top of page
Search

ni Nitz Miralles @Bida | Apr. 14, 2025





Hindi nakapagpigil si Janno Gibbs at namura ang netizen na tinawag siyang “enabler” dahil lang nag-comment siya ng heart emoji sa post ni Dennis Padilla.

Noong una, maayos ang sagot ni Janno na, “Nakikisimpatya lang sa kaibigan.” 

Sa isa pa nitong comment, ang sabi, “Define ‘Enabler.’” 


Dahil kinuyog na si Janno at kahit may nagtanggol sa kanya at nag-comment na nakisimpatya lang ito sa kaibigan ay enabler na agad, napuno na ito at sinagot ang patuloy na namba-bash sa kanya.


May mga nagulat at natawa sa pagmumura ni Janno sa nang-bash sa kanya dahil lang sa emoji. Deserve raw ng mga pakialamera na pati emoji ay ginawang big deal. May tumawag din sa kanyang patolero.


Hindi na nga lang mababasa ang iba pang comments dahil in-off ni Dennis ang comment box ng kanyang Instagram (IG) at hindi na ma-access ang post na pinagmulan ng gulo ni Janno at mga netizens.


Pati pala si Boom Labrusca na nag-comment ng “Kuya Dennis, yakap,” sa FB post ni Gene Padilla, tinawag ding enabler. 


Mukhang nakabantay ang mga netizens sa mga posts ng mga Padilla at nagre-react sila kapag may nabasang nakikisimpatya kay Dennis.


Mabuti at hindi na inaway ng mga netizens ang ibang celebrities na nagpahayag ng pakikisimpatya kay Dennis. Tama rin ang ibang celebrities na hindi na lang nagre-react at baka pati sila ay madamay at idamay.



MABABASA ang post ni Charo Santos-Concio sa Instagram na, “Abangan ang pagbabalik ng #maalalamokaya sa IwantTFC every Thursday, starting April 24, 2025.” 


Sa isa pang post sa IG, sabi ni Charo, “My heart is filled with gratitude and joy! Abangan!”

Sa Apr. 26 naman ang simula ng airing ng Maalaala Mo Kaya (MMK) sa Kapamilya Channel, A2Z at Kapamilya Online Live. Ibig sabihin, magkakatapat na uli ang drama anthology nina Charo at Mel Tiangco na MPK sa GMA-7 naman.


Anyway, sa ipinost na photo ni Charo sa IG, makikitang sumabay siyang sumayaw kay BINI Sheena na itatampok ang life story sa MMK. Itatampok din siguro ang life story ng lahat ng members ng BINI, isa-isa nga lang.


Itatampok din sa MMK ang life story ng The Voice US Grand Champion na si Sofronio Vasquez. Si Elijah Canlas ang gaganap sa role ni Sofronio na ang alam namin, kumakanta rin.


May mga requests na ang Kapamilya fans kung kaninong life story ang gusto nilang itampok sa MMK at kabilang dito ang life story ni Carlos Yulo.



NAG-SORRY sa kanyang mga fans si David Licauco dahil hindi nakapunta sa SM North Edsa last April 12 para sa cinema visit to promote Samahan ng mga Makasalanan (SNMM) dahil nagkasakit. 


Sa SM Megamall at SM Mall of Asia (MOA) na lang siya nakahabol and hopefully, may susunod pang cinema visits sina David para makabawi. 


Pati ang opening ng Kuya Korea resto niya sa Clark, na-move ang date for the same reason. Hindi na nito kinaya ang sunud-sunod na ganap sa kanyang career at pagiging businessman at nagkasakit na.


Speaking of David, sa May 16, 2025 na ang release ng kanyang debut single na I Think I Love You under Universal Records PH. May photos na ini-release ang Universal na nagre-recording si David, baka nga naman may basher na magsabing may ghost singer siya.


Sabi ng Universal, “Exciting new chapter,” sa career ni David ang pagiging recording star and in fairness, kumakanta siya. Siya rin ang kumanta ng isa sa mga songs sa Maria Clara at Ibarra (MCAI) at kumakanta siya sa mga mall shows.


Humihirit na ng request ang mga fans na sana sa music video ng single ni David, kasama niya si Barbie Forteza. Siguro naman, pagbibigyan ni Barbie kapag nag-request si David at ang Universal Records.

 
 

ni Nitz Miralles @Bida | Apr. 13, 2025





Tila sagot ni Kyline Alcantara sa balitang breakup nila ni Kobe Paras ang latest post niyang kumakanta ng You’ll Be In My Heart at may caption na: “Here’s for you, little Kyline. You’ll Be In My Heart. Always. Hang in there, we’ve achieved some of the things we are only dreaming of.”


Malungkot ang song, malungkot ang aura ni Kyline at malungkot din ang mga comments ng kanyang mga fans/followers/friends. 


Ilan dito ay: “We are always here for you,” “I love you forever,” “We love you Kai, hinding-hindi ka namin iiwan hanggang dulo tandaan mo,” at “Mahigpit na yakap.”


May mga nagpayo rin kay Kyline, “Breakup lang ‘yan beh! You will rise from it, “Wag ka na muna mag-love life, Kyline,” at “Stay stronger.”


Hintayin natin na kumpirmahin nina Kyline at Kobe ang balitang breakup nila. Sa ngayon, pare-pareho tayong maghintay.


Niresbakan ni Marjorie… DENNIS, BIGLANG NAG-OFF NG COMMENT BOX NG IG


Naka-off ang comment box ng Instagram (IG) ni Dennis Padilla as of yesterday. Kung dati, naka-open pa ang comment box ng IG niya, ngayon, totally off na. 

Pero, ang mga latest posts lang naman niya ang naka-off, open pa rin ang iba at puwede pa ring mag-comment.


Hindi lang natin masabi kung ang pag-o-off ni Dennis ng kanyang comment box ay dahil sa interview ni Marjorie Barretto na lumabas sa YouTube Channel ni Ogie Diaz o dahil sinugod ang Instagram (IG) niya ng mga bashers. 


In fairness, noong open pa ang comment box ng IG nito, mas marami ang bashers kesa pabor sa kanya at hindi niya sinagot, maliban doon sa nag-comment tungkol kay Claudia Barretto na sinagot ni Dennis na naaawa siya sa anak.


Anyway, hinihintay ng mga netizens ang sagot ni Dennis sa interview ni Marjorie Barretto na inisa-isa ang mga isyung ibinato niya rito. Pati ‘yung sa mom ni Dennis na sabi ng kapatid niyang si Gene Padilla, naiyak sa awa sa anak, sinagot ni Marjorie. 


Sabi ng ina nina Julia, Claudia at Leon, “Grabe ang sinabi nila. Inapi ‘yung nanay, hindi pinaupo ‘yung nanay, eh, she was seated separately from Dennis and Gene because Dennis and Gene had their own world,” panimula ni Marjorie.


“My Mama Lina, according to the coordinator I asked kanina, she was seated properly. Sabi n’yo ay iyak nang iyak, nainsulto, awang-awa sa inyo, she didn’t cry at all [and] you wouldn’t know because you did not even sit beside your mother.”


Ayon pa kay Marjorie, in-assist pa nga niya ang dati niyang mother-in-law pababa ng stairs nang makitang hirap itong maglakad.


“Nakikita kong pababa, eh, ako ‘yung nasa front row, bumababa si Dennis, inaakay niya si Mama kasi nahihirapan si Mama maglakad, si Dennis, nasa kanan and I took her by the left. I met her halfway du’n sa stairs sa altar and I walked with Mama para magbigay ng respeto,” ayon pa kay Marjorie.


“She was so happy to see me, hindi mugto ang mata ng mother-in-law ko. She was kissing me, I was kissing her, and I was hugging her, she was hugging me. So, ano ‘yung sinasabi n’yo na inaapi ‘yung nanay ninyo? 


“‘Di ko maano, eh, may picture ako,” sabi ni Marjorie.


Nakita nga namin ang picture ni Marjorie at ng mom ni Dennis at sa interview sa una, maririnig na “Mama” pa rin ang tawag niya rito. Tinawag din niya itong “mother-in-law” at pinuri ng mga netizens si Marjorie dahil “mother-in-law” pa rin ang turing niya sa mom ni Dennis kahit matagal na silang hiwalay at kahit may malaking isyu sa kanilang pagitan ng aktor.



PATULOY na nanghihingi ng prayers si Sharon Cuneta sa kanyang paggaling dahil sabi nito, “I am still always lying down on my bed as I am still always nauseated. I still don't know what hit me but if I stand or sit too long my headache and hilo hit me hard, and I am just scared that I might have to throw up again (sorry that’s graphic). Please pray for me. Thank you.”


‘Kaaliw lang ang mga comments ng mga followers ni Sharon sa post niyang ito. May nagtanong kung nagpa-pregnancy test na siya at baka buntis siya. 


Kaya lang, 59 years old na si Mega, hindi na yata siya magbubuntis.


May nag-comment naman na baka side effect ng Ozempic ang nangyayari sa kanya.

Kaya lang, nilinaw na ni Sharon na hindi siya nag-take ng gamot na ito at natural means ang pagpayat niya. 


May nag-comment pa na baka menopausal symptoms ang umaatake kay Sharon.

Marami ang nag-aakalang vertigo ang nararamdaman ni Sharon. Kailangan daw niyang magpa-check-up sa doctor at iwasang ma-dehydrated. 


May nag-akala namang baka nausog o nabati siya, magpatingin daw siya sa albularyo.

Anyway, marami ang nag-wish na gumaling na si Sharon at sana, ang next niyang post, magaling na siya at balik na sa mga ginagawa.

 
 

ni Nitz Miralles @Bida | Apr. 12, 2025





Napa-check tuloy kami sa Instagram (IG) account nina Kyline Alcantara at Kobe Paras dahil sa tsikang break na ang dalawa. Katunayan, wala na raw photo ng bawat isa sa kani-kanilang IG. 


Mukha ngang burado na ang mga pictures na magkasama sila sa kani-kanilang IG, pero ‘yung mga pictures ng endorsements nila na magkasama ay nandu’n pa. 


Napansin tuloy namin na marami ang masaya sakaling mag-break na sina Kyline at Kobe at lumutang na naman ang mga comments na hindi sila bagay. 


Mas bata raw kasi ang dating ni Kobe kesa kay Kyline at kung anu-ano pang ek-ek na sabi ng mga fans ni Kyline, dala lang ng inggit sa aktres dahil hindi sila ang nagustuhan ni Kobe.


Sabi pa ng mga fans ni Kyline, ayaw ng mga bashers ng aktres na maging masaya ito sa piling ni Kobe at gusto nilang ang ex lang nitong si Mavy Legaspi ang maging masaya kasama ang GF na si Ashley Ortega.


Kaya lang, nang matanong ang showbiz writer na si Glenn Regondola na close kay Kyline sa balitang break na ang aktres at si Kobe, ang sagot, “Sa maraming nagtatanong... truth will come out soon!” kaya abangan na lang ng kanilang mga fans ang paglabas ng totoo.


Samantala, nagsimula nang mag-taping sina Kyline at Barbie Forteza ng series nilang Beauty Empire (BE). Maganda ang concept ng series na kundi kami nagkakamali ay tila kasama sa cast si Ruffa Gutierrez. Sorpresa pa kung sino ang makakapareha ng dalawang aktres.



DUMALO si Barbie Forteza sa premiere night ng movie nina David Licauco at Sanya Lopez na Samahan ng mga Makasalanan (SNMM) bilang suporta sa kanyang ka-love team. 


Ipinost nito ang photos sa Instagram at para hindi na siya ma-bash ng mga fans, in-off nito ang comment box ng kanyang post.


Actually, wala namang dapat ikatakot si Barbie sa bashing dahil mas marami ang natuwa at kinilig sa kanyang pagdating. Nagpasalamat din si David, lalo na’t hindi siya hinayaan ni Barbie na walang katabi. Dahil hindi dumating si Sanya sa premiere night ng kanyang pelikula, si Barbie ang nakatabi ni David.


Kaya nang matapos ang pelikula, naging madali kay Barbie na i-congratulate ang ka-love team. Ilang beses silang nagyakap ni David, kaya tuluy-tuloy din ang kilig ng mga fans sa mga eksena off-cam.


May nagtanong lang, sakaling present si Sanya sa premiere night, saan daw uupo si Barbie? Sino ang katabi niya? 


Mula sa direction ni Benedict Mique ang SNMM at co-produced ito ng GMA Pictures at film company ni Chavit Singson. May cameo pala sa movie si Chavit na very proud siguro dahil gandang-ganda ang mga moviegoers sa Ilocos Sur at Vigan.


Ipinalabas pala ang teaser ng P77, ang horror movie ni Barbie Forteza na showing this year. Pustahan tayo, sa premiere night ng movie, dadalo rin si David Licauco bilang suporta naman kay Barbie.


Mister, kahit todo-pakiusap…

PRISCILLA, NEVER NANG BABALIKAN SI JOHN


Sa inamin ni Priscilla Meirelles na hiwalay na sila ni John Estrada at umalis na sila ng anak na si Anechka sa bahay nila ni John, gusto sanang mag-comment at makisawsaw ng mga netizens sa isyu. Kaya lang, hindi nila magawa dahil matagal nang naka-off ang comment box ng Instagram (IG) account nito.


Kaya ayun, nganga ang mga fans, hindi malaman kung saan sila puwedeng mag-comment at awayin si John. Hindi rin sila nakakapag-comment sa IG ni Priscilla dahil limited ang puwedeng mag-comment, ‘yun lang mga friends nito.


Pasabog ang interview ni Priscilla kay Karen Davila at nabanggit na paulit-ulit siyang kinumbinse nito na sila’y magkaayos. Kaya lang, sabi nito, wala na siyang balak makipagbalikan sa asawa.


Sa mga nag-akalang kaya siya nagpapaganda at nagpapayat dahil gusto niyang balikan siya ni John, may sagot siya rito.


“It’s a little bit flattering because there are a lot of assumptions online. I get comments like, ‘She’s losing weight because she wants her husband back.’ The thing is that it does not come from what happened,” sabi nito.



NGAYONG Sabado, April 12, 8:15 PM na mapapanood ang guesting uli ni Bea Alonzo sa Magpakailanman. Pinamagatang The Healer Wife (THW) ang episode kung saan kasama niya sina Max Eigenmann, Euwenn Mikaell at Tom Rodriguez, sa direksiyon ni Zig Dulay na ini-request ni Bea.


Tungkol sa babaeng nabiyayaan ng faith healing ang episode. Kaya niyang magpagaling sa iba, pero hindi mapagaling ang asawa at anak. Matinding aktingan at iyakan ang nasabing episode, kaya panoorin.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page