming nai-share na kuwento ng aktres, lalo na ‘yung malulungkot na parte sa kanyang buhay. Naluha pa nga ito nang balikan ang panahon na kino-consider niyang lowest point ng kanyang buhay. Dumating pala siya sa punto na gusto na niyang magpakamatay.
“I would say, the lowest point for me, there were times na ang dami-dami talagang intriga that was going around about me and I couldn’t understand. I think this was like the third or fourth year of my career. I was young, so I was affected,” panimula ni Rhian.
Ang hindi pa maintindihan ni Rhian, may mga naniwalang siya ang nagpakalat ng mga isyu sa kanya para sumikat, to the point na nagalit na rin siya sa kanyang sarili.
Hindi raw alam ng tao na mahirap sa kanya ‘yun at feeling niya, nag-iisa lang siya. Dito na niya naisip na mag-give up dahil two years na puro siya isyu.
“When I say, I wanted to give up, I’m not talking about showbiz. I’m talking about, you know, life as I knew it,” dagdag pa ni Rhian.
Sa tanong ni Boy kung paano siya nakabangon, sagot ni Rhian, hindi naging madali sa kanya ang bumangon at lumaban uli.
“It wasn’t an instant turn. It happened over a period of time kasi sometimes, when you’re really down, and depressed, and you’re broken-hearted about everything, sometimes it gets better,” ani Rhian.
Nang makabangon sa depression at pagkalugmok, open na siya na pag-usapan ang pinagdaanan dahil ang paniwala niya, pinatibay siya bilang babae.
“I am not afraid of thinking back to those times. I’m healed. I’ve gotten over everything and I understand why it had to happen. So, I am also not afraid of showing it and feeling the pain again,” sabi ni Rhian na maganda ang realization.
Samantala, makikilala si Rhian bilang singer at drummer player sa Sinagtala, The Movie sa direction ni Mike Sandejas.
Ang ganda ng pelikula, panoorin ninyo!
GF, kahit unang na-evict sa Bahay ni Kuya…
HARVEY KAY AC: PROUD OF YOU ALWAYS
COMMENT ni Harvey Bautista, “Proud of you, always” na para sa girlfriend na si AC Bonifacio pagkatapos ma-evict sa Bahay ni Kuya kasama ang ka-duo na si Ashley Ortega.
May ibig sabihin din ang post na ito ni Harvey dahil na-bash si AC noong nasa loob pa ng Bahay ni Kuya hanggang nitong nasa labas na siya.
Ang dami nitong bashers, pero ang importante, nananatili ang tiwala at suporta sa kanya ni Harvey.
Kung anu-ano ang itinatawag kay AC at may mga natuwa na na-evict siya dahil baka kung ano pa raw isyu ang ikalat sa loob ng Bahay ni Kuya. Hindi pa nga nagpo-post sa Instagram (IG) si AC at naka-off ang comment box.
Baka sina Harvey at best friend niyang si Darren Espanto pa lang ang kinakausap ni AC.










